Chapter 9: Missing Heart

450 10 5
                                    

All Rights Reserved to PrincessPianist_HCMC. No part of this story may be reproduced, distributed, or transmitted, in any form or by any means, or by stored in a database or retrieval system, or any form of copying without the permission from the AUTHOR. 

©PrincessPianist_HCMC2014

____________________________

Andrea

 Dumating na ang The Heart Piano sa Paris. Kasabay nito si Agent S at Agent E.

Sinundo namin sila sa Airport.

“Hi. Are you Mezz? Am I dreaming?” tanong ni Nate kay Mezz.

“Yes I am. And you are ?” sagot nito sa kanya.

“I am Nate. I am your Number 1 fan. Pwede ba tayo magpa-picture together?” tanong ni Nate sa kanya.

“Huh? Okay.” Sagot nito.

Ang weird din naman minsan nitong si Nate eh nagawa pa talagang magpa-picture. Napailing na lang kami.

“Eliz and Stephen, kami na bahala sa “The Heart Piano”. Sige na mauna na kayo samahan niyo na si Mezz para makapagpahinga na kayo.” Sabi ni Andrea.

“Best, salamat ha. Bahala na kayo.” Sagot ni Eliz.

“Sama na din ako sa kanila para maset-up ko na.” sabi ni Nate.

Naiwan na naman kami ni Brian dito. Ang tagal kasi ibaba ng “The Heart Piano” mula sa airplane. Madami pa kasing papeles ang hinihingi bago ito mailabas. Yung truck ng museum kanina pa din naghihintay. Hangang kalian kaya kami maghihintay.

 

Stephen

Mukhang antok na antok na si Eliz. Kanina ko pa napapansin ang paghikab niya at pagpikit-pikit ng mga mata. Pagkasakay namin ng sasakyan ay tuluyan na nga siyang nakatulog. Maya-maya pa ay naramdaman kong may sumasandal sa akin. Paglingon ko ay si Eliz at tulog na tulog na siya. Iniayos ko ang pagkakasandal ng ulo niya sa balikat ko, para tuloy kaming magka-akbay. Kawawa naman eh pagod na pagod.

Eliz

Naalimpungatan ako parang may nakadantay sa akin. Pagmulat ko biglang.. Click… Click..

Pagmulat ko nakita ko sa Nate na kinukuhanan ako ng picture. Teka kami pala. Bigla akong napabalikwas dahil sa ayos namin ni Stephen. Nakatulog pala ako pati siya tulog. Nakasandal ang ulo ko sa balikat niya yung kamay naman niya nasa balikat ko tapos yung ulo niya nadantay din sa ulo ko. Pagkabalikwas ko napamulat na din si Stephen.

“Ang cute niyong tingnan. Alam niyo bagay kayo.” Sabi ni Nate.

“Badtrip ka. Kinukuhanan mo kami habang tulog huwag mong ipang-bloblock mail sa akin yan ha. Hay naku. Malalagot ka talaga sa akin Nate.” Pananakot ko sa kanya.

“Hey! What’s the commotion here?” tanong ni Stephen.

“Wala. Teka bakit nakaakbay ka sa akin ha. Namamantala ka ng tulog.” Sita ko sa kanya.

“Huh?? Eh ikaw diyan nauna. Naawa lang ako kasi mukhang pagod na pagod ka.” Sagot niya.

“Huh?” natahimik ako. Bait niya ngayon ha. Ano kaya nakain ng lalaking ito.

“Ayan nakarating din tayo.” Sabi ni Nate. Nauna silang bumaba dahil nasa pinakaloob ako. Si Mezz naman ay nasa isa pang sasakyan.

Saktong pababa na ako nang biglang may naglahad ng kamay sa akin para alalayan ako. Si Stephen. Inabot ko ang kamay niya at bumaba ako ng sasakyan.

Pagpunta namin sa information nagulat ako sa naka-reserve na room sa amin. Akala ko kasi kasama namin sila Brian, Andrea at Nate sa kwarto. Hindi pala dahil nakabukod kami ng kwarto ni Stephen ang masaklap pang-couple with one king size bed ang available.

“Nalimutan ko pala sabihin sa inyo. Naubusan kasi kayo ng room full pack ang hotel ngayon kaya ayan ang kinuha namin. Yan lang kasi available. Di naman kayo pwede sumiksik sa amin baka magka-idea ang The Shadows bakit tayo nandito. Kaya magpangap muna kayong bagong kasal na naghohoneymoon.” Paliwanag ni Nate.

Di na kami nakaimik ni Stephen dahil bigla na lang siya nagpaalam at may gagawin pa daw siya.

Umakyat na kami ni Stephe. Nasa 10th floor ang room namin. Hinatid na kami ng Bell boy.

“Enjoy your honeymoon Mr and Mrs. Veen.” Sabay umalis na ito. Napanganga na lang ako sa sinabi niya. Ano daw?

“Well, we have no choice Eliz but to share a room and to act as newly weds. Dito na lang ako sa sofa doon ka na lang sa bed.” Sabi ni Stephen.

Hay salamat. Gentle man naman pala itong lalaking ito kahit medyo may pagkamasungit.

“Sige. Thanks!” tapos pumasok na ako sa C.R para magpalit ng damit, antok na antok na talaga ako.

Pagkapalit ko ay nakabihis na din si Stephen at nahiga na ako dahil may mission pa kaming gagawin mamaya.

Pagkahiga ko napansin kong nahiga na din si Stephen sa sofa. Nung una tahimik lang kami maya-maya napansin kong di pa siya mapalagay sa pagkakahiga. Di siguro siya komportable dahil bukod sa maliit para sa kanya yung sofa eh di ito kasing lambot ng kama. Nakunsensya naman ako. Pagkatapos ng 30 mins, di na ako nakatiis.

“Stephen, malaki naman itong kama. Share na lang tayo. Doon ka sa kabilang side kasi di ka makakapahinga ng ayos diyan at di ako makatulog dahil naririnig ko ang galaw mo.” Sabi ko sa kanya.

“Hindi na. Okay lang ako.” Sagot nito.

“Hay naku! Huwag ka ng maarte di naman ako malikot matulog. Saka di mo naman ako masasagi dahil malaki itong kama kasya nga ata 4 na tao dito. Pumunta ka na bago pa magbago isip ko.”

“Huh? Ahhh.. sige na nga. Sakit na din kasi ng likod ko.” Tapos tumayo na siya at tumabi sa akin. Nakaharap ako sa left side siya naman nakaharap sa right side. Tahimik na kami.

“Eliz?” di ako sumagot. “Thanks!” sabi ni Stephen.

“Ummm.” At nakatulog na kaming dalawa.

After 4 hours…

Naalimpungatan ako dahil may nakadagan sa may tiyan ko. Gumalaw ako para mawala yun. At iminulat ko ang aking mga mata. Nagulat ako. Nananaginip pa ata ako. Mukha ni Stephen nakatapat sa mukha ko. Yung kamay niya ay nakayakap sa akin ako din nakayakap sa kanya. Kamay pala niya yung nakadagan sa tyan ko. Waaaaa… Nakatulala ako sa mukha niya.

Infairness ha. Pogi talaga siya lalo na sa malapitan. Gusto ko hawakan ang mukha niya nang biglang dumilat ito. Bigla akong napabaliwas ng bangon. Pagtingin ko uli sa kanya ay nakangisi ito.

“Hi!” sabi niya.

“Hi.!” Un lang din ang nasabi ko.

“Did you sleep well?” tanong nito.

“Yeah.” Nang biglang nag-ring ang cellphone naming dalawa. Napabangon na talaga kami at kinuha ang kanya-kanyang cellphone.

“Hello!” sagot ko.

“Eliz. Buti gising ka na. Kailangan namin tulong niyo.” Sagot ni Andrea.

“Huh? What happened?” sabi ni Stephen sa kausap niya.

“What!!!!!” sabay namin naisigaw ni Stephen at nagkatinginan kami.

The Heart Piano is Missing…

 

©PrincessPianist_HCMC2014

_____________________________________________________

A/N:

Bitin ba? Hehehe.. please don’t forget to vote para mapabilis ang update ko.. hehehe.. Paki basa din yung isa ko pang gawa.. "It is  You" lovestory din yun. Thanks for reading MESA..

My Ex is a Secret AgentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon