UnEdited
Here's the Update!
Enjoy Reading :)
Twitter account : @MsOneOfAKindWP
***
Chapter 17 Mine *Revised Version*
Yesha's POV
ISANG linggo na ang lumipas mula yung nangyari sa office at sa mga nagdaang araw malimit ko na lang siya makita. Okay rin siguro yun para naman hindi kami magkailangan kung sakali. Sa loob din naman ng isang linggo ay nagkita na kami ni Kimmy. Pumunta siya dito sa office ko at siempre nakatikim din ako ng sampal sa kanya, well sanay naman na ako dun kasi madalas na namin yung batian kung minsan nga akala ng mga tao ay nag-aaway kami kasi kahit saang lugar wala kaming pinipili.
Nalaman ko din na sila na pala si James, nagkwentuhan at kamustahan lang kami mabuti na nga lang naka-iwas ako sa mga tanong niya tungkol sa nangyari 5 years ago.
"Mommy!!" napabalik naman ako sa katinuan dahil sa pagtawag sa akin ni Kesha. Napatingin naman ako sa kanya na nakalabi pa.
"Yes baby?" pumantay naman ako sa kanya, kasalukuyan kaming nasa Toy Kingdom dalawa. Si Xian at Xion naman ay naiwan lang sa bahay, ayaw daw nilang sumama dahil baka daw pagkaguluhan lang sila ng chick.
Ewan ko ba kung saan nila nalaman ang tungkol sa mga dyan. Lalo naman si Xian na nung isang araw lang may hinalikan daw sa park malapit sa amin. Hindi ko alam kung makukunsumi ako o matatawa habang kinukwento ni Jiro yun dahil siya ang kasama ng mga bata nun. Mukhang magiging pasaway yata ang panganay ko at maraming papa-iyaking babae.
Si Xion naman masyadong tahimik kaya naman nagmumukhang masungit. Wala nga din yung ibang ginawa kundi magbasa, minsan pa hindi ko na alam kung saan nya nakukuha yung mga sinasabi niya.
BINABASA MO ANG
My Rapist My EX
RomanceSmith Story Collection SMITH SERIES #1 Yesha is a well known Bitch, Slut, Gold digger and a Couple breaker but that was BEFORE. Not until she meet HIM. HE changed HER but things won't make it perfect for them. HE Raped HER that make things more comp...