Rach's POV
andameng nangyari noong mga nakaraang araw. akalain mo ba dalawang linggo na ang nakalipas .
mas naging close narin kami ni Mitch mamaya nga may lakad kami pagkatapos nitong klase namin. Pupunta kami dun sa park na gusto niyang puntahan sa hindi ko malamang dahilan.
minsan nga nagseselos na si Aly eh. kasi hinahatid ko pa si Mitch sa bahay nila kapag late na kaming nakakauwi, nakakahiya naman kasi sa mama niya na kung saan saan kami nakakapuntang dalawa at inaabot kami ng gabi. Nagagalit pa yan kasi nakakalimutan ko na daw siya. Eh lagi nga siyang nasa bahay -,-"
pero nagtataka lang ako sa mga nararamdaman ko kapag kasama ko si Mitch. oo nga, girl crush ko siya pero parang may iba, ay ewan.
eto papunta na kami sa pupuntahan namin magkatabi kami dito sa bus. nagulat ako ng bigla na lang siyang humilig sa balikat ko.
nakatulog pala siya. pero ano yung naramdaman ko?
bakit parang may something. napatingin ako sa kanya.
Ang amo ng mukha niya, parang ang lambot ng labi niya. ang ganda ng buhok niya.
Di ko mapigilang tumitig sa kanya. ang simple niyang tingnan ngayon.
Limang minuto na ang lumilipas. tulog pa rin siya napuyat yata siya sa kakabasa dun sa libro ko na hiningi niya.
Malapit na kami kaya ginising ko na siya. napa tingin ako sa mata niya. may pagkabrown yung eyes niya.
Nang matauhan ako, bigla akong tumingin sa ibang direksyon.
"hmm. Rach, bakit?" halatang inaantok pa siya.
"malapit na kasi tayong bumaba" sabi ko sa kanya ng nakatanaw pa rin sa malayo.
nag-ayos na siya ng buhok at nag-polbo
pagkababa namin sa bus stop. nakita agad namin ang napakagandang park.
may mga batang naghahabulan, nag-sasaranggola, nagkakainan, at mga taong nagkakasayahan.
Nakakita ako ng Bike Rental shop kaya niyaya ko siyang magbike. At dahil nakalimutan ko na hindi nga pala siya marunong mag-bike, ito angkas ko siya ngayon habang iniikot namin tong park. Napakaraming halamang namumulaklak at mga punong hitik sa bunga.
Nang maikot na namin ang park ay naglaro naman kami ng saranggola. pagkatapos bumili kami ng makakain at umupo sa may damuhan, nagulat ako ng lumapit siya sa isang grupo ng mga lalaking nagkakantahan, akala ko kung anong gagawin niya -,-"
Manghihiram lang pala ng gitara. at dahil sa pambobola nya pinahiram sa kanya yung isa.
pabalik na siya sa kinauupuan ko.
"Rach! tugtugan mo ako" nagulat ako sa sinabi niya. mga espesyal na tao lang kasi ang tinutugtugan ko at alama yun ng lahat.
"huh?" kunwari hindi ko naintindihan.
"I said play a song for me" nagPuppy eyes pa siya.
"what if i don't?, what will you do?" tanong ko sa kanya, tignan natin kung anong pwede niyang gawin
" I? I will, ahmm? i will leave the squad" kaya niyang gawin yon kapag di ko siya tinugtugan? ang alam ko pinaghirapan niya ang pagsali dun.
" oh, really?"
"ofcourse not, just play ok?" napangito na lang ako
"ano bang kanta?" tanong ko
"your choice" napatungo na lang ako.
i started strumming the guitar, nakatingin lang siya sakin. Hindi ko rin alam kung bakit parang nagsoSlow mo ang paligid.
--now playing " Puzzle of My heart - Westlife"
(a/n. mahilig po ako sa westlife songs)
"its the way she fills my senses, its the perfume that she wears, i think im loosing my defenses, through the color of her hair"
....bakit ito pa yung kinanta ko -,-"
tugmang tugma sa kanya yung bawat salitang mga binibitawan ko.
yung pabango na sa tuwing naamoy ko siya ang naalala ko.
hindi ko siya mahindian kahit na alam kong minsan hindi ko kayang gawin yun.
na hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganto.
"ay.. hindi ko naman alam yan eh. ibahin mo na lang Rach .. hmmm. alam ko na! Just the way you are na lang"
bakit sa lahat ng kanta ayun pa?
hindi na ako nakatangi.
nag strum na ako ng gitara.
" oh, her eyes, her eyes, makes the star look like their not shining. her hair, her hair, falls perfectly without her trying. she's so beautiful and i tell her everyday"
yung maamo niyang mata, yung buhok niya na napakalambot. ano bang nangyayari sakin? bakit ba ako nagkakaganto sa kanya. ano tong nararamdaman ko.?
*Hoy! RACH! tumatawag ako sagutin mo!
ganda ba ng ringtone ko? XD panira din ng moment eh.
"hello? who's this?" nakalimutan ko kasing tignan kung sinong tumatawag eh.
"Si Amy to, we need you badly here" si Amy lang pala.
"huh? bakit anong meron?" nakakapagtaka minsan lang siya kung tumawag sakin.
"Naaksidente bestfriend mo, kailangan ka dito. Nasan ka ba?" ano? bigla akong kinabahan.
" ah, ok sige. text mo na lang kung saang ospital pupunta na ako dyan."
hindi ko alam kung anong gagawin ko.
I ended up the call.
"Rach? Bakit? anong nangyari?"
halata na kinakabahan siya sa mga nangyayari.
"Naaksidente daw si Aly, Im sorry but we have to go now" tumango lang siya at ibinalik na ang gitara.
Pagdating namin sa bus stop buti na lang may dumaan na Taxi. Nag Taxi na kami para mas mabilis.
Mitch's Pov
Nakatulala lang siya ngayon, hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip niya pero isa lang ang alam ko.
Siguradong nagAalala na yan ng sobra sa bestfriend niya.
Madami ng nakakapansin na parang inaagaw ko daw si Rach kay Aly. Pero alam naman ni Aly ang lahat. Alam naman niya na tinutulungan lang ako ni Rach.
"Rach? ok ka lang ba? hayaan mo malapit na tayo" pagbasag ko sa katamikan. "Siguro naman ok na siya."
"Sana nga ok na siya, dahil hindi ko kakayanin kung hindi" sa mga sinabi niyang yun halatang mahalaga sa kanya ang mga kaibigan niya.
"With God on our side I know that she's fine" tumango lang siya.
"Nandito na po tayo".......
.....to be continued.
---*
a/n. sorry po kung hindi pa tapos yung story. ill update as much as possible. pa vote na lang po. :)
BINABASA MO ANG
My Stupid Heart
Подростковая литератураstories of 4 persons who are friends, on their last year in highschool.