Chapter 6: The Shadow

745 10 0
                                    

All Rights Reserved to PrincessPianist_HCMC. No part of this story may be reproduced, distributed, or transmitted, in any form or by any means, or by stored in a database or retrieval system, or any form of copying without the permission from the AUTHOR. 

©PrincessPianist_HCMC2014

____________________________

 Andrea

After One Month....

Pinatawag ni Big Boss kaming lima sa opisina niya. Ako si Agent A (Andrea), Agent B (Brian), Agent E (Eliz),Agent S (Stephen) at si Agent N (Nate) ang kapartner ni Eliz..

"Hi Andrea" bati ni Eliz sa akin.

"Hi! pinatawag ka din ni Boss?" tanong ko sa kanya.

"Yup. Pati itong partner ko."

"Nakapagtataka sabay tayo pintawag kalimitan ang sinasabay niya lang ay iyong magkakasama sa isang mission. ummm." sabi ko kay Eliz.

"Baka magkasama tayo pati ung partner mo. Masaya ito." sabi niya sa akin.

Dumating din si Brian, Nate at Stephen. Lahat kami nagtataka bakit sabay sabay kami pinatawag ni Bigboss.

Knock!Knock!

"Come in"

"Umupo kayong lahat. Siguro ay nagtataka kayo bakit ko kayo sabay-sabay pinatawag dito. At may idea na siguro kayo kung bakit. Tama! Kayo ang magkakasama sa bagong mission na ibibigay ko sa inyo." paliwanag ni Bigboss sa amin.

Biglang may pinakita siyang picture.

"This is the largest and biggest pearl in the whole world at matatagpuan ito dito lang sa Pilipinas. Pero 3 days ago ay nawawala ito dahil sa isang grupo ng mga magnanakaw na sikat sa buong mundo. Madami na silang nanakaw sa iba't ibang panig ng mundo nilagay na nga sila sa Guiness Book of Record dahil ang ninanakaw nila ay iyong pinakamahirap nakawin at talagang treasure ng isang bansa. Katulad na lang ng Tiara ng late Princess Anne ng England, Ang Signet ring ng President ng America, And the most expensive hair dress jade ng China at ngayon ang Biggest Pearl ng Philippines. We have to stop this Group. They are called “The Shadow”. Dahil para silang anino magnakaw di mo mamalayan kahit gaano pa ka-secure ang lugar. We have to stop them."

Lahat kami ay napatahimik sa sinabi ni Bigboss. Mukhang malaking grupo at mabigat na mission ang binigay sa amin ni Boss.

"Ngayon pinili namin kayo dahil kayo ang magagaling at handa na para sa mission na ito. Sinadya naming pagsama-samahin kayo para sigurado talaga ang paghuli at pagtigil sa kanila."

"Ngayon ang target nila ay ang The most expensive Piano na nasa South Africa ngayon. It is made from the Ivory of the elephants ngayon ay nabili na ito ng France at i-dedeliver papuntang Paris. They planned to steal it habang nasa byahe ito. Pero bago ito makarating ng Paris ay madami itong dadaanan na bansa dahil gagamitin pa ito ng isa sa pinakamagaling na Pianista sa buong mundo na magkakashow sa Sydney, Australia. Ang mission niyo ay mapigilan ang pagnanakaw ng The Heart Piano at mahuli ang The Shadow at mabawi ang ating World's Biggest Pearl."

"Hahatiin ko kayo sa 2 grupo. Agent S at Agent E sa Africa ko kayo ipapadala. Ihahatid niyo ang The Heart Piano papuntang Sydney at habang ginagamit ito ni Bea Jane Queen ang pinakamagaling na pianist sa mundo."

"Agent B, Agent A and Agent N, ipapadala ko kayo sa Paris tutunin niyo ang lugar kung saan ang hide out ng The Shadow at kung saan idedeliver ang 'The Heart Piano'. " sabi ni Boss sa amin.

My Ex is a Secret AgentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon