Sa iisang mundo na ating ginagalawan hindi mo masasabi na tanging ordinaryong tao o hayop lamang ang nakatira.
May mas malalakas,
mababangis
at mga mmortal. Sila ang nilalang na may mga pangil, mapupulang mata ,mga uhaw sa dugo at may malamig na temperatura sa katawan .
Alam mo na ba kung ano ang tinutukoy ko?
Sila ang mga bampira.Mag ingat ka dahil nariyan lang sila sa tabi-tabi nag mamasid at naghihintay kung kailan sila aatake.
Sa isang lugar na malayo sa mundo ng mga tao, ang tawag sa lugar na ito ay JacksonVille. Isang maliit na lugar na may mahigit 7,000 populasyon lamang ng ang nakatira.
Ang lahat ng nakatira dito ay purong bampira."Kasalanan mo ang lahat ng ito." Wika ni Jane. Hindi ko maintindihan kung bakit nagawa ito ni Jane sa magulang namin? Masyadong mabilis ang mga pangyayari hindi ko maipaliwanag ang lahat.
"Bakit mo pinatay ang magulang natin Jane?! Nababaliw kana!" Sigaw ko. Nilapitan ko ang bangkay ng aming magulang, hindi tulad ng isang ordinaryong tao walang dugo ang nagkalat sa sahig. Tila ba, isang pigura na nabasag ang katawan ng magulang ko.
"Kung inamin mo lang sana jaimie, sana hindi humantong sa ganito! Buong buhay ko hindi ko naramdaman na mahal nila ako. Tama lang na sinunod ko ang utos ng Voltria, " wika ni Jane. Si Jane ang kakambal ko, madami kaming pagkakatulad. Noon, mahal na mahal namin ang isa't isa ngunit habang tumatagal nag babago si Jane ng hindi ko alam ang dahilan.
"Nagkakamali ka Jane, mahal ka nila." sabi ko. Tinitigan niya ako at bigla itong tumawa."HAHA! Wag ako, iba nalang ang utuin mo jaime. Kung si mama at papa ay nauto mo ibahin mo ako." Sabi ni Jane.
" Pero, jane pamilya tayo! Wag naman ganito jane!" lumuhod ako sa harapan ni Jane, nagbabasakali na magbago pa ang isip niya sumama sa Voltria.
Ang voltria ay isang samahan ng makakapangyarihan na bampira, wala silang batas na sinusunod. Tuwing sumisikat ang fullmoon ay pumupunta sila sa mundo ng mga tao para pumatay, pinaglalaruan o inaakit muna nila ang mga ito bago gawing hapunan. Galit na galit sakanila ang ibang bampira, isa na don ang aming magulang dahil sa mga pinang-gagawa nila. Nais ng mga voltria ang ubusin ang lahat ng mga kontra sakanila upang sila na ang mamumuno sa buong clan ng mga bampira.
Hindi ako naniniwala na kaya ng kapatid ko gawin ang mga bagay na iyon. Ang pumatay, sigurado akong nilason lang nila ang utak ni Jane.
"Hindi mo na mababago ang desisyon ko jaimie. Simula ngayon hindi na ako parte ng JCLAN." Wika nito. May namuong maitim na usok sa likod ni Jane hindi ko alam kung kanino ito nanggaling pero nang medyo nawala na ang usok bumungad saakin ang tatlong lalaking nakatayo sa likod ni Jane.
May mga tattoo ng ahas ang nakaukit sa bandang kaliwa ng leeg, hindi ako maaring magkamali sila ay isa sa vetrilyon. Napa atras ako dahil sa takot at huminga ng malalim pilit na pinapakalma ang aking sarili.
May isang lalaki ang lumapit kay Jane at may ibinulong ito sakanya. "Magaling Jane. Welcome to the Family." Sabi niya. Ang mga mata nito kasing pula ng dugo at may mahabang buhok na parang babae. Tumingin ang lalaki saakin tila may nais itong sabihin sinubukan kong basahin ang isip niya. Umaasa siyang sasama rin ako sakanila pero hindi ako papayag kailanman hindi ako sasama sakanila. Mukhang nabasa niya narin ang isip ko, alam niya ng ayaw kong sumama sakanila.
"Hindi kita pipilitin jaimie. Ito ang tatandaan mo, Ikaw ang magbabayad sa lahat ginawa ng magulang mo sa Voltria." Pagkasabi niya non ay sabay-sabay silang naglaho kasama si Jane.
●●●●
"Jaimie.. Jaimie.." iminulat ko ang mga mata ko dahil sa boses na aking narinig. Pamilyar saakin ang boses na iyon.
" Julie! " Hindi nga ako nagkamali si Julie nga, agad agad ko siyang niyakap ng mahigpit. Si Julie ay pinsan ko, mula sila sa kabilang bayan.
" I'm so sorry, hindi kami naka-abot. Sorry, " wika ni Julie. Hinanap ko sa buong paligid ang katawan ng magulang ko ngunit mga abo nalang nila ang naabutan ko.
Isang tradisyon ng mga bampira ang sinugin ang agad ang katawan ng patay bago sumikat ang araw.
" Ayos lang yon Julie, salamat." sabi ko.
I wished sana panaginip nalang ang lahat ng ito but it's not, this is the reality. My mom and dad is already dead, they leave me alone.
" No, We're still here. Listen Jaimie, you need to leave this city, " wika ni Jullian. Napalingon ako sakanya at bahagyang ngumiti ito.
Yes! He's right I still have JCLAN, my family.
Si Jullian ay kapatid ni Julie, pinsan ko rin si Jullian. He's a gifted vampire dahil nakikita niya ang mga peligro na mangyayari sa hinaharap.
Kailangan ko ng umalis sa lugar na ito dahil sigurado akong ilang sandali lang ay kakalat na ang balita at ibabaliktad ni Jane ang nangyari. Alam na alam ko ang ugali ni jane kaya hindi ako maaring magtagal dito.
"Pero saan naman ako lilipat?" Tanong ko. Tinitigan niya ako ng maigi at binasa ko ang isipan niya. Kaya pala ayaw niyang banggitin ang lugar dahil pinagbabawal ang bampira sa mundo na iyon at ayaw niyang may maka-alam ng paglilipatan ko.
I slowly nodded, medyo nag dadalawang isip pa ako sa mundong yon pero may tiwala ako kay Jullian.
"Don't worry, jaimie andito kami hindi ka namin iiwan." Sabi ni Julie.
---
Ito na yun jaimie, ihanda mo na ang sarili mo dahil dito na mag sisimula ang panibagong kabanata ng buhay mo sa mundo ng mga tao.
Inspired by: Twilight Saga
BINABASA MO ANG
When Night Comes
VampireBe curious. No Description Basahin niyo na lamang po mula simula hanggang dulo at kung maa-ari ay huwag laktawan ang bawat isang salita o kabanata dahil malilito ka sa takbo ng storya na ito. A/N: Ako po'y nangangako na aking tatapusin ang storyang...