Rach's POV
Sa wakas nakarating din kami.
"Manong magkano po?" sabay dukot sa bag ng pera.
"250 lang" inabot ko ang bayad at.mabilis na lumabas.
Pumunta agad kami sa Nurses Corner.
"Ahmm. Miss? Saan room nakaConfine si Mika Alyssa Gomez?"
"sa room 104 po sa third floor"
"ah. sige salamat"
hindi na kami dapat mag-aksaya ng panahon.
pumunta agad kami sa elevator. Hindi ko alam kung ano ng gagawin ko.
Bigla akong hinawakan sa kamay ni Mitch.
"Everything will be fine, keep calm ok?" nakatingin siya direkta sa mata ko. at dahil dun napakalma niya ako.
*TING third floor*
Pagbukas ng elevator agad kaming lumabas. Halos tumakbo na ako kakahanap sa room 104.
Nakita ko si Mark na nakatayo sa harapan ng isang kwarto.
"Rach. bakit ba antagal mo?" may galit sa mata niya. oo alam kong may pagkukulang na ako sa kanilang tatlo.
"kasama ko si Mitch may pinuntahan kami. Ok lang ba siya? I tried my best to come here fast" pagpapaliwanag ko.
"Alam mo bang ayaw niyang ipaalam sayo na naaksidente siya? baka daw kasi maistorbo niya kayo" ano to? pinagtataasan niya ako ng boses?
"Wala kang karapatan na pagtaasan ako ng boses Mark. Unang una hindi ko kasalanan na naaksidente siya at higit sa lahat hindi ito ang tamang oras para mag-away" biglang lumabas ng kwarto si Amy.
"Rach, kanina ka pa niya hinihintay" tumango ako at saka pumasok.
Huminga ako ng malalim at saka binuksan ang pintuan.
Nagulat naman ako ng biglang nagtalukbong si Aly.
"Huhulaan ko. Natatakot ka no? Na makita kitang ganyan? Ano na naman bang Kaengotan ang ginawa mo at naaksidente ka?" bigla niyang inalis ang kumot at lumitaw ang mukha niya na may mga gasgas.
"Eh kasi yung driver namin iniwasan yung aso. ayun nabangga kami sa poste." halatang naiiyak na siya. alam niya kasing magagalit ako sa driver niya.
"Nasaan ang magaling mong driver?" sabay taas ng kilay sa kanya.
"Tinanggal na ni Mommy. Kanina lang" aba magaling.
" O sige. magpahinga ka na . ayokong napapagod ang Bestfriend ko" napangiti siya sa sinabi ko.
lalabas na sana ako ng..
"Nathalie? may itatanong ako. May gusto ka ba kay Mitch. or maybe Mahal mo na ba siya ng higit sa kaibigan?" natigilan ako sa tanong niya. alam konh seryoso soya kasi Nathalie na ang ipinantawag niya sakin.
"Bakit mo naman natanong yan?"
kinakabahan ako ngayon. hindi ko kasi alam kung anong nasa isip niya.
"Napansin ko lang kasi, yung tingin mo sa kanya. Yung way ng pakikitungo mo sa kanya"
hindi ko siya maintindihan.

BINABASA MO ANG
My Stupid Heart
Teen Fictionstories of 4 persons who are friends, on their last year in highschool.