Flight

54 2 0
                                    

Chapter 4

~Alistair's POV

"You had a what?!"

"A boyfriend." kumalas ako sa yakap namin at yumuko "I'm sorry..."

"My daughter..." hinawakan ni Dad yung chin ko and he lifted my head para matingnan ko sya sa mata. "Mabuti naman, inamin mo na." he smiled.

"What?! You know? O__O "

"It was pretty obvious."

"P-pero bakit kayo di nagalit?"

"I want you to realize something and I'm glad that you finally got it. So why did you two broke up?"

"Kasi po I felt guilty sa inyo ni mama and narealize ko po na hindi po pala yun true love..I know naman talaga from the start that it wasn't really true love and never will be one...But still, nagbulag-bulagan ako."

"It's fine, anak...I'm glad you came to realize that it was wrong" hinalikan ni Dad yung forehead ko.

****

Kinausap ni Dad yung school principal ko. Pinakiusapan nya na wag daw ipaalam sa student body yung tungkol sa training ko. Pumayag naman silang ipalabas na pupunta ako sa ibang bansa para maging isang exchange student. Na-process na din yung mga papers, visa and passport na kailangan ko.

I was given two months to be with my friends and family kaya sinulit na namin ang mga oras na magkakasama kami. We made sure that walang masasayang na oras. Binilhan din nila ako ng mga bagong damit at sapatos para sa stay ko sa Korea kasi nga daw iba yung climate. Nagpaturo din ako magluto kay Mom para naman makasurvive. Basic lang kasi ang kaya kong lutuin, instant noodles, boiled egg, fried egg, hotdog, canned sardines and corned beef.

Yung mga tita ko naman sa abroad nagpadala ng mga gift nung birthday ko na magagamit ko daw pag nasa Korea na ako.

"Dali!! Buksan mo na!!" excited na sabi ni Kiandra.

"Wait lang daw!!" Nanlaki naman yung mata ko nung nakita ko yung laman.

"OMG! Atchie! You're so lucky!" isang laptop kasi yung gift saken. Hindi ko inexpect na ito yung ibibigay ni tita eh. I mean, sabi nina Mom and Dad bibilhan nila ako ng laptop 'pag college student na ako.

"Oh, ito naman yung galing sa tita mo na nasa Canada." inabot saken ni Mom yung isang box. Yung binuksan ko na, isang iPhone at isang iPad yung bumungad saken.

"Ma, sa inyo na 'tong cellphone, may cellphone naman ako eh."

"No, anak. You need it there."

"Pero mom, I have--"

"No, I insist." sabi nya then hinawakan yung kamay ko. "Oh, eto bigay sayo ng mga kapatid mo."

"Atchie, wag mo yan ipamimigay ha kung ayaw mo ikaw yung ipamigay namin." banta saken ng bunso namen na si Kyros.

"Grabe ha! Ang brutal mo talaga!"

"Kanino ba nagmana?"

"Psh. Oo na.." sabi ko na lang..Nanlaki ulit yung mata ko sa regalo nila, isang iPod! Paano ba sila nakabili nito?! Ang dami naman ng pera nila samantalang ako, wala! 80 baon ko kasama na dun yung transportation and food. Ang mahal kasi ng pagkain sa school. Minsan nga, naglalakad na lang ako kasi kulang na ang pamasahe ko.

"Nagnakaw ba kayo ng pera kay Mom at Dad?!"

"Hindi ah. Savings ni Aries ang gamit pambili nyan!" sabi ni Kiandra saken.

"Yung totoo, Aries...Magkano ginagastos mo sa baon mo? Kumakain ka ba ng maayos? O nilalagay mo lahat sa alkansya mo?" Masyadong thrifty kasi yung pangatlo samen magkakapatid. Umabot na yata sa thousands ang saving nyan eh samantalang ako, hanggang 500 lang ang naiipon ko.

Accidentally Became A TraineeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon