chapter 6

89 8 4
                                    

Natulala ako nang makita ang litratong sinasabi niya. Nakatayo ako kaharap si Race at malinaw na nag-uusap nga kami.

Kung ibang mga tao ito, hindi mo talaga maiisipan ang litratong ito ng masama pero sa kasamaang palad, ang kasama ko sa litratong ito ay isang taong tinitilian ng lahat. Iniidolo at talaga namang maghahatid ito ng napakalaking eskandalo kapag nalaman ng lahat na kina-usap ng isang gaya niya ang hamak na taong katulad ko. I know I look exaggerated but it's the cruel truth. I need to accept it.

Ngiting tagumpay ang namutawi sa labi ng lalaki. Nangilabot ako sa ngiting iyon.

"Meet me after class. Rooftop." Bulong niya sa akin bago ako iniwan.

Kinakabahan akong naglakad papuntang classroom. Buti na lang at wala ang teacher namin kaya wala akong namiss. Tahimik lang akong nakaupo sa aking upuan habang ang aking isipan ay nasa pangyayari parin.

Kaya naman nang matapos ang klase ay agad-agad akong lumabas ng aming classroom at nagtungo sa rooftop.

Kabado ako habang nagpalakad. Maraming pumapasok sa isip ko. Ipagkakalat niya ba? Bakit ba napakalaking issue kapag nakitang magka-usap kami?

Idiot. You were seen having a serious conversation with one of the most successful celebrities right now! Of course it's a big deal.

Naalala ko noon. One of his band mates got into a controversy like this. He was just photographed helping a girl at the mall and the girl he helped was bashed big time.

If ever the photo will leak, I can say that he was just asking for direction but I'm sure his avid fans won't buy that excuse. I'm even surprise that no one confronted me for sitting next to him.

Pagkaakyat ko sa rooftop, naabutan ko ang lalaking nakatalikod sa akin. I cleared my throat to get his attention.

"Ah, there you are!" Lumingon siya sa akin.

"Ano ba talaga ang gusto mong malaman? He was just asking me something."

Ngumiti siya. Isang ngiting nagpapahiwatig na may nalalaman pa siya.

"I didn't just saw you two. I kinda heard your conversation. And it doesn't sound nothing to me."

Kumalabog ng napakalakas ang dibdib ko. I don't know what to say.

"So tell me, ano ba talagang meron sa inyo ni Race?"

"Why... Why do you wanna know? Ano bang makukuha mo kung malalaman mo ang totoo?" Hindi ko ipinahalata ang malaking kaba sa aking dibdib.

Humakbang siya papalapit sa akin kaya napaatras ako. Ngunit hindi pa rin siya tumitigil sa paghakbang hanggang sa napasandal ako sa pinto ng rooftop.

Inilapit niya ang mukha niya sa akin hanggang sa ilang pulgada na lamang ang natitirang distansya ng mukha niya sa mukha ko. Sinubukan kong itulak siya ngunit pinigilan niya ang mga kamay ko.

"Wh-What are you doing?! Lumayo ka!" Pasigaw kong anas.

Lumapit pa lalo ang mukha niya hanggang sa ang kanyang mga labi ay na sa may tenga ko na.

"Shh, let's just say nagseselos ako." Bulong niya.

Napatindig ang balahibo ko sa batok at buong lakas siyang tinulak. Matagumpay ko siyang naitulak at mas lalo lang akong nainis nang makitang tumatawa siya ng malakas.

"Gago ka ba?! Kung para sa 'yo laro lang ito, aalis na ako. Wala na akong dapat i-explain sa litratong iyan! 'Wag mo akong paglaruan."

Tinalikuran ko siya ngunit nabigla ako nang hawakan niya ang palapulsuhan ko. Tumigil na rin siya sa pagtawa.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 18, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Hidden Past (On Going)Where stories live. Discover now