Chapter 16

14.4K 253 29
                                    

Chapter 16 

Here an Update!!

Enjoy Reading :)

P.S. I'll be using Third person for this chapter and the italic part is a flashback.

***

"Wife, gawa na tayo ng baby" kaswal na saad ni Xander sa kanya.

Agad naman itong lumingon at pinanlikan ng mata.

"Hoy Smith!! Tigilan mo ako ha!! Baka gusto nong isaksak ko sa ngalangala mo tong kutsilyong hawak ko" banta naman ni Yesha sa kanya. Kasalukuyan kasi silang nasa kusina habang naghihiwa si Yesha ng gulay, si Xander naman ay nakayakap sa likod nito habang nakapatong naman ang baba nito sa balikat niya.

"Tss. Ang dami kasing nagkakagusto sayo eh kahit alam nilang taken ka na" sabi nito na parang bata, lalo naman nitong hinigpitan ang yakap nito sa kanya.

Childish but Sweet!!

"Ganun talaga. Aba!! Ang ganda ko kaya!!" hindi naman kasi talaga ma-ikakaila ang taglay nitong ganda. Hindi man ibalangdra, harap-harapan mo namang makikita.

"Yabang. Pero di nga. Gawa na tayo ng baby" pangungulit nito sabay halik sa leeg niya.

"ISA!!" banta niya dito

"Dalawa. Tsk. ano ba Wife, marunong akong magbilang" sabi nito sabay patuloy parin sa paghalik sa leeg niya.

"Tigilan mo nga yan!! Ang landi mo kamo. Hindi tuloy ako makapag-concentrate sa ginagawa ko" angil niya rito habang patuloy na naghihiwa ng gulay.

"Tss. Dali na kasi! Gusto ko na ng baby" sabi pa nito.

" Edi maghanap ka ng babaeng bubuntisin mo" sabi niya dito. Bigla naman ito napatigi saginagawa at tumingin sa kanya.

My Rapist My EXTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon