Jungkook 💌

342 8 2
                                    

Your POV

"Yah! Jungkook-ah tama na yan" pagbabawal ko sakanya, dami na kasing naiinom. Nandito kasi kami sa party ni Jimin, kakauwi niya lang galing ibang bansa simula nung nangyari sa kanila nung kaibigan niya.

"Ayaw mong tumigil? Osige iinom ako" akma kong kukunin yung baso na may cocktail at iinumin na sana ng hilahin niya kami ko.

"Hindi pwede" sabi niya at tiningnan ako ng masama.

"Pwes, tumigil ka na jan. Kanina pa tumutunog phone mo, di ko naman kilala kasi number lang. Tara uwi na tayo" hihilahin ko na siya ng hilahin niya ko palapit sakanya kaya napayakap ako. Narinig ko siyang tumawa at tiningnan ako.

"Y/n, neomu yeppeuda (you're so pretty)" nabigla naman ako sa sinabi niya pero mas nabigla ako ng yakapin niya ko at hinawi ang hibla ng buhok ko na nakatakip sa mukha ko.

"Bakit di ko agad napansin na maganda ka pala? Hay" pinag masdan niya kong mabuti.

"Jungkook, lasing ka na. Halika na. Umuwi na tayo" pilit akong kumakalas sa pagkakayakap niya.

"Y/n"

"Tsk, ano?"

"Saranghae. Neomu saranghae" nagulat ako sa sinabi niya kaya tinulak ko siya at nauntog naman siya sa dulo ng lamesa.

"Ahh!"

"Jungkook, omo. Sorry, sorry. Masakit ba?" hinimas himas ko ulo niya na tumama sa dulo ng lamesa.

Tinulungan ako nina Jimin at Hoseok na iuwi si Jungkook. Nakauwi na rin ako pero di ako makatulog dahil sa sinabi ni Jungkook sakin.

"Saranghae. Neomu saranghae"

"AISH! JUNGKOOK-AH!"

Alam ka niya na gusto ko siya kaya sinabi niya yun sakin? Hala?! Aish! Jungkook. Bat kasi--- ewan! Pero diba nag 'I love you' siya sakin so it means gusto niya ko. Ganern? Tama naman diba? Pero lasing siya nun. Ayyy! Aamin ba ko? Hindi pwede!

Isang linggo na nakakalipas simula nung nag 'I love you' siya sa akin. Mag kikita kami ngayon at ipapakita daw niya bago niyang baby sa akin. Hay naku yun talaga nag sasayang ng pera tsk.

"Jungkook-ah!"

"Y/n!" umupo ako sa tabi niya pero tinulak niya ako kaya dun ako umupo sa tapat niya. Babatukan ko sana kaso ngumiti eh. Hay, I couldn't resist his smile.

"May sasabihin ako sayo" sabay naming sabi

"Ikaw muna" sabi ko at ngumiti naman siya.

"Ahmm yung baby na ipapakita ko" napakamot siya ng ulo kaya tumawa ako.

"Hay naku, inaksaya mo nanaman pera mo no? Ano? Nasaan na? Tingin ako, baka fake---"

"Y/n---"

"Sabi na eh! Na-scam ka no? Aish! Sabi sayo wag ka na bumili online eh. Jungkoo---"

"Baby" napatingin ako sa babaeng yun.

"Y/n, siya yung baby na sinasabi ko" napanganga naman ako saka napalunok.

"Ahh, hahaha! Hi"

"Annyeong" nag bow kaming parehas.

Kumain kami at nag kwentuhan. Kailangang umakto ng normal, hindi dapat halata na nasasaktan ako habang nag nginigitian silang dalawa. Ako dapat yung nasa pwesto niya kung umamin ako agad---ang tanga ko hahaha! Tama, nag assume lang ako sa sinabi niyang yun. Pwede naman kasing mag 'I love you' sa kaibigan diba? HAHAHA! Tama. Hahayaan ko na lang siyang maging masaya.

BTS ImaginesWhere stories live. Discover now