chapter 4

127 7 7
                                    

Dedicated to Itsmehil2x

Chapter 4

Late akong nakatulog kagabi dahil kay Maze. Ang daming kabitteran sa katawan eh! Ang resulta, tanghali na akong nagising.

Hindi pa talaga kami personal na nagkikita nun. Isang araw, nagtext na lang sya sa akin, kasi akala nya 'yung number ko ang number ng ex nya. It turned out, wrong number pala sya. Ang bitter nya! Hindi talaga sya maka-move on sa ex nya..... Parang ako......

Pero in fairness ah! Ang daming na-advise ni Maze sa akin. Love expert talaga kahit kasing edad ko lang naman.

Pagkatapos kong maligo, magbihis ng uniform at kumain ay umalis na ako ng bahay kasama si daddy na ipinagmaneho ako.

Pagdating ko sa classroom, 'di na ako nagtaka kung may kumpulan sa upuan ni Race.

Tama naman palagi ang predictions ko. Walang pagkakamali.

Napabuntong hininga ako at tahimik na lumakad papuntang upuan ko.

"Excuse me," wika ko.

Nabuwag ang kumpulan at tumingin sila sa akin.

"Uupo na ako."

Mukhang nakuha naman nila ang sinabi ko at binigyan nila ako ng daan.

Doon ko napagtantong pati si Race ay nakatitig na rin pala sa akin. Hindi ko mapigilang manginig habang dumadaan sa kanyang harapan.

Ngayon ay nakauniform na sya. Mas mukha syang model ng isang magazine kesa sa isang estudyante. His angelic eyes never failed to sent electricity all over my body. It makes me fall for him harder.

dahil sa mga mabibigat na titig nya ay nawalan ako ng lakas at nawalan ng balanse. Napapikit na lang ako at hinintay ang pagbagsak ko sa sahig.

Pero imbes na maramdaman ang sakit sa pagbagsak, ay malambot na kamay ang aking naramdaman sa likuran ko. Unti-unti kong dinilat ang mga mata ko at nakita ko ang mala-anghel na mukha ni Race ngunit sing lamig ng yelo ang mga mata.

"Th-Thanks," sambit ko sabay ang pag-iwas ng tingin at pag-ayos ng tayo.

Umupo agad ako sa aking upuan bago mawalan ulit ng lakas.

Tumango lang siya at iniwas ang tingin sa akin.

Akala ko ay mananahimik lang sya sa aking tabi lalo na at dumating na ang teacher namin sa first period nang magsalita na naman sya.

"So you're still clumsy, huh?"

Hindi ko pinansin ang sinabi nya at nagpatuloy sa pakikinig.

"You never changed, I guess. You're still the clumsy Maxxine I knew before." He chuckled.

"I'm not clumsy." Pagdedepensa ko ngayong nasigurado kong ako ang kausap nya.

"Really?" He said with a teasing smile.

"Pwede bang tumahimik ka na? I can't concentrate." Hindi ko na mapigilan.

Para nang tambol ang puso ko sa lakas ng tibok nito. Namamawis na rin ang noo ko sa sobrang kaba.

"Sana ganun lang 'yun kadali. Sana ganun lang kadaling patahimikin 'yung sakit." Makahulugan nyang bulong.

"Ano?" Naguguluhan ko ring bulong.

Paano ba kami humantong sa ganito? Hindi ko kailanman na-imagine

"I know you heard me Max. Stop playing dumb." Seryoso niyang bulong.

Napasamid naman ako at nanahimik na lamang. Please Race. Don't make this harder for us. Let's just move on.

Hindi na siya nagsalita buong klase at ganoon rin ako.

The Hidden Past (On Going)Where stories live. Discover now