Dedicated to: PrettyBlackFire
Chapter 5
Nangilid ang mga butil ng luha sa mga mata ko dahil sa mga alaalang nagbalik.
Naalala ko na naman ang mga bagay na nawala sa akin pagkatapos naming maghiwalay.
Pumikit ako ng mariin upang mawala ang mga nangingilid na luha. Okay ka na Maxxi. Kaya mo 'to.
"Sige. Mauna na ako. Nakalimutan kong may pupuntahan pa pala ako." Sabi ko nang nakayuko pa rin at hindi siya magawang tingnan.
Lalampasan ko na sana siya nang bigla niya akong harangan.
"Are you happy?" Tanong niyang nagpagulat sa akin.
"Wh-What do you mean?"
"Nung naghiwalay tayo.... Naging masaya ka ba?"
Hindi na ako makahinga pero pinilit ko pa ring sagutin ang tanong niya.
"Y-Yes..."
Matagal siyang di nakapagsalita kaya nag-angat ako ng tingin.
Napaatras ako nang makita kong mataman niya akong tinititigan.
"Good for you..." Napapaos niyang bigkas.
Nag-iwas ako ng tingin. Natatakot na malaman niya ang totoo kong nararamdaman.
"At least I made you happy....even though my life became miserable."
Hindi na nakatakas ang butil ng luha at tumulo na ito.
Dali dali akong nag-iwas ng tingin at pinalis ang luha sa aking pisngi.
"Papasalamatan mo rin ako balang-araw Race. Kapag nahanap mo na 'yung para sa 'yo." Nagawa ko pang ngumiti kahit sa loob loob koy gustong- gusto kong humagulgol.
I'm so sorry Race. I love you. Yes I love you, pero hindi tayo ang para sa isa't isa. You deserve someone better. Not a coward like me.
Tumingala siya at umiling.
"Nahanap ko na 'yung para sa akin Maxxi. Nakawala lang........ Nakawala ka lang" halos hindi ko na marinig ang huli niyang sinabi.
Hindi ako naka-imik nang tumalikod siya at walang pasabing umalis.
Naiwan akong mag-isang hindi maproseso ang lahat ng naganap.
TULALA ako buong umaga at hindi makapaniwala sa mga sinabi nya. Hindi ma-absorb absorb ng utak ko ang mga pinagusapan namin.
Nakabalik na ako sa classroom at kasalukuyang tinatanaw ang soccer field sa harapan ng room.
"Maxxi bakit hindi pumasok si Jane kanina?" Tanong ni Kea habang nakatingin sa kanyang phone.
Binalingan ko sya sandali ng tingin bago sumagot at balik ulit sa field ang aking mga mata.
"Hindi ko alam. Baka masama ang pakiramdam."
"Hala! Baka umiyak 'yun kagabi?" Bulalas ni Marie na kinagulat ko.
"Bakit siya iiyak?" Tanong ko ng nakataas ang isang kilay.
Nagkatinginan sila bago ibinalik sa akin ang tingin na tila ba isa akong batang walang alam sa mundo.
"Bakit nga?!" Tinampal ko isa-isa ang mga braso nila para matigil ang matalim na tingin na binabato nila sa akin.
"Hindi mo ba napanuod ang interview ng 10 o'clock kagabi?" Tanong ni Lanie.
Oh shit. Nakalimutan ko 'yung kagabi! My gosh!
YOU ARE READING
The Hidden Past (On Going)
Teen FictionGian Race Gacia (10 o'clock's Guitarist) NAGMAHAL ka na ba? Nasaktan ka na ba? O di kaya........ Nagmove on ka na? Sinubukan mo na? Natry mo bang mag move on kahit mahirap? Maraming paraan para mag move on. Pwedeng humanap ng rebound.... Pwede rin...