"Elle wake up! Elleeeeeeeeee wake the hell uppppp!" tinignan ko kung sino yung gumigising sakin. Gusto kong sapakin.
DREW.
"Anong kaylangan mo? Get out please."
"Ikaw ang kaylangan ko." Napalaki mata ko sa sinabi nya.
"Joke laaaaaang! *peace sign* pinapagising ka ng Kuya mo. Bibisitahin natin yung tropa naming kakauwi lang. Tapos aalis daw." hindi nako nagreklamo. Katamad eh.
-
-
"Kuya san na ba yang sinasabi nyo? Tagal ah." naiinip nako. Kanina pa kami sa kotse, antagal lumabas ng paVIP na yan.
"Sorry guys, yung kapatid ko eh. Sorry to keep you waiting." Yun. Kala ko magtatagal pa eh, tsk. Ikarate chop ko mukha nya -.-
"You better be." sabi ko. Napatingin naman ang lahat sakin. Theyre glaring at me. Whuuuut?
"Ano? Did i kill somebody? Inosente ako." nginitian lang ako nung kaibigan nilang nakashades. Taas ng araw brader.
"Elle, be nice to him. Di mo naman kase pinagexplain eh." Ano daw?
"The heck are you talking about?" Umiling sya at tumingin na sa kabilang side.
Kinalabit ko si drew.
"Psst drew, sino yun?" He gave me a seriously-di-mo-sya-kilala-at-di-mo-manlang-tinanong-kuya-mo look. Bumuntong hininga sya.
"Yexel." tumango ako at tumahimik na. Kapangalan nya si assmole. Pero impossible. Ampogi neto eh, tapos yung boses. Arghhh. To die for.
"So, where are we going yexel? Yexel diba?" tanong ko. Tumingin naman sya sakin at tinanggal shades nya.
NO FREAKIN WAY.
i take back everything i said. Joke lang lahat ng yon.
Nanigas ako sa kinauupuan ko.
"Enchanted Kingdom" sabi nya ng walang emosyon. Ge.
"I told you to be nice to him right? Tignan mo ngayon nanigas ka tuloy sa upuan mo" tumawa sya ng mahina. Lupa, lamunin mo nako please.
"Bat hindi mo sinabi na sya pala yun?" nasira na mood ko. Ang tanga ko. Tropa nga pala sila ni Kuya Red.
"Surprise?" inirapan ko nalang sya at natulog......
-
"Ginisingin nyo na par, sya nalang nasa kotse oh." hmmmm, ang ingayyyy..
"Ikaw na yexel, ayieeeee hart hart"
"Ulol. Kayo nalang. Baka masipa pako nyan." nagsitawanan sila. So ganun kabayo ako?
Nagulat sila ng bigla akong umayos ng upo at kinuha na gamit ko. At dumiretso sa entrance.
"Uy elle, kami na magbayad." offer ni Kuya. Di nako nagsalita at hinayaan sila. Mga pwet.
Pumasok na kami tapos nagsarili na sila. So ganun iwan ako? Bahala na nga sila kakain nalang ako.
Pumunta ako sa lugar kung san may pagkain tapos yun. Kumain nako. Alangan namang magbreak dance!?
"Bakit magisa ka lang?" Lumingon ako. Tss.
"Kase hindi ako dalawa. Duh." umupo sya sa harap ko.
"Kamusta ka na?" Nakangiti nyang sabi. Nangaasar ba to?
"Tigilan mo nga ako Yexel. Ano ba kaylangan mo?" Napalaki mata nya sa sinabi ko. Such a tarsier.
"Kinakamusta ka lang eh, bawal na ba?" i can feel sadness in his voice. Nek nek nya.
"Ewan ko sayo, nasan na ba sila?" tanong ko habang linalaro yung pagkain ko.
"Horror House, sama ka?" di naman ako matatakutin kaya sumama nako.
Inuunahan ko sya maglakad kaso inaabutan parin nyako.
"Yexel diretsuhin mo nga ako, bakit ka ba bumalik?" Naiirita ako kase alam kong gusto ko pa sya. Argh.
"Its for me to know and for you to find out." Napanganga ako. Laos na yang line na yan eh!!!
Tumahimik nalang ako. Nung nakarating kami nakita kong naghihintay sina Kuya Red.
May kakaiba sa aura nya.
Huhu takot ako. (•ิ_•ิ)
RED DAMIAN's POV.
Naghihintay kami dito sa horror house ngayon. Tagal ni Yexel.
Nung dumating sila umayos na kami ni Drew. Alam nya plano namin ni Yexel eh. Huahuahua!
"Tinatayo-tayo nyo jan? pasok na!" Ah so matapang ka na ngayon elle ah.
"Una ka na, tapang mo eh." nauna naman sya. Nasa likod lang kami.
OPERATION: MAKE ELLE FALL INLOVE WITH YEXEL AGAIN.
OPLAN #1: SIGURADUHING MATATAKOT SI ELLE AT MAPAPAYAKAP KAY YEXEL. BAKA SAKALING BUMALIK FEELINGS NYA. HEHE. SORRY ANG HABA NG TITLE, BULOK I KNOW. SI SEF PUMILI. GE.
Nagtataka na siguro kayo kung bakit namin gusto paglapitin yung dalawa hahaha. Next time ko na explain nasa loob na kami eh.
Nauuna parin si elle.
Maya maya may lumabas na tyanak at hinawakan si elle sa paa.
"Ibalik kita sa sinapupunan ng nanay mo eh." napaatras naman yung tyanak sa sinabi ni elle. The fuck? Mas takot pa tyanak sa kanya!
"Hahahahahahaha! Epic!" Rinig na rinig tawa ni Sef. Binatukan ko sya at yun, tumahimik naman.
"Shut up dude." Umirap lang sya. Kabisado nanamin to, si elle lang ang hindi.
Next may lumabas naman na lalaking nakabarong.
"San lamay? Di moko inimbita, bad ka ah. And btw. Nice make up." sabi nya at dumiretso na.
"Pare ano ba yan, bakit hindi sya natatakot?" Nagtataka rin ako. Im 101% sure that she's a scaredy cat.
"Ang alam ko takot sya dyan eh."
"Ilang taon ba sya nun?" nagisip ako
"10" nakita kong yumukom kamao nya (tama ba term? haha.) Uh oh.
"Pasensya naman dude! Hahaha!" hinabol na namin sya, ang layo na nya eh.
Nakarating na agad sya sa last, yung lalaking may hawak na kutsilyo.
"Ano ano? Kaya mo? Sige saksakin moko!" Napaatras din yung nananakot. Hay elle. Bat ka ganyan. Siguro you're friends with the monsters that's under your bed. Kaya di ka na natatakot. (HAHAHA SEE WHAT I DID THERE?)
Pagkalabas namin tawa ng tawa si Drew at Sef. Si elle naman pokerface lang. At si Yexel, well he looked pissed.
OPLAN #1: FAILED
BINABASA MO ANG
PAPER HEARTS
Short Story*CURRENTLY EDITING BC IDK* I knew the second i met you that there was something about you i needed. Turns out it wasnt something about you at all. It was just you.