Chapter 19: Throw Back

278 8 2
                                    

All Rights Reserved to PrincessPianist_HCMC. No part of this story may be reproduced, distributed, or transmitted, in any form or by any means, or by stored in a database or retrieval system, or any form of copying without the permission from the AUTHOR. 

©PrincessPianist_HCMC2014

___________________________________

A/N:

Hi.. Pasensya na sa matagal kong pag-uupdate masyado kasi akong naging busy at kakauwi ko lang from vacation. Happy 5.8k reads MESA.. Thanks for voting.. I really appreciate it a lot.. Mas napapabilis ang update ko kapag madaming nagvovote.. hehehe.. Keep on voting..Thanks!  And I hope na-enjoy niyo ang Undas with your loveones. Kahit bitin...  ^_^

I'm dedicating this chapter to my beautiful friend Shinz... Thanks for following and for voting all the chapters of MESA.. You're a really good friend.. <3

So here's Chapter 19.. 

____________________________________

Brian 

Umalis si Andrea kasama ni Jena. Kaya nilibang ko muna ang sarili ko. Tinawagan ko ang mga kaibigan ko dito sa America.

“Hey! Dave, it’s me Brian. I am fine. Do you have time today? I want to visit you and the rest. That will be great. See you” at binaba ko na ang telepono.

Dinaanan ako ni Dave dito sa bahay at pupunta daw ang tropa sa dati naming tambayan dahil binalita na niya na umuwi ako ngayon dito sa America. Isa yung restaurant na malapit sa Harvard. Doon kasi kami nag-aral ng College. I took up Bachelor of Science in Business Administration Major in Accounting. Parehas kami ng course ni Dave at parehas kaming Filipino kaya kami ang naging mag-bestfriend. Para ng tunay na kapatid ang turing ko dito. Kasama din sa tropa si Liam, sayang wala siya. Nabuo ang pagkakaibigan namin dahil magkakaklase kami ng Junior High at Senior High. 7 kaming lahat. Ako, si Liam, Dave, Joseph, Samuel,Zeth at William. Lahat kami ay may lahing pinoy. Kaming 4 ay pinoy na pinoy na nagmigrate sa America samantalang yung 3 na si William, Samuel at Zeth ay PhilAm. Dati magkakaaway kami pero ng naglaon ay naging tunay na magkakaibigan kahit ang iba ay nasa iba ng University.  Namiss ko silang lahat, ang tagal ko na din kasi di nakapunta dito.

“Hey! Dude. It’s been a long time. We miss you bro. What up with you?” tanong ni Dave sa akin.  

“ I am fine Dude. Grabe dami pinagbago dito. Tagal ko na din di nakauwi. Ikaw kamusta ka na?” sagot ko sa kanya.

“ Ayos naman ako bro. Ito ikakasal na. Punta ka sa kasal ko ha.”

“Wow! Congratulations bro. You already found her. Who’s the lucky girl?” tanong ko sa kanya.

“Her name is Sabrina. She’s my secretary. Grabe nga eh. Minsan labas tayo para mapakilala ko siya sa iyo. Kilala na siya ng barkada.”

“Sure. I am happy for you bro.”

“Well, ikaw ba? Kelan ka ikakasal?” tanong niya sa akin.

“Soon Bro. Really soon.” sabay ngiti ko sa kanya.

“ Basta invite mo kaming lahat sa kasal mo ha. Para next time na tumakbo haharangan na talaga namin. Siya pa din ba? Or a new lucky girl?” tanong niya sa akin.

“Who do you mean siya pa din?” kunwari ay clueless ako.

“Come on Bro. Isa lang namang babae ang tinamaan ka ng todo to the point na gusto mo agad pakasalan kahit na 7 months pa lang kayong mag-on.”

My Ex is a Secret AgentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon