Jaimie's POV
Lunch time namin ngayon pero ayoko muna sumabay sa jclan hindi ako handa harapin sila kuya jake dahil maaring nalaman na nila ang tungkol sa tunay na nangyari kahapon. Nagaalala ako kay peter kasi malaki ang galit ni jake sa mga tao e, baka ano pa ang magawa niya kay peter.
Teka bat ba ako concern sa taong yun? Kasalanan niya kung bakit naiistress ako ngayon pero nakakaawa rin si peter kapag nagkatotoo yun. Hindi ko lang alam kung mabubuhay siya.
Nasa rooftop ako ng paaralan namin, narinig ko kasi sa mga babae kanina na mas peacefully raw dito.
Binuksan ko ang lunch bag ko at kinuha ang baon na niluto ni lola merlin. Sa totoo lang hindi kami nagugutom mga bampira pero nakasanaya na rin namin ang kumain ng tatlong beses sa isang araw tulad ng mga tao dito kumbaga na well-trained talaga kami ni lola merlin.
Nilanghap ko ang amoy ng ulam kasi napaka bango eh, hinanda ko ang aking kutsara at tinidor tapos lamon agad.
Maganda rin pala ang mag-isa peacefull, walang maingay, walang problemang iniisip kahit kaunting oras lang isabay mo pa ang preskong hangin at magandang tanawin. Dito sa rooftop, maaari mo ng matanaw ang mga bundok na nababalutan ng mga ulap.Nang patapos na akong kumain nakaramdam ako na may paparating, anim na tao. Siguro may kukunin lang dito sa rooftop kaya hinayaan ko na lamang.
Biglang bumukas ang pinto at may nakatayong anim na babae pintuan ng rooftop. Kahit malayo kitang-kita ko ang mukha at ang mga iniisip nila.
They think, na may gusto si Peter at Bryan saakin kaya galit sila.
Oh... ayoko mapa laban ngayon, bahala na hindi ko dapat sila patulan. Yun ang tama.
Binalik ko ang aking tingin sa mga bundok at ibon na nagsiliparan sa himpapawid. Nararamdaman ko na papalapit sila sa kinaroroonan ko pero hinde ko sila pinansin patuloy parin ako sa paglamon.
" Tignan niyo nga naman girls, andito ang reyna ng mang-aagaw. " sabi ng isang babae. Siguro yun yung leader nila, sus ampanget! Ang pula ng labi tapos naka blonde rin ang buhok. Mas maganda pa ako eh.
Hindi ko parin sila pinansin, sige lang dada lang kayo ng dada jan hanggang sa mapagod kayo. Narinig kong tinatawag niya ako, ito na huling subo ko na nang may biglang tinapon ang baonan ko. Hindi ko pwede gamitin ang kakayahan ko bilang bampira dahil malalaman ng voltria iyon, kapag kasi nakita mismo ng isang tao ang ginawa namin at mag uumipisa silang magtaka duon kikilos ang voltria at paparusahan kami.
Andyan lang ang mga voltria, nagmamasid at naghihintay kung kailan sila aatake.
Hindi lang kami ang lumikas dito may iba pang ka-uri namin gaya ni Bryan kaya maaring may alagad ng voltria rin ang naririto ngayon.
Ang tanging paraan ay huwag na lamang lumaban o patulan.
" Gusto mo siguro masaktan, no! " sigaw ng lider squad nila.
Hindi ako sumagot sakanya sa halip tinignan ko lang siya at ngumiti. Sa tindi ng kanyang galit hinablot niya ang buhok ko tapos sinabunutan ako hanggang sa mapahiga ako sa sahig.
Ang posisyon namin ngayon siya ang nasa itaas ko, wala akong maramdaman na sakit sa sabunot niya kaya hinayaan ko lang hanngang sa nakisali na rin ang mga alipores niya, pinagsisipa at palo nila ako sa paa. Hindi ko alam kung ano yung ginamit nilang pamalo na medyo masakit.
" TIGNAN NATIN KUNG HANGGANG SAAN ANG KAYA MONG HAYOP KA! " sabi ng lider na patuloy parin sa pagsasabunot saakin.
Naka tingin lang ako sakanya ng walang emosyon sa mukha. Patuloy lang sila sa pagbugbog saakin habang ako pinipigilan ang sarili na huwag lumaban dahil masasaktan lang ang mga to.
Sa gitna ng pambubugbog nila biglang bumukas ang pinto ng rooftop kaya napatigil sila at napalingon sa pintuan.
Dalawang lalaki ang bumungad sa pinto agad na tumayo ang babaeng lider ng squad at inayos ang kanilang sarili.
Habang ako nakatingin lamang sa kalangitan, parang isang dagat na walang hanggan ang langit.Nang may biglang bumuhat saakin na pang bridal style. Tinignan ko kung sino ang iyon.... Si..
" Bryan.. "
Sambit ko. Pinikit ko ang mga mata ko dahil naka ramdam ako ng antok, isang sign ng pagka abnormal ko.
Siguro nagtataka rin si Bryan kung bakit ako nakaka-ramdam ng antok pero bahala na kung ano ang gusto niyang isipin basta matutulog ako.
Peter's POV
" Peter! Bryan! Binubugbog si Jaimie sa rooftop! " sigaw ni Franco.
Nagtinginan kami ni Bryan saka tumakbo ng mabilis papunta sa rooftop.
Habang pabilis ang pagtakbo ko, pabilis ng pabilis rin ang tibok ng puso ko dahil sa kaba na baka anong mangyari kay Jaimie.
Isa lang ang pwedeng gumawa nito kay sakanya... Si Jessi.
Nang makarating kami sa rooftop tinadyakan ni Bryan ang pinto kaya nabuksan ito, sobrang lakas.
Bumungad saamin ang anim babae pinapalo ang paa ni Jaimie ng tubo habang ang isa...si jessi ay sinasabunutan siya. Tinignan ko si Jaimie, parang wala lang sakanya ang ginagawa ng mga babaeng tila hindi siya na sasaktan sa mga palo at sabunot na natatanggap niya.
Nang makita nila kami agad silang tumigil at nagsi tayuan ang mga babae habang si jaimie nakahiga parin nakatingin sa ulap. Hindi ko batid sa kanyang mukha ang sakit kasi ewan ko kung tao ba to hindi nakakaramdam ng sakit eh, kung ibang babae iyan sigurado akong kanina pa humahagulgol sa iyak.
Tumakbo ako papunta kay jaimie pero naunahan na ako ni Bryan, agad niya binuhat si jaimie at mabilis na inilabas sa rooftop.
Biglang may kung anong kumirot sa puso ko para bang nasasaktan ako.
" Pete. " Napatingin ako sa isang babaeng nakatayo sa harapan ko. Hingal na hingal siya sa pagod, I wonder kung bakit hindi lumaban si jaimie sakanila. Malakas si jaimie alam ko yun.
" Don't ever call me Pete. " sambit ko.
Tinignan ko sila ng masama agad naman nilang iniwas ang mga tingin saakin. " Kapag sinaktan niyo ulit si jaimie sisiguraduhin kong mapapatalsik kayo sa paaralan na to. " dagdag ko.
Isa isa silang tumango sabay alis sa rooftop. Nang may nakita akong bench agad ko itong nilapitan at umupo, sa oras nito ngayon hindi ko naiintindihan ang nararamdam ko para kay jaimie.
Kung gusto ko ba siya o mahal ko na ba..
Ilang oras din akong nag muni muni pagkatapos, tumayo ako't nag unat napansin kong may lunch bag sa gilid ng inupuan ko. Agad ko kinuha ang bag na iyon dahil alam kay jaimie to.
* Likey * Likey *
Kinuha ko ang cellphone ko dahil sa isang mensaheng natanggap ko mula kay bryan.
Message:
Pete, may pupuntahan lang ako paki bantayan si Jaimie nasa clinic ko siya dinala.
Pagka basa ko ng mensaheng 'yon napangiti ako't biglang tumibok ang puso ng sobrang bilis.
Agad- agad ako nagtungo sa clinic para makita si Jaimie nang.....
BINABASA MO ANG
When Night Comes
VampireBe curious. No Description Basahin niyo na lamang po mula simula hanggang dulo at kung maa-ari ay huwag laktawan ang bawat isang salita o kabanata dahil malilito ka sa takbo ng storya na ito. A/N: Ako po'y nangangako na aking tatapusin ang storyang...