Seokjin 💌

328 7 1
                                        

Seokjin's POV

"Hyung! Tara na!" tawag sakin ni Jungkook. Nagkayayaan kasi na mag outing kami sa kung saang dagat. Ngumiti lang ako.

"Hindi na, kayo na lang"

"Ang KJ naman ni hyung" sabi ni Jimin at nagkamot ng ulo.

"Hayaan niyo na si Jin hyung may monkey business pang gagawin yan" pang aasar sakin ni Yoongi kaya binato ko ng tsinelas ko.

"Siraulo! Sige na! Umalis na kayo baka abutan kayo ng ulan" nakangiti kong sabi at inihatid sila sa labas. Ngumiti at nag wave naman sila sakin bago umalis.

Pag pasok ko sa bahay ay naramdaman ko nanaman ang lungkot at pag iisa. Hay tiningnan ko na lamang ang wallpaper ko. Isang babae na napaka ganda, napaka bait, napaka mapag mahal at na sa kanya na ang maraming napaka. Sobrang mahal na mahal ko to, si Y/n. Hinalikan ko ang wallpaper ko at saka napangiti.

"See you tomorrow, my love" natawa naman ako sa sarili ko ng tawagin ko siyang 'my love'. Pumasok ako sa kusina at naririnig ko ang tawa niya hay jusko namimiss ko na nga talaga siya.

"Saglit lang tayong di nagkasama, miss na miss na kita. Lakas ng tama ko sayo" ewan ko ba para na kong baliw na nag sasalita mag isa dito. Bat kasi ang layo layo ng taong mahal ko eh. Pero kaya naman namin yun, ako pa ba?

Humiga na ko sa kama namin ni Suga at muling tinitigan ang litrato niya, tinawagan ko siya pero di sumasagot kaya nag voice message na lang ako.

"Hi baby, see you tomorrow. Sana okay ka lang at kumakain ng marami jan, ayokong nagugutom ka eh. Basta ayun, miss na miss lang talaga kita ng sobra. I love you y/n"

Gumising ako ng maaga at nag handa para sa pagkikita naming dalawa. Nag luto muna ako ng makakain at syempre kailangan maayos at masarap. Matapos nun ay sinuot ko ang napaka comportable na damit na ibinigay niya sakin. Tiningnan ko muna ang sarili ko sa salamin bago umalis ng bahay. Dumaan muna ako sa flower shop para bumili ng paborito niyang bulaklak.

"Oh Jin, yung dati pa rin ba?" tanong nung matandang babae sakin.

"Opo manang" nahihiya kong sabi at nag bayad. Inamoy ko muna ang bulaklak bago lumabas ng shop. Nakarating na ko sa lugar kung saan kami mag kikita. Nakita ko kaagad siya. Nilapag ko muna ang dala-dala ko bago ko pagpagin ang damuhan na uupuan ko.

Tinitigan ko siyang mabuti at napangiti naman ako, hinawi ko lahat ng tuyong dahon at damo sa ibabaw ng lapida niya. Sinundan ko nang daliri ko ang bawat letra ng pangalan niya. Inamoy ko muna yung bulaklak bago ko ipatong sa lapida niya na ilang linggo lang ang nakakalipas nang ipatong ito sa ibabaw ng puntod niya. Di ko alam ang gagawin ko, naluluha nanaman ako pero ganun talaga kailangang ituloy bukas.

"See you soon, Y/n"

BTS ImaginesWhere stories live. Discover now