In The Club

48 2 0
                                    

Chapter 6

~Alistair's POV

"Annyeong haseyo!" bati ng mga YG trainees pagpasok namin ni Sir YG sa dance studio. May sinabi si Sir YG sa mga trainees na hindi ko medyo naintindihan. Base sa actions nya, parang pinapakilala nya yata ako.

"What will we call you then?" humarap saken si Sir YG. Dapat ako makaisip ng isang pangalan. Ayokong malaman nila ang real name ko since I'm hiding my identity. I need to think, fast!

"Kaye." Nagbow ako sa mga seniors ko.

Nagsalita naman si Sir YG. Pinaliwanag nya na hindi ako marunong magKorean at konti lang ang nalalaman ko. Nagnod lang sila.

"Yeong-eo hal su iss-eoyo?" (Do you speak English?) tanong saken ng isang babaeng trainee.

"Ne." Tumango na lang yung babae. Pagkatapos nun, may sinabi samen si Sir YG. Kailangan daw naming magtrain dahil magpeperform daw kami sa isang club na pinagmamay-ari nya. Kami na daw ang bahala kung gusto namin ng solo, duo, trio o group performance. Syempre, solo ako. Mahirap na, baka hindi pa kami magkaintindihan ng makakasama ko pag nagpractice kami.

"Good luck." Umalis na si Sir YG. Bumalik naman sa kani-kanilang pwesto ang mga trainees at nagpractice na. Umupo lang muna ako sa gilid at nakinig ng K-Pop songs para may mapili na ako sa presentation ko.

****

A couple of weeks had passed. Alone pa rin ako. Wala akong ka-close kasi stick to the plan ako. I have my own baon at kumakain ako mag-isa sa isang corner. Wala namang lumalapit saken kaya okay lang. On time ako pumupunta sa building at early naman ako kung umuwi. Sa dorm na ako nag-eensayo.

During trainings naman, tahimik lang ako. Nagsasalita lang ako pag tinatanong. Wala naman nambubully saken pero sometimes may nararamdaman akong tension sa atmosphere.

Pinakiusapan ko na si Sir YG na itago ako sa pangalang 'Kaye' at wag na wag akong tatawagin sa real name ko, pumayag naman sya.

May special room naman sa building kung saan ako nag-aaral so I can cope up with my studies. Tinutulungan ako ng isang Filipino tutor. Nakakatulog naman ako ng maayos pero minsan puyat kasi may mga assignments na pinapagawa.

****

Sunday kaya day-off namin ngayon. Pero kahit ganon, meron pa ring mga trainees sa building, sila yung mga masisipag. Inayos-ayos ko lang yung dorm kasi hindi naman madumi. Nanonood lang ako ng movie nang may kumatok sa main door.

"Huh? Di ko ba na-lock yung gate? Baka di maayos pagkasara ko? Pero imposible! Aish! Tingnan ko na lang kung sino yung tao sa labas."

Pagkabukas ko ng door, Isang blondie Sandara Park ang ngumingiti saken. "Magandang araw!" bati nya saken.

"Magandang araw din po." nagbow ako. "Pasok po kayo." pumasok naman sya at umupo dun sa bean bag. Walang sofa, tatlong bean bag, table at T.V. lang ang nasa living room. Nagtimpla ako ng pineapple juice for her at nagserve din ako ng chocolate cookies.

"Hmmm...maraming salamat!" sabi nya sabay inom ng juice. "Walang anuman po..." umupo ako sa tabi nya. Nilagay nya naman yung baso sa tray.

"Ikaw si Kaye, diba? Yung bagong Filipino trainee?"

"Ahh...opo."

"Hmmm...nice dorm. Hindi ka ba nagiging homesick? Kasi, you know mag-isa mo lang."

"At first po, yes. Pero kasi nasanay na ako kasi dati nagkahiwalay kami ng mga magulang ko because of their work. Naranasan ko na rin po maging malayo sa kanila."

"You're tough. Alam mo, I'm so happy for you kasi kinakaya mo ang trainee life." Nag-usap lang kami ni Ate Dara. Nagkwento ako about sa mga happenings sa Philippines at kung anu-ano pa. Nagbigay naman sya ng mga survival tips.

Accidentally Became A TraineeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon