Chapter 8
~Alistair's POV
Tahimik at nagmamadali akong naglakad papunta sa office. Pinapatawag na naman daw kasi ako eh. Bakit? Hindi ko rin alam. Siguro papaalisin na nila ako kasi talentless ako o baka naman kasi nakakasira na ako ng image nila dahil nga talentless ako.
Kumatok na ako sa door ng office ni Sir YG. Hindi naman talaga ako kinakabahan pagdating sa kanya, natatakot lang. >
"Come In." nang narinig ko na syang nagsalita, binuksan ko na yung door at pumasok na sa loob ng office. I took a deep breath muna then hinarap sya with a stoic face. "Good day, sir."
"Good day to you too. I called you here because you and other two trainees will have your monthly evaluation at KINTEX." Nanlaki ang mga mata ko. KINTEX?! Eh ang laki-laki nun! Tapos konti lang naman kami. Magpeperform na naman ba kami sa harap ng maraming tao tulad lang dun sa club? Eh may stage fright ako eh! "Why there?"
"You'll know when you get there. Just prepare a fantastic performance, all right?"
"Ne." I nodded. "Uhm, sir?" kakapalan ko na ang mukha ko sa paghingi ng favor. Dapat ko 'to gawin kahit labag man sa kalooban ko. Part pa rin ito ng paglilihim sa identity ko. "Do you know a certain hairstylist?" tinaasan nya naman ako ng kilay.
****
Sinamahan ako ni Mr. Seo for my "makeover" kuno sa isang exclusive salon ng mga YG artists. Wala naman akong magagawa kasi kailangan ko talaga since di dapat malaman ng mga tao na isa akong trainee. Yung salon daw is pagmamay-ari ng asawa ni Sir YG. So, ayun nga, doon na ako magpapabago ng hair color.
"Uhm...I want it straight and midnight black." sabi ko sa hairstylist. "Front bangs are fine too." dagdag ko pa. Medyo brown kasi buhok ko tapos wavy yung front locks, pati nga yung bangs ko fly-away pero bagsak naman sa likod, as in straight talaga. I'm changing the style and color of my hair pero sinisigurado ko na hindi masisira ang buhok ko. Yun ba yung temporary lang and naglalaho din when the time comes. Nagpalagay din ako ng nail polish, plain black lahat except sa left forefinger ko na may nail art na glittering silver vines.
After that, naisipan kong magpalagay ng temporary tattoo sa may bandang left part ng tiyan ko, malapit lang sa may bellybutton. Black cursive small letter "k" ang design ng tattoo ko. Sa tattoo artist ni G.Dragon at Taeyang ako nagpalagay. Hinayaan ko na lang din ang mga birthmark at moles ko, tutal matatakpan naman yun ng make-up
I also had an eye check-up for my astigmatism. Kailangan ko kasi tingnan if okay ang condition ng mga mata ko bago ako magsuot ng black contact lenses para takpan ang dark brown kong mga mata.
Lahat ng pagbabago sa akin are just temporary lang naman.
Dahil nga ako si Kaye at hindi si Kieran Alistair, iniba ko ang fashion sense ko kahit wala naman talaga akong sense pagdating sa mga ganoong bagay kasi nga diba, opposite kami ng kapatid ko na si Kiandra. So ayun, I just tried mixing and matching clothes para naman maging presentable ako kahit papaano.
Hindi naman sa nagpapaganda ako o ano, I just decided kasi na ibahin ang image ko para yun yung kilalanin ng mga fans. So from that day on, there were two me.
Yung totoong ako na isang student at fangirl lang. Yung simple lang pero weird. At yung isang ako na isang trainee na kailangang magsuot ng flashy outfits at magperform sa stage para makapag-debut na as an artist.
****
Nasa practice room ako kasama pa ang dalawang trainees. Hindi ko alam ang pangalan nila kasi hindi ko naman sila kilala pero namumukhaan ko naman sila. Awkward naman kasi mag-isa ko lang na babae.
BINABASA MO ANG
Accidentally Became A Trainee
FanfictionAnong gagawin ni Kieran 'pag nalaman nyang natanggap sya sa YG online audition? Papayag ba syang maging trainee o papalampasin na lang nya ang pagkakataon? Hindi madali maging isang trainee lalo na't hindi sya isang Koreana. Makakayanan kaya nyang p...