Dedicated to:
alyloonyJaimie's POV
Ngayon ay araw ng Lunes. Katulad ng mga ordinaryong tao gumising ako ng maaga. Naligo ako, nagbihis at kumain ng almusal. Kagabi pa ako kinakabahan kasi first time ko dito sa mundo ng mga tao.
" Basta ha, huwag ninyong kakalimutan ang itinuro ko. Kumilos kayo na parang tao. " paalala ni Lola Merlin. Siya lang ang nag-iisang tao dito sa bahay namin at alam niya ang lahat tungkol sa aming pamilya, kung ano kami o sino kami.
Napaka bait ni Lola Merlin saamin, sakatunayan noon una pa lang namin dito sa mundo ng mga tao siya ang gumabay saamin at siya rin ang nag turo kung ano ang dapat ikilos namin sa mundong to.
" Opo, lola. " sagot ni Julia.
Si Julia ang ampon ni Tita, mahilig mag-ampon ng mga newborn vampire ang ina nila Julie at Jullian. May apat na anak si tita rosset, ang dalawa sakanila ay ampon.
" Yung mga contact lenses suot niyo ba? " tanong ni lola. Nagtinginan kami sa isa't isa napansin kong kulay black na yung mga mata nila e samantalang kanina lang ampupula non. Buti nalang naisuot ko na kanina yung contact lense.
" C'mon guys, malalate na tayo. " pagmamadali ni Jake. Agad kaming nag si takbuhan sa kotse pero bago yun nag paalam muna kami kay lola merlin, sayang wala sina tita rosset at tito justin dito nasa ibang bansa sila e.
"Jaimie, ako jan! Puwesto ko iyan!" sigaw ni Julia. Hindi na ako nakipag talo pa kay julia kasi alam ko naman na may gusto to siya kay Jake e. Ayos lang hindi naman sila magkapatid parehas silang ampon ni tita rosset. Nagpalit ako ng puwesto, bale nasa bandang likod ako ng front seat naka-upo sina Julie at Jullian naman sa pinaka dulo.
Ang tahimik namin sa loob ng kotse, naaalala ko dati kapag nagbabakasyon kami ng magulang ko kasama si jane ang ingay namin e lalo na yung kakamabal ko na iyon napaka-ingay haha. Nakakamiss... sobra...
"Jaimie, are you alright? " tanong ni Jake. Napatingin siya sa front mirror ng kotse pati rin si Julia ay napalingon saakin.
" H'wag kayong mag-alala, I'm alright. Always... " sagot ko. Nakikita ko sa mga mukha nila na hindi parin sila kumbinsido kaya binigyan ko sila ng abot langit na ngiti at agad naman nilang binalik ang tingin sa labas.
Maganda ang mga tanawin sa lugar na ito, may mga naglalakihang puno sa gilid ng daan. Habang dumadaan kami rito hindi ko maiwasang mapatingin sa mga puno dahil may nararamdaman akong sumusunod saamin.
Hinintay ko na makaramdam rin sila pero wala, tahimik lang sila.
"We're here." - Jake.
Inayos ko ang damit ko then huminga ng malalim. Okay this is it!
"Are we ready?" Tanong ni Julia na may halong ngiti.
" Yes. " sagot ko. Yes.. ako lang talaga ang sumagot lahat sila kinakabahan, hindi normal sa mga bampira ang kabahan. Lol
" guys, relax lang. Inhale,exhale huwag kalimutan ang ibinilin ni lola saatin! " sabi ko. Tumango-tango sila habang nagiinhale at exhale.
Pagkatapos, sabay sabay kaming lumabas ng kotse. Halos lahat ng mga estudyante ay nakatitig lang saaming lima, no wonder! Ang gaganda at gwapo kasi yung mga kasama ko.
"Omg, girl! Sila na yung sinasabi kong transferee!"
"Alright. Akin yung nasa dulo okay? Paghahampasin ko ang umagaw sa kanya."
"Ang harsh mo naman! "
Hindi nila alam na naririnig namin ang lahat ng sinasabi nila. Bahagya akong natawa sa pinag-uusapan nila. Napatingin ako kay Julie na ang sama ng tingin niya sa mga babaeng pinag-aagawan ang kanyang napaka-poging kapatid na lalaki.
" Jaimie, dala mo naman siguro yung map mo? " tanong ni Julia.
Inalala ko muna ko kung nadala ko ba iyong map bago sumagot.
" uh.. yup! "
Nararapat lang na dalhin ko ito araw araw ang laki kasi ng building na ito, sigurado ako kapag hindi ko dala yun ay madali lang akong maligaw dito.
" Mabuti naman, so.. mauuna na kami! Take care! " - Julia.
Isa-isa silang lumapit saakin at hinalikan ako sa noo. Ako kasi ang pinakabunso sa aming lima since wala si Jane.
Speaking of Jane... Kumusta na kaya yun? Sana ayos lang ang kakambal ko.
Nang tuluyan na silang umalis sinumulan ko ng hanapin ang magiging classsroom ko. Habang naglalakad ako may napansin akong sensation... isa ding bampira, kakaiba ang amoy nito sa mga tao. Sinubukan kong hanapin kung saan nanggagaling to ngunit hindi ko mahanap, maaring nasa tabi tabi lang to.
" Jaimie right? " tanong ng isang babaeng hindi ko naman kilala na kilala ako. Napa-kunot noo na lamang ako sakanya dahilan upang tumawa ito.
" Alam mo ba?! Hinihintay naming lahat ang pagdating ninyo magkakapatid!" Sabi ng babae.
"Uh... sila magkakapatid pero kami hindi. "
sagot ko. Kumunot ang noo niya sabay kamot sa ulo. Bakit kaya ang hilig ng mga tao kumamot sa ulo? HMM."EH..? " tanging sambit lang niya saakin. Tila naguguluhan ang dilag na'to, ayan napaka chismosa kasi.
" Pinsan ko sila. " pagkasagot ko agad akong naglakad-lakad para hanapin na ang classroom ko.
"same room pala tayo eh." sabi ng babae. Hahawakan niya sana ang braso ko ngunit umiwas ako, baka kasi magtataka siya sa temperatura ng katawan ko.
" I'm sorry. "
Hindi pa ako sanay sa mga tao gaya niya kaya hindi niyo ko masisisi kung medyo masungit.
Lumapit ako sa prof namin na abala sa pagsusulat nang nasa harapan na niya ako itinigil niya ang pagsusulat at humarap saakin.
" Welcome to Highland High School, Ms. Brouise."
"Thank.. you."
Tama ba na mag thank you ako? Sabi kasi ni lola merlin kapag binati daw kami ang sasabahin daw ay thank you!
"You may sit there." - Sir.
May tinuro itong upuan na malapit sa lalaking abala sa paglalaro na kanyang ummm.... Phone???
Agad akong pumunta sa puwesto ko hindi ko pinansin ang lalaki sa tabi ko na panay ang laro. Mag a-advance reading nalang muna ako.
Hindi ako makapag focus sa pagbabasa dahil sa tunog ng nilalaro ng katabi ko. Kainis naman oh! Hindi ko naiintindihan tong binabasa ko.
"Paki hinaan nga yan." - ako
Naka earphone pala to' kaya hindi ako maririnig. Minsan talaga nakakainis ang mga tao, hindi nila alam na nakaka-abala na pala sila sa iba.
Gamit ang notebook dahan-dahan ko siyang pinalo, napatingin siya saakin at itinanggal ang naka suksok sa tenga niya.
"Paki hinaan, nagbabasa ako dito." - ako
Inirapan niya lang ako tapos nagpatuloy na uli sa paglalaro. ABA! Ito yung ayaw ko sa mga tao e, psh! Humanda kang lalaki ka sisisip-sipin ko yung dugo mo hanggang sa malagutan ka ng hininga e!
PAGKATAPOS...
Nabaling ang atensyon ko sa isang lalaki na paparating sa room namin naamoy ko ang sense niya....
Katulad rin siya namin....
Isang bampira.....
BINABASA MO ANG
When Night Comes
VampireBe curious. No Description Basahin niyo na lamang po mula simula hanggang dulo at kung maa-ari ay huwag laktawan ang bawat isang salita o kabanata dahil malilito ka sa takbo ng storya na ito. A/N: Ako po'y nangangako na aking tatapusin ang storyang...