Chapter 22: Coming Back...

198 7 1
                                    

All Rights Reserved to PrincessPianist_HCMC. No part of this story may be reproduced, distributed, or transmitted, in any form or by any means, or by stored in a database or retrieval system, or any form of copying without the permission from the AUTHOR. 

©PrincessPianist_HCMC2014

___________________________________

AUTHOR'S NOTE:

Hi! Pasensya na ang dami pa lang error sa last update, Chapter 22. Kaya inedit ko muna.. Pasensya na din ngayon lang uli ang update dahil super busy sa work.

Well, wala pa akong pagbibigyan ng dedication sa chapter na ito. Kaya vote na and like my FB page.. 

https://www.facebook.com/prinsesangpianista

Malay mo sa'yo ko i-dedicate ang chapter na ito.. hehehe.. =)

Anyway Happy Reading.. ♥♕

____________________________________

Andrea

Waaaaah.. It's nice to be back.. Naamoy ko na uli ang simoy ng hangin sa Pilipinas. Today is December 1. Kita mo na pasko na dahil puro  may christmas decoration na ang paligid. 

"Welcome to the Philippines Ma'am. Please enjoy your stay." bati sa akin ng babae sa immigration.

Ngumiti lang ako at nagpasalamat.

Isang taon na din ang lumipas, namiss ko ang Pilipinas.

Paglabas ko sa airport ay sinalubong agad ako ni Eliz at Stephen.

" Bessy, namiss kita ng sobra. Kamusta ka na? Ang laki ng ipinayat mo ha. Mukhang na-stress ka ng husto." sabi sa akin ni Eliz pagkatapos niya akong salubungin ng yakap.

" Ahm. Ganun ba? Eh di maganda di ko na need mag-diet." sabay ngiti ko dito.

"Hi! Kamusta ka na?" sabay beso ko kay Stephen.

"I am good Andrea. Ikaw? Ang tagal din nating walang communication. Talagang sinulit mo ang pagbabakasyon mo ha. One year." pabirong sabi ni Stephen.

"Ganun talaga minsan lang ito eh. Saka namiss ko ng husto ang family ko. Kamusta na si Big Boss?" tanong ko sa kanya.

"Ahm. He's fine. Actually hinihintay ka na niya. Pero sabi niya tomorrow na lang daw para makapagpahinga ka muna. Let's go." sagot ni Stephen.

Tinulungan ako ni Stephen itulak ang mga dala kong bagahe. Pero ng pasakay na kami sa sasakyan napansin ko ang malalagkit na tinginan ng dalawa at para bang ayaw maghiwalay ng dalawa kaya nagprisinta na akong umupo sa likod.

" Bessy, dito na ako sa likod uupo ha. Diyan ka na sa harap." sabi ko kay Eliz. Bigla itong napangiti at parang kumislap ang mga mata. Uhmmm.. may nasesense ako sa dalawang ito ha. Kung ano man iyon massaya ako para sa kanila.

After kong sabihin yun ay saktong tapos ng ikarga ang lahat ng bagahe at ipinagbukas ng pinto ni Stephen si Eliz para makapasok na ito sa kotse. Ako naman hindi ko na siya hinintay habang pumapasok si Eliz. Pumasok na din ako.

"Bessy, pinalinis ko na nga pala ang bahay mo. Para makapaginga ka ng husto." sabi ni Eliz sa akin. Dito ko kasi pinagkatiwala muna ang bahay ko dito sa Manila. Sinabi kong doon muna siya tumira pansamantala habang nasa London ako. 

"Salamat Bessy ha. I appreciate it a lot. So, ano namang meron sa inyo dalawa?" biglang tanong ko sa mga ito.

"What do you mean Bessy?" tanong ni Eliz sa akin habang magkatinginan kami sa mirror ng kotse. 

My Ex is a Secret AgentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon