ALY's POV
ang sakit ng ulo ko. dahil siguro napuyat ako kagabi kakaisip. Ayoko pa sanang gumising kaso monday na ngayon, agad akong pumunta sa banyo para mag-ayos. pagkatapos kong maligo ay nagsuot na ako ng uniform. ngayon nga pala yung presentation day ng project namin sa arts.
pano ko kaya i pePresent yun?
bumaba na ako sa kusina. ang bango ng pagkain siguradong madami akong makakain ngayon :D kailangan kong kumain ng marami para mamaya.
ano bang meron ngayon?
ahmmm... fried bacon, ham, egg, hotdog, pancakes? owehmgie PANCAKES!! <3
wahahahahahah,, patay kang pancakes ka!
pampawala ng stress ko ang pancakes kaya akin kang lahat.
---
nandito n ako sa school andito na rin si Rach pero wala pa yung iba.
lumipas pa ang ang ilang minuto at halos lahat kami ay nandito na pero wala pa rin sila Mark at Alex.
hayy.
Dumating na ang teacher namin sa arts at malapit na naming ipresent ang project namin. bunutan daw kung sinong una .
at nauna sila Rach ready naman yan eh pwera lanh sa kapartner niya na hindi rin alam kung anong dinrawing ni Rach.
Rach's Pov
una kaming magpepresent
hindi.naman ako kinakabahan sa pagrereport pero kinakabahan ako sa magiging reaksyon nila kapag nakita nila yung drawing ko.
sana lang...
maapreciate niya..
"ahmm. good morning everyone, here is our project. actually ako lang ang gumawa nito kaya siguro masusurprise din yung kapartner ko" i took a deep breath then.
pinost ko sa board yung drawing.
natigilan silang lahat kaya nagsalita na ako.
" yung napili ko kasing theme for our project is natural beauty or simplicity, kung titignan niyo yung drawing,
you will see how plain the subject is but somehow, when you look closer, you will see the true beauty that is beyond every little thing on earth, the beauty that only a few can see, only few can appreciate but a beauty that nothing can surpass, beauty that is randomly seen by the eye but always seen by the heart of a true viewer" ngumiti ako pagkatapos at saka tumingin kay Mitch. hindi ko alam kung anong reaksyon niya.
ikaw ba naman makita mo yung portrait mo sa wall
nagpalakpakan yung iba naming classmate pati na rin yung teacher namin pero blangko pa rin yung mukha ni Mitch.
pabalik na sana ako sa upuan ko ng.
"ahmm guys. ehehe. may ginawa din kaso ako kaso hindi kasing ganda nung ginawa ni Rach. eeeh." tapos may nilagay siya sa board.
drawing ng kamay na magkahawak.
"ang explanation ko dito is, when you see this or look at it you will probably think of two persons being inlove with each other but no one knows what this really is besides the artist ofcourse. i have drawn this because i have someone who loved me even seeing me at my worst. im very thankful to have a very special someone like her. although this seems to be confusing. i love this person kahit na kamay lang namin yung na idrawing ko hehehe. di kasi ako kasing galing niya. tingnan niyo siya na drawing ako tapos kamay lang niya yung sakin :3" napangiti ako sa sinabi niya tapos bigla silang. nag
"yieeeeeeeh!" sabay sabay pa talaga sila.
"ok class, next is Amy and Alyssa" pagwasak ng teacher namin sa moment. panira eh. kinikilig pa ako xD
Alyssa's Pov
kami na pala ni Amy.
pinost niya na at sinenyasan ako na magsimula na. ang drawing namin
basag na baso.
"siguro nagtataka kayo kung bakit basag na baso diba?"
huminga ako ng malalim saka nagsalita ulit
"tulad ng isang magandang baso ang isang pangako ng tao, syempre sa una matutuwa tayo dahil sabihin na nating may nangako sayong mamahalin ka hanggang sa huli. diba parang ang saya sa pakiramdam para lang din na nakakita ka ng magandang baso pero isang araw malalaman mo na lang na basag na pala yung baso. nasira na pala yung pangako" hindi ko napigilan pero may tumulong luha galing sa mga mata ko
masakit lang kasi na yun mismo ang nangyari sakin.
nahalata yata ni Amy kaya siya naman ang nagsalita.
"sabi nga nila promises are made to be broken, pero bakit pa nga ba tayo nangangako kung hindi rin naman natin tutuparin. parang yung baso lang din. kahit na buuin mo pa ulit. hindi na yan tulad ng dati. may lamat na yan."
nagpalakpakan naman yung mga kaklase ko.
napatingin ako kay Alex pero wala, wala siyang reaksyon
mukha man na ako ang naghahabol sa kanya pero wala akong magawa.
Mahal ko siya pero bakit ba antanga tanga niya.
mahal ko siya pero pinaasa niya ako sa wala.
umupo na kami... marami na ring sumunod samin na nagpresent.
sunod na si Mark at Alex.
hindi naman kabigla bigla na nagdrawing sila ng bola at ang tanging eksplanasyon niya.
para daw paglalaro ng basketball ang pagmamahal niya kay Rach. si Rach naman walang pakielam.
hayyyst
dapat kasi ako na lang
-----to be continued
an/ waaah sorry po kung maigsi at matagal po yung update. part 1 palang nmn po ito nabura po kasi yung iba..
BINABASA MO ANG
My Stupid Heart
Teen Fictionstories of 4 persons who are friends, on their last year in highschool.