Chapter 17: Back Together in Disguise

333 10 0
                                    

All Rights Reserved to PrincessPianist_HCMC. No part of this story may be reproduced, distributed, or transmitted, in any form or by any means, or by stored in a database or retrieval system, or any form of copying without the permission from the AUTHOR. 

©PrincessPianist_HCMC2014

___________________________________

Andrea's P.O.V

Siguro nagtataka kayo kung bakit ngayon ko lang nameet ang family ni Brian. Actually nameet ko na ang parents niya noon. Namanhikan nga sila sa bahay at magkasundo ang parents namin because they see how much we love each other. Pero yung ibang kamag-anak niya ay nasa abroad kaya wala akong chance na makilala sila before. And here I am meeting his family again. Honestly I miss them. Once in a while ay nagsasama-sama kami noon bago kami sana ikasal para nga daw magbonding naman kami. Pero ngayon ko lang nameet ang twin brother ni Brian. Dati na niyang nabangit sa akin yun pero di ko naman binigyan ng pansin. At nung mismong araw lang din ng kasal sana namin ko lang nalaman na may twin sister din si Jena na mahal na mahal ni Brian dahil sila ang talagang super close sa magkakapatid, ito pa nga daw ang protector nito. Matagal na niya akong gusto ipakilala kay Nina kaso lagi itong nasa hospital. 

Pagdating namin sa hospital. Nakita ko ang mga kamag-anak ni Brian. Ngayon ko lang narealize na madami pa pala sa family niya ang di ko pa nakikilala. Medyo nalungkot ako ng di ko maintindihan. Siguro ng mga panahon na iyon ay sadyang damdamin lang namin ang aming iniintindi. Ganun ata talaga kapag nagmamahal ka. Nalilimutan mo ang ibang tao na dapat ay binibigyan din ng halaga dahil ang pagpapakasal ay pagbuo ng pamilya. Hindi lang puro tungkol sa inyong dalawa. 

Pamilya! Namimis ko na sila Mama at Papa matagal ko na din silang di nakikita at nakakasama. Kumusta na kaya sila?? 

Napagusapan namin ni Brian na buong araw magbantay sa hospital dahil ngayon lang siya nakauwi at para naman maalagaan niya ang Mommy niya.

"Andrea, ok ka lang ba? Parang nabobored ka na dito sa hospital ha, Lalim ng buntong hininga mo. Pasensya na talaga kung dinala kita dito para magbakasyon pero nandito tayo ngayon sa hospital. Hayaan mo babawi ako sa ibang araw. " sabi ni Brian sa akin.

"Okay lang ako. Madami lang ako iniisip. Ano ka ba! Naiintindihan ko. Siyempre pamilya muna bago iba. Naalala ko lang sila Papa at Mama. Namimis ko na din kasi sila." sagot ko sa kanya.

"Ganun ba? Tara labas muna tayo.Maglakad lakad muna tayo sa garden. Nandiyan naman mga nurse. Saglit lang tayo para lang makalanghap ng fresh air." aya ni Brian.

"Sige."

Pagdating namin sa garden ay bumili muna siya ng coffee sa vendo machine habang ako ay umupo na sa isang bench.

"Here's you're coffee ma'am. Dahan dahan mainit." sabay abot nito sa akin ng coffee.

"Thanks!" sabay higop sa coffee. "Ouch!" 

"Sabi sa'yo mainit eh. Hahaha. Excited!"

Napatawa na lang din ako. Dati kasi kapag may free hours ako sa work nagkikita kami sa park malapit sa Headquarters at doon kami nagkakape. Parang ngayon lang. As usual napapaso ako dahil di ko mahintay na medyo lumamig ang coffee dahil coffee lover ako and i believe na mas masarap ang coffee kapag super init ito. 

"You never change Rea." 

"Yeah, I wished that I changed Bri.."

"Bakit naman? You are okay just the way you are." sagot nito sa akin.

"Gumaganun. Lalim natin ngayon ha." sabay tawa ko dito. Namiss ko ito, yung mga usapan namin na ganito. Yung tipong light lang at tawa lang kami ng tawa.

My Ex is a Secret AgentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon