Mitch's POV
Pinakuha niya ako ng gitara.
ahmm. alin kaya dito.
"may i suggest na yung black yung sayo at akin yung brown." sa sinabi niyang yun. kinuha ko yung brown para sakin at yung black sa kanya.
"akin yung brown :P" sabay tawa ng malakas. Napangiti naman siya at biglang inagaw sakin yung brown na gitara.
"tss. yung black ang sayo. matigas kasi strings nito baka masugatan ka" kaya naman pala.
"Ayieeh. ang sweet." pang-aasar ko sa kanya.
"BALIW!" namula siya bigla. ang saya pala ng pakiramdam na ganto. may nagmamahal sayo.
"ahaha. joke lang ito naman" tumabi na ako sa kanya.
tinuro niya ang basic na chords sakin.
tinuro niya rin kung pano magbasa ng tabs, pati yung tamang pag-hawak sa gitara.
minamasdan ko yung galaw ng kamay niya kapag nag-iIstrum siya. Ang galing, ang ganda nung tunog ng gitara.
"oh, ikaw naman ako na lang yata yung naggigitara eh, walang dayaan" binatukan ko siya pagkatapos. nagulat naman siya.
nagulat din naman ako aa ginawa ko eh.
"ahahah. sorry nadala lang ng emosyon. hoy Rachel! bakit ang galing mong magGitara magShare ka naman!" nakakunot pa rin yung noo niya.
kaya lumapit ako sa kanya yung tipong hahalikan siya. ahaha. alam ng lahat na ayaw niyang nagpapahalik kahit kanino.
Bigla siyang tumayo at pumunta aa terrace sabay sumigaw.
"Waaah! Mitch! Bata pa ako wag!" tawa kami ng tawa. as in parang nawala na lahat ng worries niya.
bumalik na yung dati naming samahan sana lang magpatuloy ito.
"ahaha. hindi pwede, kailangan mo to!" hinabol ko siya ng hinabol hanggang sa mapagod ako at humiga ako sa kama niya.
"sabi ko sayo di mo magagawang halikan ako eh" bigla siyang umupo sa tabi ng kama at isinandal ang ulo aa kutson.
Bigla ko siyang hinalikan sa noo. mukhang nagulat siya sa ginawa ko.
Napatitig ako sa mata niya....
Rach's POV
hindi ko alam kung pano ko nakukuha ang lakas ng loob na ito.
masaya ako na ok n kami. sino b namang hindi sasaya sa mga nangyayari dba?
hindi man lang siya nagalit sa mga sinabi at ginawa ko.
Hinalikan niya ako sa noo. at alam kong kinilig ako dahil dun.
napatulala na lang ako sa ginawa niya.
ginulo niya ang buhok ko.
"so are we defined as lovers when we do that?" nagtaka ako sa sinabi niya.
"huh?" hindi ko alam kung anong iniisip niya.
"well, naisip ko lang we can be more than friends if we would like to"
natawa ako sa sinasabi niya. binatukan na naman niya ako -,-"
"Dont you dare laugh at me Rachel Nathalie Lopez!" pagkatapos nun tumawa siya ng malakas.
Bigla akong napatigil dahil sa mga sinabi niya.
"Kasi tingnan mo Rach. we are more than friends dba dba?" napangiti ako sa sinabi niya. hindi ko siya maintindihan.
"ahmm. yes but we are not bestfriends and really we are not lovers ok?. It will be a sin if it goes there." napangiti siya.
"Good. nililinaw ko lang naman. so wala ka talagang plano na magkarelasyon tayo. Yes" anlapad ng ngiti niya.
sa totoo lang ayoko naman talaga na magkaron ng relasyon sa kapwa ko babae. ano ako Tboom? eeww. yuck!
ito lang ang malinaw saming dalawa.
YES, WE ARE MORE THAN FRIENDS BUT NO, WE ARE NOT LOVERS.
... maya maya dumating na si Aly, nahuli nga niyang nagkukulitan kami ni Mitch eh. ang laki ng ngiti niya sakin kaya bigla ko siyang binato ng unan.
"Hoy! anong iniisip mo ha? tumigil ka ah!?" napatawa naman siya bigla. at binato pabalik ang unan.
bigla naman akong niyakap ni Mitch.
"Aly, akalain mo may gusto pala sakin tong bestfriend mo? ahahaha. wag kang mag-alala imposible daw na magkaroon kami ng relasyon." pagkatapos non. tumayo siya at binuksan ang tv.
"MOVIE MARATHON!" sigaw naming lahat.
isa lang ang malinaw ngayon.
TANGGAP AKO NI MITCH. AT SANA DI YON MAGBAGO.
kinuha nila yung mga hard drive na puro pelikula
ano kayang mga balak nilang panoorin.
bumaba muna ako para kumuha ng mga pagkain at inumin. nakakapagid kayang makipag habulan.
kumuha ako ng tatlong bag ng chips pati tatlong soda in can.
nag pop din ako ng popcorn sa microwave.
ano pa ba ang kulang?
ice cream kaya? kaso baka matunaw agad.
fries na lang, kaso magluluto pa ako.
ahahahaha. bahala na nga :)
pag-akyat ko sa taas parang nag-uusap sila
"Mitch, wag mong sasaktan bestfriend ko ah. ahahaha"
"bakit ko naman sasaktan? kami ba? ahahah. oo mahal ko siya bilang kaibigan. oo we are more than friends siguro MU ganun. ahaha. hindi naman malabo kung magkagusto din ako sa bestfriend mo, pero pareho kaming ayaw ng relasyon. mali kasi yun dba?"
"mabuti na yung malinaw"
nagtawanan sila pagkatapos.
pumasok n ako. kunwari wala akong narinig pero sa totoo lang masaya ako sa mga narinig ko.
nagsimula na kaming manuod.
puro horror ang pinili nila. akala mo naman hindi sila takot eh halos takpan na nila yung mukha nila kapag nasa climax na.
ako? hindi ako natatakot bakit?
eh kasi natatawa ako sa mga itsura nila. ahahahaha.
------;*
a/n sorry kung maigsi to ehehe. next story na po yung susunod :)
BINABASA MO ANG
My Stupid Heart
Teen Fictionstories of 4 persons who are friends, on their last year in highschool.