prologue

265 11 1
                                    

Maxxine Suarez

Hay salamat! Natapos din ang dapat matapos na madugong quiz na 'yon. First day na first day may quiz agad! Iba talaga pag graduating ka na. Hassle masyado.

Nandito ako sa classroom at nagliligpit ng gamit.
Lunch time na kasi.

"Maxxine Suarez! Kanina pa kita tinatawag!" Sigaw sa akin ng best friend kong si Jane.

"Kailangan talaga full name?" Natatawa kong tanong.

"Ikaw eh! Hindi ka nakikinig! Tara na nga! Gutom na ako." At nagmarsta na sya palabas.

Sinundan ko naman sya agad habang natatawa pa.

Pagdating namin sa cafeteria ay nag order agad kami ng lunch. Umupo kami sa pinakadulo at hihintayin pa namin ang iba pa naming barkada.

"Girl! Masayang masayang masaya ako ngayon. Alam mo kung bakit?" Sinabi nya. At pulang pula din ang pisngi nya.

"Girl di ako manghuhula." Pambabara ko sa kanya. At ang bruha nag pout lang! Natawa na naman ako.

"Hindi talaga nakokompleto ang araw mo pag hindi mo ako nababara no?" Bakas sa Boses nya ang tampo at inis kaya mas lalo akong natawa. Tumalikod sya sa akin nang narinig nya akong tumawa.

"Ito naman! Joke lang. Hindi ka na nasanay sa akin eh palagi naman akong ganito." Malambing na sabi ko. Hindi parin sya kumibo at nanatiling nakatalikod.

"O sige na nga! Ano ba yun? Ba't ang saya mo?" Pagsuko ko. Agad naman syang humarap ng nakangiti na.

"Si-" Hindi pa nya natapos ang pagsasalita nya ng biglang umingay sa tili-an ang cafeteria.

"Aaaaaaahhhhhhhhhhhhhhh!" Sigaw ng mga tao.

At dahil sa likas kaming chismosa ni Jane ay tumakbo rin kami sa pinagkakaguluhan.

"Anong meron?" Tanong ko sa kakilala ko habang naglalakad kami putungo sa pinagkakaguluhan nila.

"Artista!" Sagot nya.

Nakipagsiksikan kami sa mga studyante. Tulakan doon tulakan dito ang nangyari.

Napatigil ako ng binanggit nila ang pangalang pilit kong kinakalimutan.

Bago pa ako makakilos galing sa pagkatulala ay naitulak na ako ng malakas ng mga tao papunta sa unahan.

Napaupo ako sa lakas ng pagkakatulak sa akin at biglang natigil ang hiyawan.

"Are you okay?" Nanindig ang balahibo ko nang marinig ko ang boses na yun.

Hindi ako maaaring magkamali. Kilalang kilala ko ang boses na yun. Ang boses na nagpaibig sa akin. Ang boses na nanaisin kong marinig araw-araw.

Nagbalik na naman sa aking alaala ang araw na 'yun.........

He was my savior

He was my haven.

Sya 'yung nagpaparamdam sa akin na prinsesa ako bukod sa daddy ko.

Kapag kasama ko sya, parang wala akong problema.

He was too good to be true actually.

Parang fairytale ang kwento namin

Pero alam ko, kagaya ng fairytale, matatapos rin 'yun. Ang pagkakaiba nga lang, hindi happy ending.

The Hidden Past (On Going)Where stories live. Discover now