chapter 2

162 9 5
                                    

Dedicated to: Viellie92

Chapter 2


"Mr. Garcia is going to be your seatmate"

Parang nabingi ako sa sinabi ni ma'am.

The next thing I knew ay nakaupo na sya sa silya between me and Jane.

Tinignan ko ang expression ni Jane and as expected ay kinikilig.

Ang lakas na rin ng tibok ng puso ko.

Damn! Hindi pa rin nagbabago. Palagi nalang ganito pag nanjan sya.

Rinig na rinig ko ang bulungan ng mga ka klase ko.

'Ang swerte naman ni Maxxi at ni Jane!'

'Sayang! Sana ako na lang katabi ni Race.'

Mga ganyang klaseng bulungan na rinig na rinig ko.

Tumungo nalang ako.

"Uhm....Hi!" Na rinig kong bati ni Jane kaya napaangat ako ng tingin.

Saktong pagharap ko sa dereksyon nila ay nahuli ko syang nakatingin sa akin habang si Jane sa tabi nya ay nagpapakilala.

Nag-iwas agad sya ng tingin at humarap sa nagsasalitang si Jane.

Ako naman ay tumingin nalang sa harap at nakinig sa nagdidiscuss na si ma'am

Lumipas ang ilang minutong nagsasalita ni ma'am habang tahimik ang buong klase. Very unusual. Siguro dahil rin iyon sa katabi ko.

"Okay class, that's it for today" sabi ni ma'am at umalis

Nagligpit naman ako agad ng mga gamit ko.

"Bes halika" tawag ni Jane sa akin na kasalukuyang nakikipag usap kay Race.

Heto na naman ang abnormal kong puso.

"B-bakit?" Nauutal na naman ako.

"Eto nga pala ang best friend kong si Maxxi" bakas talaga sa mukha nya ang saya habang pinapakilala nya kami sa isa't isa.

"H-Hello" nauutal na naman ako.

Parang wala lang naman sa kanya na kaharap nya ang ex nya. Ngiting ngiti pa nga sya.

"Hello miss."

Natulala ako.

Hindi ko akalain na maririnig ko pa syang tawagin ako ng ganyan.

I really miss him... so much.

I miss him calling me Miss all the time. Endearment nya sa akin yun.

Natauhan lang ako nang nagsalita sya.

"Ah mauna na ako" paalam nya bago umalis

"Girl close kayo?" Tanong ni Marie. Isa sa mga barkada ko pag lapit nila sa amin.

"Hindi" sagot ni Jane na nagniningning ang mga mata.

"Akala ko close kayo. Sayang! Kung close kayo sana may pag-asa pa ako Kay Wright my labs." Lanie said with a dreamy eyes.

Idol kasi in Lanie si Wright. Kay Marie naman si Raven habang si Kea naman ay si Kevin.

"Tigilan nyo na nga yang mga pagnanasa nyo. Umuwi nalang tayo." Saway ko sa kanila.

"Bye bye!" Pahabol ko pa habang lumalabas ng classroom.

"Maxxi Hintay!" Tawag naman ni Jane kaya napahinto ako.

The Hidden Past (On Going)Where stories live. Discover now