Chapter 4

4.2K 107 6
                                    

Happy reading

_

Elyjha's point of view

“So where are we?” tanong sa'kin ni kuya matapos niyang magbihis.

“Nasa bahay po,” panonopo ko sakaniya.

Tinaasan niya lang ako ng kilay at napailing-iling dahil sa sinagot ko. Tumikhim siya at nagsalita.

“As I said, magpapakasal ka sa apo ng kaibigan ni Lolo.”

I gulped. Seryoso ba talaga siya sa sinasabi niya?

Kumunot ang noo ko at napahalukipkip. “Bakit pa? Ano bang klaseng deal iyan?”


Huminga siya ng malalim bago nagsalita. “You'll marry his grandson in exchange for our company. The old man seems so rich that he could easily give off the company for marriage. Well as off now, hindi pa naman gaano kalago iyon gaya ng dati. But it has potential to grow and rise again.”

“Bakit, para saan pa? We both know that we don't need much of that money. Hindi na'tin masasama sa kabaong 'yan, kuya.”


“Dugo't pawis ang inialay ni Lolo para palaguin iyong kompanya na'tin. It's our family's company. Iyon ang bumubuhay sa'tin dati. I know you got used of living like this. But I want to provide as much as I can. This is a big opportunity.”

Napaawang-labi ako

“You just need to tame his grandson. He's known for his naught behavior. As what the old man told me, hindi naman talaga malaking assets sakanila iyong kompanya na'tin. He just really want to teach his grandson a lesson.”

Huminga siya ng malalim at kumuha ulit ng bwelo.“The marriage will last for only twelve months and I need you to cooperate with me while I'm learning to manage our lolo's company. We're so lucky that the old man valued their friendship kaya niya nagawa 'to.”

Napatango-tango ako.“Sino ba sila?” takang tanong ko.

“They're the Luzuriagas.” nanlalaki ang mata ko sa sinabi niya. You mean him? I shook my head. It can't be him.

“S-sinong L-luzuriaga, kuya?” sana hindi tama ang hula ko.

“Dm Luzuriaga.” I'm so doomed.

Parang napako ako sa kinatatayuan ko. Ito ang pinakamalabong mangyayari sa buhay ko!

Agaran akong umiling. “Ayaw ko kuya.” pagmamatigas ko.

Kung pwede ko lang sabihin sa'yo ang nangyari kuya ginawa ko na kaso ayaw ko lang talaga ng gulo eh!

Tumaas ang isang sulok ng kilay niya.“Bakit? kilala mo ba siya?” malamig na tanong ni kuya.

Parang pinagpapawisan ako dito ah.

“Ofcourse n-not! Nakakalimutan mo sigurong book worm ako at ang tanging pinagtutuusan ko ng pansin maliban kay Marsee ay ang mga libro,” I lied.

Napahalukipkip siya.“Then, why won't you agree to my proposal? Is it hard, sis? Unless kung may nararamdaman ka sa lalaking iyon, syempre mahihirapan ka.”

IT IS SO HARD KUYA, SIYA ANG PINAKA-IINISAN KONG LALAKI TAPOS MAGPAPAKASAL AKO SAKANIYA?

Umirap ako.“I'm not suitable for a wife kuya, hindi pa ako handa. I'm still underage!” protesta ko.

“There's always a first time, Mariz. Three months to go and you'll be eighteen. Sinasabi ko lang sayo to ngayon para maghanda kana. Hindi kaba nakokonsensya sa pinaghirapan ni Lolo? Besides that kid already agreed to marry you.”

Marrying Mr. Playboy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon