Chapter 3

4.3K 106 15
                                    

Happy reading
__

Elyjha's point of view

Sa tanang buhay ko ngayon lang ito nangyari. Tumakbo ako patungo sa locker ko. They're all looking at me like I'm the most disgusting creature in the world. Wala akong kasalanan, kung gumanti man siya dahil nakita ko siya kasama ng kaibigan ko habang ginagawa iyon. Hindi ko naman kasalanan iyon. What they're doing is public display acffection. Bukas sa lahat iyon, buti na lang at ako lang ang nakakita.

I timidly get my PE uniform in my locker.

"Ops... may tumangka pa atang magrape kay nerd." natatawang asar ng mga tao sa paligid.

“Are you trying to seduce us with your ripped skirt, nerdy-pants?” rinig kong asar ng mga kalalakihan.

Yumuko ako, this is too much. Hindi mo nalang pinansin ang pang-aasar nila. Padabog kong isinara ang locker ko at tumakbo na sa CR.

Nang makarating dun ay panay ang tingin nila sa likuran ko. Like they're making fun of me using their faces. Kinain na ng kahihiyan ang buong pagkatao ko. Dumiretso ako sa isa sa mga cubicle at nagbihis. My tears began to flow slowly. Pinigilan ko ang maghagulgol at habang nagsusuot ay wala pa'ring pigil ang pagtulo ng luha ko.

Lumabas ako ng nakayuko. Bumalik ulit ako sa locker at kinuha ang bag ko roon saka inilagay ang uniform ko. Nakangisi pa'rin ang iilan sa'kin na parang may ginawa akong makabuluhan. Napabuntong-hininga ako, bumalik ako sa classroom na mugto pa'rin ang mata. Balak kong kunin ang folder ko.

I feel solaced when I reached the room empty. I looked for my seat, there are some traces of papers that got stuck to it. Mukhang pati ang folder ko nilagyan niya ng glue...

Napakagat ako sa labi, please sana mahanap ko kahit yung laman nalang, ipapasa ko na iyon bukas.

Sinuri ko ang bawat sulok ng classroom. May natanaw ako na puting bagay sa basuharan at agad ko iyong tinignan.

Tama nga ang hula ko, folder ko 'yon. Agad kong kinuha iyon at tinignan ang laman. Ang daming kusot, ano ba iyan uulit na naman. Lumabas ako sa classroom ng naluluha. Pinaghirapan ko kasi to, ayaw kong ipasa ito ng gusot at madumi. Tinanggal ko ang glasses ko dahil nanlalabo na ito dahil sa init ng mata ko.

Ang daming nangyari ngayon sa'kin. Hindi ko mapigilang umiyak, dala na'rin ng death anniversary ngayon nina mommy at daddy.

Umiiyak kong inaayos ang folder ko ng biglang may umabot ng panyo sa'kin.

Napaangat ang tingin ko. Hindi ko inaasahang siya ang magbibigay. Nanghihina ang tuhod ko sa kaba. It's Jm, isa sa mga matalik ni kaibigan ni Dm. Andito din ba siya para pahirapan ako?

Umiling ako at tinalikuran siya."H-hey, wait..." sabay pigil sa'kin. Hinarap ko siya.

"Hindi ko man alam kung bakit ka umiiyak pero alam kong makakatulong ito." sabay lahad ng panyo sa'kin. Tinignan ko lang siya at hindi nagsalita."Uhm... Don't worry, I'm no harm." depensa niya.

Nanginginig kong tinanggap ang panyo niya at nagpunas sa mukha niya."Sabi nila kapag ikukwento mo ang nararamdaman mo sa iba, gagaan ang pakiramdam mo. Hindi tayo close kaya pwede mong i-kuwento ang saloobin mo, I won't judge." nakangiting sabi niya.

Everything went light. Naging komportable ako sakaniya. Dahan-dahan ding gumaan ang loob ko ng makilala siya. Gusto ko sana siyang tanungin kung bakit hindi siya gaya nung kaibigan niya.

His name is Josh Marlon Rivera. Hindi ko alam ang pangalan niya pero nakikita ko siya palagi na kasama si Dm.

“Bakit hindi ka kagaya nung bakulaw na iyon? Hindi ba't magkaibigan kayo?”

Marrying Mr. Playboy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon