Chapter 13: Jeeeezzzzz...

389 8 2
                                    

All Rights Reserved to PrincessPianist_HCMC. No part of this story may be reproduced, distributed, or transmitted, in any form or by any means, or by stored in a database or retrieval system, or any form of copying without the permission from the AUTHOR. 

©PrincessPianist_HCMC2014

________________________________________________

A/N: Hi everyone I am back again.. sensya na naging busy dahil sa work and may dumating pang bagyo.. I hope everyone is safe and may electricity na..  Thank you for reading my story.. Happy 933 reads.. Please continue to vote and share My Ex is a Secret Agent... MESA for short.. Happy reading..

_________________________________________________

Stephen's P.O.V

Kakatake-off pa lang ng eroplano namin papuntang South Korea. Hindi ko na nahintay si Eliz na magising para makapagpaalam dahil biglaan ang pagpapadala sa amin sa bagong misyon na ito. Antok na antok na ako dahil wala pa akong tulog. Habang si Brian naman ay tahimik lang na nakatulala sa kawalan. Nais ko sana siyang tanungin ngunit mas pinili kong manahimik at matulog. 

Pagkatapos ng 10 hours napakasakit na ng likod ko kakatulog at kakahintay maglanding ang eroplano namin. Ang layo kasi ng Korea sa Paris. 

"Agent B, mukhang matatagalan pa tayo dito. Nakakainip." sinubukan ko siyang kausapin pero sa totoo lang wala akong maisip pag-usapan. 

"Oo nga eh kung pwede lang pabilisin." sagot nito sa akin.

"Kahapon ka pa tahimik pare ha. Nagaway ba kayo ni Andrea?" tanong ko sa kanya. Parang nagulat siya sa tanong ko dahil natigilan siya. Ngumiti lang siya at nag-iwas ng tingin.

"Ang hirap kasi intindihin yang kaibigan mo. Akala ko ikaw lang karibal ko sa kanya eh. Madami pa pala. Saka wala naman yung pakialam sa akin." sabay buntong hiniga nito. 

"Pare, ganyan talaga minsan mga babae mahirap intindihin. Pero may dahilan si Andrea kung ano mang dahilan ng pag-aaway niyo. HIntayin mo lang naghihintay pa yung ng lakas ng loob at sa tingin ko malapit na din magliwanag ng utak nun. Dami kasing inaalala. Kung alam mo lang pare ang pinagagagawa nun para sa'yo mula nung di natuloy kasal niyo." 

"Ha? Ano bang nangyari sa kanya mula ng nagkahiwalay kami?" tanong nito sa akin.

"Madami Pare. Di ba pagkatapos nung nangyari sa altar. Sinubukan ka niyang hanapin para kamustahin ka at makapagpaliwanag sa'yo sa mga plano niya para sa inyong dalawa. Kaso may nangyari. Muntik na ngang mamatay yung mailigtas ka lang." 

Parang gulat na gulat siya sa sinabi ko sa kanya. Oooopss. nagiging madaldal na ata ako dapat si Andrea na magsabi ng iba.

"Pare, mukhang nadudulas na ako lagot ako kay Andrea. Basta bigyan mo lang siya ng oras magulo utak nun ngayon eh. Actually mula nung naghiwalay kayo gumulo na utak nun di na makapagisip ng maayos. Huwag mo masyadong dibdibin pinagsasabi nun. " sabay tinapik ko siya sa likod.

"Ah ok." at natahimik na naman siya.

Pagkalipas ng 5 oras, ay naglanding na ang sinasakyan naming eroplano. Pwede ko ng tawagan si Eliz. Shocks! ano bang nangyayari sa akin. Puro Eliz na lang naiinisp ko.

Pagkababang-pagkababa ko ng eroplano ay tinawagan ko agad si Eliz.

" Sorry! Number you dialed is out of coverage area. Please try to call later."

Haist! Mukhang nasa eroplano na din sila. Mamaya na nga. Ano ba kasi Stephen kalma lang kalma. Huwag mo ng ulitin ang ginawa mo noon. Haist.

Brian's P.O.V

My Ex is a Secret AgentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon