chapter 1

165 10 9
                                    

Dedicated to: Cypher_X

Chapter 1

"Sorry for what?" Nagtatakang tanong nya.

Naririnig ko na rin ang mga bulungan ng mga tao.

Para saan nga ba?

Para sa nangyari noon?

Para sa pang iiwan ko?

Para sa pasakit?

Pero nasaktan nga ba sya?

He seems okay.

Parang walang naman syang pinagdaanan na break up.

Malamang Max! Isang taon na ang nakalipas. Malang nakamove on na sya, habang ikaw wala pa. Ay! Baliw na ata ako at kinakausap ko na ang sarili ko.

"S-s-sorry sa a-a-ano...... Sa abala"
Pagkatapos ko yung sabihin ay umalis na agad ako. Tumakbo ako palabas sa cafeteria.

Nagtungo ako sa garden kung saan wala masyadong tao. Doon ko binuhos lahat ng nararamdaman ko. Parang tanga ako don na umiiyak.

Kahit isang taon na kaming wala, mahal na mahal ko parin ang lalaking yon. Iniiyakan ko parin sya.

At ang pinakamasakit ay ang tingnan nya ako na parang wala kaming pinagsamahan.

Pagkatapos kong umiyak ay nanatili muna ako don kasi nagmumugto ang mga mata ko. 2 pa naman ang next class ko so Hindi ako malilate. Tinext ko na rin ang best friend ko na dalhan ako ng lunch dito sa garden.

After ilang minutes ay dumating din si Jane na may dalang pagkain. At unang sumalubong sa akin ang mga tanong nya.

"Girl! Ba't nagmumugto ang mga mata mo? Oh my gosh! Girl umiyak ka?! Bakit?" Sunod sunod na tanong nya.

"Pwedeng isa isa lang?" Sagot ko habang kumakain.

"To naman! Umiral na naman yang ugali mong yan! Bara ka nang bara! Sige na nga. Ba't ka umiyak?" Bakas sa Boses nya ang pag aalala and at the same time, nakikita ko sa mata nya ang kilig.

Hindi pa nga ako nakapagsalita ay inunahan na nya na ako kaagad.

"Ay! Alam ko na! Siguro dahil kanina no!"

Hindi ako nakapagsalita. Hindi alam ng best friend ko na ex ko si Race Garcia. Actually walang nakakaalam kundi kami lang dalawa. Ah! Meron pa pala. Ang cousin nyang si Belle.

"Ano kasi......" Paguumpisa ko.
Paano ko ba ipapaliwanag?

Maiintindihan kaya nya?

Baka masaktan sya kasi Idol nya ang ex ko.

Yan ang mga tanong na tumatakbo sa isip ko ngayon.

"Hindi din naman kita masisisi. Kung ako ang napahiya kanina eh talagang iiyak ako. At ang mas masaklap... Sa harap pa ng mahal ko!" Sabi nya na nakapamewang.

Speachless ako. Akala ko Alam na nya. Nakalimutan kong maypagka-manhid pala itong best friend ko.

Nagpatuloy nalang ako sa pagkain samantalang sya ay salita ng salita.

"Alam mo? Ang 10 o'clock ang isa sa pinaka sikat na boyband sa buong mundo!" Kwento nya.

Habang ako naman. Tango lang ng tango. Alam ko na lahat 'yan. I was an avid fan.

"Naku ang gwapo talaga in Race! Magpapatali talaga ako sa kanya."

Nabulunan naman ako sa sinabi nya. Kasalukuyan kasi akong umiinom ng tubig.

"Ip-pap-patali talaga" tumawa ako pero nauutal parin.

"Kasi feeling ko, destined talaga kami sa isa't isa."

The Hidden Past (On Going)Where stories live. Discover now