Dedicated To: mykiexx15
Chapter 3
"I'm always in love"
Natahimik at natulala ang host at ang audience. Maging ako ay natulala rin.
"I'm in love with the music" sabi pa nya.
Para namang natauhan ang mga tao at halakhak ng 10 o'clock ang nanaig ko.
"I thought it's going to be a big revelation. Nabitin ako." pagbibiro ni Wright na tawa parin ng tawa.
Nakitawa narin ang host sa kanila.
"Akala ko talaga may special someone ka na." Sabi ng host.
Nagchikahan pa sila tungkol sa love nang napunta ang usapan sa relationship.
"So tatanungin ko kayo isa isa.
Dapat Sabihin nyo kung na-in love na ba kayo. Magsimula tayo Kay Kevin. Ano na ang status mo ngayon? Are you in a relationship with someone?" Tanong nya kay Kevin.Natahimik naman si Kevin.
"Baka naman kayo na ni Neza?" Sabi ng host at tumingin sa audience na kinikilig.
Si Neza ang palaging nali-link kay Kevin dahil sya ang leading lady nito sa latest movie nya.
"No. We're not in a relationship." mabilis na salita nito nawalang pag-aalinlangan.
"But I'm in love with someone." Nakangiting saad nya na ikinatili ng mga fans.
Pagkatapos ng tilian ay tinanong na naman ng host and iba pang member.
Hanggang sa dumating sa kanya.
"Eh ikaw naman Race." Sabi nung host.
He smiled bitterly before answering.
"Once."
Kumikirot ang puso ko. Napangiti na lang ako ng malungkot. Kahit taon na ang lumipas nasasaktan pa rin pala ako. But I can't blame anyone for the pain I'm feeling. Because I know I'm the reason why I'm hurting.
Nagpatuloy ako sa panonood habang tumutulo ang mga luha ko.
"Sino sya?" Curious na tanong nung host.
"Kilala ba namin sya? Celebrity?" Pahabol pa nya.
Ilang minuto syang natahimik at tila inaalala ang mga nangyari bago sya muling sumagot.
"I'ts a secret. I'm sorry I can't tell the complete details. All I can tell you is that, we broke up last year." Sabi nya. Seryoso ay hindi nabahiran ng kahit katiting na kasiyahan sa topic. Ayaw nyang pag-usapan ang mga bagay na ito.
Shock ang nasa mukha ng mga audience, host at maging ang band mates nya natahimik at nalaglag ang panga.
"Grabe dude! Kala ko ba walang lihiman!" Dismayadong hirit in Kevin.
"'Di naman kayo nagtanong eh." Sagot nya.
Yun na ang huling salitang narinig ka dahil pinatay ko na ang T.V.
Humiga ako sa kama at pinagpatuloy ang pag iyak.
Ilang minuto rin akong umiyak hanggang sa nakatulog ako.
"ANAK?"
Narinig kong tawag ni mommy pero hindi ko iyon pinansin. Nagtaklob lang ako ng kumot para hindi mahalatang umiiyak ako.
"Sweety? Gising na. Kakain na tayo." Narinig kong sabi ni mommy bago isara ang pinto.
Bumangon naman ako agad sa pagkakahiga at inayos ang sarili ko.
YOU ARE READING
The Hidden Past (On Going)
Teen FictionGian Race Gacia (10 o'clock's Guitarist) NAGMAHAL ka na ba? Nasaktan ka na ba? O di kaya........ Nagmove on ka na? Sinubukan mo na? Natry mo bang mag move on kahit mahirap? Maraming paraan para mag move on. Pwedeng humanap ng rebound.... Pwede rin...