Chapter 29

934 30 4
                                    

Happy reading
__

Elyjha's point of view 

“What do you mean?” nanginginig kong tanong, ilang sandali siya napatitig sa'kin saka nawalan ito ng malay.

I tried to move him a little bit, baka kasi gising pa. Nang makumpirmang wala na ngang malay ito. Napahawak sa dibdib, I heaved out a deep sigh. I felt reliew for somehow... Ayaw kong pag-usapan muna kasi ang tungkol dito.

Napagpasyahan kong tumungo sa kwarto. Kinuha ko ang first aid kit ko doon at bumaba ulit. Napaupo ako sa sofa na hinihigaan niya ngayon. Just beside him, occupying the sofa's space.

Sinimulan kong gamutin ang bibig nito. Ang hirap niyang gamutin, natatakot ako na baka magising ito. Iyon kasi ang pinaka-iiwasan ko. Nanginginig ang kamay ko habang idinidampi ang cotton sa gilid ng labi niya.

Tuwing gumagalaw siya ay kimakabahan talaga ako. Pisteng yawa 'to.

Ilang minuto ang nakalipas, tapos ko na siyang gamutin. I checked the time, alas otso na ng gabi. Buti na lang at wala pa si Kuya. I took a glance at my food. Hindi pa ako tapos sa pagkain.

Napatitig ako sakaniya na mahimbing pang natutulog. Kapag gising parang tigre ang mukha, kapag tulog naman parang anghel. Patulugin na lang kaya kita habang buhay? Charot.

After a couple minutes of thinking, I decided to call one of his friends. Kaso hindi ko alam kung nasaan ang cellphone nito.

I cautiously cupped his pockets to avoid him from getting awake. Jusko, pinapawisan ako habang ginagawa 'yon.

Nang mahanap ko na ay napasigaw ako ng walang tunog. Agad kong binuksan 'yon ngunit sa kasamaang-palad ay may password ito.

I swipe the screen up. I did a few try to open it. Naglagay ako ng random numbers kaso hindi talaga ako sinuswerte ngayon.

Huli na ng makita kong 'Tap the icon to unlock' I clenched my fist in triumph.

This means only one thing. Mayroong face recognition!

Itinapat ko ang phone niya sa mukha at bumukas nga 'yon. Una kong hinanap ang pangalan ni Gm sa contacts niya.

I dialed his number. Buti naman at sinagot niya agad 'yon.

“Oh bro?” bungad ni Gm sa kabilang linya.

“Gm, pwede ba kitang madistorbo?” tanong ko ng may pag-aalinlangan sa boses.

“Who's this? Did you kidnap our buddy? Nakngteteng, kanina pa lang galit na 'yon!”

Tumikhim ako para kalmahin siya. “Si Elyjha 'to.”

“Wala akong paki---- A-anong sabi mo?”

“Si Elyjha 'to.” ulit ko.

“Oh ikaw pala! Kamusta? May aasahan ba kaming Dm junior?----- Sino 'yan 'tol?” hindi ko alam kung mamula ako sa sinabi niya ngunit mas bumagabag sa'kin ang sumulpot na boses na 'yon.

“Ahm h-hindi. Lasing kasi siya...”

“Ah ganon?” 'yon lang?

“Pwede bang paki-sundo siya dito?”

“Ano? Bakit? Okay na siya diyan! Nako gusto-----Sino nga 'yan?---Manahimik ka Jm! Kinakausap ko pa 'tong bebe ni Dm!” mas lalong umingay ang kabilang linya.

Napasapo ako sa noo at minasahe ang sentido ko. Hinintay ko silang matapos mag-away.

“Ah pasensya kana, Elyjha. Nandito kasi ako sa condo ni Jm. Teka, ano bang nangyari sa kaibigan na'min?” buti na lang at nagseryoso ito.

Marrying Mr. Playboy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon