First Love, First Heartbreak (chapter1) s2

30 2 0
                                    

Aly's POV

Its Sunday.

Nagawa na rin namin yung project namin ni Amy.

Masaya ako sa mga nangyayari para kay Rach at Mitch ngayon.

Tanggap ni Mitch si Rach.

"Hindi naman malabong magkagusto rin ako kay Rach, kaso siya na ang nagsabi, it will be a sin if it goes there"

Alam na nila ang limitasyon nila.

alam kong masaya ang bestfriend ko ngayon.

Nandito ako ngayon sa Grocery store kasama ko sila Rach at Mitch. Di mo maitatanggi na ang sweet nila.

Para lang silang magkapatid.

Hindi naman ako nagseselos eh, alam ko naman kasi lahat.

napahinto ako sa nakita ko.

SIYA BA TALAGA YUN?

si Shawn Alexis Torres. ang team captain ng varsity team.

kababata ko yan. nung bago pa kami lumipat sa east ville. siya yung lagi kong kalaro at kasama dati. pero simula nung umalis kami.

nawala na rin yung friendship namin.

flashback...

"Alex, aalis na kami sana magkita pa tayo ulit. Hindi kita kalilimutan"

"Mika! kapag nakita kita ulit promise ko magiging tayo!"

ayan din ang pinanghahawakan kong pangako niya sa nakalipas na 5 na taon bago ako mag2nd year highschool.

Nakita ko siya ulit nung nagtransfer siya sa school namin.

maraming nagbago sa kanya.

mas gumwapo siya

mas pumuti

mas tumangkad.

Pero nalungkot ako nung nalaman ko.

na may gusto pala siya kay Rach.

Matagal niya nang nililigawan si Rach. Pero ayaw siyang sagutin nito kasi nga alam ni Rach na May gusto ako kay Alex at alam niya yung tungkol sa pangako...

Hanggang ngayon di pa kami nag-uusap tungkol dun sa pangako niya.

Kasama niya ngayon yung mga ka teammates niya. ayun si Mark.

Mukhang kakagaling lang nila sa Practice.

"Hoy!" napatalon ako sa gulat."Kanina ka pa namin tinatawag ni Mitch. Ano bang tinitingnan mo dyan ha?"

"ahmm. wala wala. may iniisip lang"

pag papalusot ko.

mukha namang nakumbinsi ko siya kaso..

"dba si Alex yun Rach?" napatingin si Rach dun sa tinuturo ni Mitch.

pagkatapos nun.

"Now i know." nginitian niya ako ng masama.

bigla siyang sumigaw.

"Hoy! Alex!" napalingon tuloy sa pwesto namin yung buong team.

ito namang si Alex ang laki ng ngiti. Porket ba ang babaeng gusto niya ang tumawag sa kanya?

lumapit samin yung team.

"Hi Rachel, bakit?" mukhang masaya siya na nakita niya si Rach.

"Wala lang. ahm actually pala kelangan kasi ni Aly ng katulong na magBitbit nitong mga pinamili niya. May pupuntahan pa kasi kami ni Mitch kaya pwede bang samahan mo siya or ihatid mo siya. Please" sabay ngiti ni Rach.

"ah, eh. cge cge tutal along the way naman eh" mukhang napilitan lang siya.

"cge. thankies bye!" sabay ngiti sa kanya ni Rach.

nagbayad na ako sa counter.

----

ito kami ngayon papunta sa parking lot.

hindi kami nagsasalita.

"ahmm. Mika?"pagbasag niya sa katahimikan.

"bakit?"  its been how many years since nung huli niya akong kinausap

"sa tingin mo? may pag-asa kaya ako kay Rach?" sa mga salitang yun. parang gumuho ang mundo ko.

"ahmm. ehh? hindi ko alam eh." ang sakit. sobra. parang tinutusok yung puso ko .parang dinudurog .

"ganun ba?" binuksan niya yung pintuan ng kotse.

pumasok na ako.

hindi na ako sumagot. baka kasi kubg ano na yung lumabas sa bibig ko eh.

nakatulala lang ako buong byahe.

pinagmamasdan ko yung mga bahay at puno.

hindi ko maiwasang maisip yung mga nangyari kanina. yung nga salitang narinig ko.

bigla ko uling naramdaman yung sakit.

"Mika, nandito na tayo" binuksan ko na ang pintuan at lumabas.

"salamat. sige una na ako" tumalikod na ako at pumasok na.

nilagay ko lang yung mga pinamili sa kusina. wala na naman si mommy.

pumanik ako sa kwarto ko.

tumingin sa salamin.

ano bang meron si Rach na wala sakin. matangkad naman ako. maputi at maganda. Oo mas attractive si Rach. may pagkaBoyish look kasi yun ba parang ang astig. at ang cool niya.

kaso ......

--

hindi naman ako galit kay Rach na sa kanya may gusto si Alex kasi wala naman siyang gusto kay Alex.

ang hindi ko lang matanggap. bakit niya nakalimutan yung pangako.

  oo bata pa kami nun. pero sa totoo lang may nararamdaman na ako para sa kanya.

sabihin man nating imposible. pero oo. mahal ko na siya nun.

...binuklat ko yung diary ko at nagsulat.

dear diary,

        nagkita kami ngayon. kinausap niya ako. kaso ang sakit sakit lang.

bakit kasi sa bestfriend ko pa.

      sana bukas wala na tong sakit na ito. baka kasi di ko na kayanin ....

----to be continued

an.sorry po kung matagal at maikli tong update... busy lang po.

pavote po thanks. :)

My Stupid HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon