Chapter 1 : What a Day!

3.1K 17 0
                                    

All Rights Reserved to PrincessPianist_HCMC. No part of this story may be reproduced, distributed, or transmitted, in any form or by any means, or by stored in a database or retrieval system, or any form of copying without the permission from the AUTHOR. 

©PrincessPianist_HCMC2014

____________________________

Andrea

Haaay... I hate this day. Ito dapat ang 3rd Wedding Anniversary namin ni Brian.

Haaayyy.. (buntong hininga na malalim.)

"Three years ago na yun. Malalampasan ko din ito at malilimutan. Kaya mo yan Andrea" sabi ko sa sarili ko habang nakatanaw sa malayo.

Kriiiingggg.. krrrriiinngg..

Ano ba yan naunahan ko pa ang alarm clock ko sa pagising. Dapat na akong mag-ayos. Dapat maaga ako ngayon sa trabaho at ipakikilala daw sa akin ang bagong partner ko. Nag re-shuffle na   naman kami ng partners.

After 30 minutes...

Pagkatapos ko maligo at magbihis naglagay ako ng konting make-up para di mahalata ang namumugto kong mga mata kakaiyak kagabi. Kainis kasi hangang ngayon iniiyakan ko pa din yun. Haaay.. Cheer up Andrea! Bilisan mo na at baka mapagalitan ka pa ni Big Boss.

Pagkasakay ko sa aking kotse naalala kong di pa pala ako nagaalmusal. Kaya dumaan muna ako sa isang convenient store malapit sa amin at bumili ng bread. Actually coffee lang ok na ako. Pero alam ko madami akong tatrabauhin ngayon dahil bibigyan ako ng new partner meaning magtre-train na naman ako ng new agent. Kalimitan kasi ang pinagpapartner eh yung bihasa at baguhan para magkatulungan ang dalawa at lalong lumakas ang agency namin.

Pagkaubos ko ng kape ay sumakay na uli ako sa kotse at dumiretcho sa trabaho. 7:00 am sakto ang dating ko. Habang naghahanap ako ng parking sa basement. May napansin akong kotse na familiar sa akin. Iniisip ko kung saan ko yun nakita. Baka sa isang assignment ko ng may nilulutas kaming case. Ayun! Nakahanap din ng parking space katabi ng familiar na kotse.

Pagka-park ko ay umakyat na ako sa elevator at pinindot ang 20th floor dahil nandoon ang office ni Big boss.

Pagdating ko sa 20th floor agad na bumungad sa akin ang secretary ni Big boss na si Ms. Lili.

 "Good morning Agent A" bati niya.

" Good morning Ms. L. Nandiyan na ba si Big boss sa loob?"

" Yes. At nandiyan na din yung bago mong partner. Infairness pogi siya ha at mukhang malakas." Sabi ni Ms. Lili

Pogi nga newbie naman. Dagdag trabaho na naman for me. Sabi ko sa isip ko.

" Ganun? Sige pasok na ako ha." Sabay ngiti ko sa kanya.

Si Ms. L talaga basta pogi di makakalampas sa kanya.

Kumatok ako sa pinto ni Big boss.

Knock! Knock!

"Come in" boses ni Big Boss un.

" Good morning Boss" bati ko.

" Good morning Agent A. Come and sit." sabi ni Boss.

"Ok po! Thanks!" sabi ko.

Habang papalapit ako ay nakita ko ang isang lalaking nakatalikod sa akin at nakaharap kay boss. Siguro ito ang bago kong partner na kinukwento ni Ms. L. Pero mukhang suplado di man lang humarap sa akin. Umupo ako sa tabi ng supladong lalaki. At tiningnan ko si boss.

" Agent A I'd like you to meet your new partner Agent B." pakilala ni boss.

Tiningnan ko ang katabi ko. Pagkaharap ko sa kanya, laking gulat ko dahil kilalang kilala ko siya. Pati ang ngiti niya.

"Hi. Nice to see you again. How are you Andrea?" sabi niya.

Natulala lang ako at alam mo yung pakiramdam na para kang binuhusan ng malamig na tubig.

Anong ginagawa niya dito? Bakit siya? Oh My Goodness! Noooooo.. sabi ko sa isip ko.

Ang nasabi ko lang ay " Hi." and I just smiled at him.

"Bakit parang nakakita ka ng multo Agent A?" tanong ni boss.

"Parang magkakilala kayo ha. Ok yan. Atleast magagamay niyo agad ang isa't- isa.I hope maging effective kayo to work together."

"Agent A starting today, you will train Agent B. Then after a month let's see if you two are ready for an assignment. " my boss said.

Ako tulala pa din at di makakibo. Habang nakatulala sa katabi ko.

" Yes sir." sabi ni Agent B.

"How about you Agent A? Parang gwapong gwapo ka kay Agent B at titig na titig ka sa kanya." sabi ni boss.

"Po? Hindi po. I mean ok po boss." sagot ko.

" Ok you may now start. Please give him a tour first because he is new here. Please be nice to him Agent A." bilin ni Big Boss.

"Yes Boss." sabi ko. Sabay aya kay Agent B.

By the way, I am Agent A short for Andrea. I am 27 years old. I start being a secret agent at the age of 23. Yes, I am an agent for 5 years. My Dad is one of the board of this agency and my Big Boss is my Ninong because my Dad and him are best friends. My Dad trained me since I was a kid. He trained me to fight, to hold different kinds of guns, self defense , to plan wisely and think. He taught me everything and I am so grateful to him and actually I am a Daddy's girl.  He was a Secret Agent before but he is already retired and my Mom is a lawyer, she's the one who convince me to take up Law. But here I am I became an Agent.

'Haaay.. Napakaswerte ko talaga ngayong araw puro kamalasan. Bakit ba siya nandito at talagang naging partner ko pa. Ano kaya pumasok sa utak ng taong ito. Pano niya nalaman? Alam kaya niya talaga o ngayon lang din niya nalaman. Paano ba ito?. ' Ito ang gumugulo sa isip ko habang naglalakad kami ng tahimik palabas ng opisina ni Big Boss.                           

©PrincessPianist 2014

___________________________________________________

Author's Note:

Please like my page on Facebook:

https://www.facebook.com/prinsesangpianista

My Ex is a Secret AgentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon