Chapter 3: Her Dream

849 13 0
                                    

All Rights Reserved to PrincessPianist_HCMC. No part of this story may be reproduced, distributed, or transmitted, in any form or by any means, or by stored in a database or retrieval system, or any form of copying without the permission from the AUTHOR. 

©PrincessPianist_HCMC2014

____________________________

 Pagkapasok ni Andrea sa bahay ay umupo muna siya sa sofa na pinakamalapit sa pinto dahil bigla siyang nanghina hanggang sa di niya namalayan na nakatulog na siya dito.

Andrea’s dream

“Good morning partner!” bati ni Stephen sa akin.

He is my first partner when I entered the Power Intelligence Agency. PIA is a private agency that helps the government to solve the cases na medyo nahihirapan sila. Kalimitan nakikipagtulungan sila sa big cases lalo na kung sangkot ang ibang bansa dahil madami kaming branch sa iba’t ibang panig ng mundo. He is the only son of our Big boss and I am a newbie here though meron naman akong background kahit papano sa pagiging agent dahil sa aking Dad.

“Good morning Agent S.” ganti kong bati sa kanya.

“Lalo kang gumaganda ngayon mahal kong kinakapatid. Buti at nakapasa ka agad sa bar exam at ikaw ang naging partner ko.” sabi niya.

“Thank God talaga at sa wakas pinayagan na ako ni Mom and Dad na maging secret agent. Yun lang naman ang pakiusap nila sa akin after kong mag-aral. Kumuha agad ako ng bar exam. After that kahit ano daw pasukin kong trabaho or balak kong gawin, I am free to do so.” sabi ko sa kanya.

Bigla siyang lumapit sa akin at inakbayan ako.

“Tara let’s go to Dad bago kita i-tour dito sa Agency.” aya niya sa akin.

Ngumiti lang ako sa kanya at nagsimula na din lumakad. I am so excited sa wakas Agent na talaga ako. Dati nababasa ko lang sila sa libro at napapanuod sa mga movies. Ngayon isa na ako ako sa kanila. Totoo na ito.

Knock! Knock! …   katok ni Stephen sa office ni Bigboss.

“Come in!” sabi ng nasa loob.

“Hi Dad. We’re here.” bungad ni Stephen.

“Hey. Kasama mo na pala si Andrea. Buti at magkasabay kayo dahil mula ngayon kayo na ang partners. Ikaw ang magtre-train sa kanya Steph.” sabi ni Bigboss sa amin.

“Nabangit nga po ni Stephen sa akin. Thanks po Ninong.” sagot ko sa kanya.

“By the way, call me Mr. B or Boss kapag nandito ka sa trabaho. Lahat ng tao dito yun ang code name sa akin and from now on Agent A na ang tawag sa’yo at Agent S naman ang kay Stephen. Kailangan masanay ka na para na din sa kaligtasan mo lalo na kapag nasa field ka na.” bilin ni Bigboss sa akin.

“Ok po Boss.” Sagot ko sa kanya.

“Then you may start your training now. Alalayan mo siyang mabuti Stephen tandaan mo kababata mo siya at kinakapatid dapat matutunan niyang maging alisto lagi at maging malakas.”

“Yes Mr.B. Don’t worry.” sagot ni Stephen sa Dad niya.

Then we start our training. Marunong na akong humawak ng iba’t ibang klase ng guns kaya doon ako pinagconcentrate ng husto ni Stephen para daw ako ang bahala sa pagbaril at siya bahala sa self defense dahil mas malakas daw ang katawan niya kesa sa akin. Kaya araw-araw ay nasa firing range ako at iba’t ibang klase ng baril ang ginagamit ko. Pero everday nagwowork-out pa din ako at tinuturuan ako ni Stephen ng self defense. Tinuruan niya ako ng Karate, Judo, Aikido at iba pa. 

My Ex is a Secret AgentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon