Sorry for super bagal na Update... This is a short update so sana kahit papano mapasaya ako :)
Note: This is unedited and more on tagalog baka kasi may mag-bash nanaman na mali-mali ang english ko. hahaha anyway enjoy reading :)
CHAPTER 21 He's MINE
YESHA'S POV
HANGGANG ngayon hindi pa din mawala sa isip ko yung nakasulat sa card. Kaya buong maghapon na wala akong focus sa trabaho ko. Tutal mag-aalas kwatro na din ay nag-ayos na ako ng gamit ko. Maaga na lang akong aalis at sa bahay ko na lang itutuloy ang ginagawa ko.
Nasa parking lot na ako ng makarinig ako ng sigawan malapit sa akin. Hindi naman sa chismosa ako pero kilala ko kasi yung boses na yun kaya pinuntahan ko.
"What the Fvck Miss! What's your problem?!"
"Pakyu ka din, G*go! Wag mo akong ma-ingles-ingles ha! You don't do that to me!"
"Look Miss, hindi ko kasalanan ng haharang-harang ka sa daanan! "
It was Dale and a Girl. Lalapitan ko na sana sila ng may humila sa akin palayo duon. And it was none other than Blade.
"Ano ba! bitawan mo nga ako!" singhal ko sakanya hanggang sa makarating kami sa sasakyan nya at doon niya lang binitawan ang kamay ko saka humarap sa akin.
"Ano bang problema mo?!" tanong ko sa kanya habang hinihimas yung pulsuhan ko na namumula dahil sa higpit paghila nya sakin. Nagulat na lang ako ng bigla nya ako buhatin papasok ng sasakyan niya, hindi ko napansin yun kaya hindi ako kaagad nakapag-react sa bilis ng pangyayari namalayan ko na lang na nasa harap na kami ng isang matayog na gusali at binuhat nanaman nya ako papasok sa loob.
Pag pasok pa lang namin ay napatingin samin ang mga tao sa lobby maging ang mga empleyado doon ay napahinto sa kanilang ginagawa, ang iba naman ay napapahinto pa sa paglalakad at napapa-tingin samin kaya napayuko at isiniksik ko na lang ang mukha ko sa leeg nya. Ramdam ko din ang pag init ng aking pisngi at nasisigurado kong namumula na yon. Hindi ko alam kung dahil bas a inis o dahil sa kilig – hindi! Naiinis lang ako! Hindi naman ako baldado para buhatin pa! sigaw ng isip ko.
Hangang sa loob ng elevator ay buhat nya pa din ako. Hindi na lang muna ako nagsalita dahil parang galit sya at hindi ko alam kung saan o anong dahilan nya.
*Ting* sabay bukas ng elevator at pag-pasok ng dalawang babae , saglit silang natigilan at kalaunan ay pumasok na din at sabay pang naghagikgikan.
MY GHAD!! Gusto kong dumukot ng mga mata at gawing qwek-qwek!
Kita ko din ang pasimple nilang pagkuha ng picture kay Blade.
"Hi! You're Xander, right?" napataas naman ang kilay ko sa tanong nya. Like hello may kasama siya at buhat-buhat pa!
Saglit syang tumingin sa babae at saka ngumiti dito.
"Yeah" simpleng sagot nya na nagpa-alboroto sa akin ng husto. Gusto ko syang sakalin dahil sa pag-ngiti sa mga hitad na to at ang mga gaga parang bulating nilagyan ng asin. Ang sarap ibaon sa lupa!
"Ahm, can we invite you to our party tonight? It's just on the 26th floor room 267 or we can have our own party, you know just you ... and me" malanding sabi pa nito at irap sa akin. Ang sarap hampasin!
"Sorry girls but see this girl" pagtukoy nito sa akin "She's my wife and she's pregnant to our 5th child, she might cut my head if I say yes so... sorry but I don't want my wifey to burn me alive" sabi pa nito na talaga namang nagpa-kilig ng toda sa akin. Sakto naman ang pagtunong ng elevator at saka kami lumabas at naiwan doon ang dalawang babaeng ang sarap ibaon sa lupa. Hear the bitch! He's MINE!
BINABASA MO ANG
My Rapist My EX
RomanceSmith Story Collection SMITH SERIES #1 Yesha is a well known Bitch, Slut, Gold digger and a Couple breaker but that was BEFORE. Not until she meet HIM. HE changed HER but things won't make it perfect for them. HE Raped HER that make things more comp...