YG 3 - Last Five Days [ o n e ]

883 21 0
                                    


Y N A

Last Five days

DUMAAN ang ilan pang oras, at napagdesisyunan 'kong magsimula ng maglakad patungo sa school. Sinalpak 'ko ang dala 'kong earphone sa phone 'ko at nilagay ito sa tainga 'ko, shinuffle 'ko iyon at hinayaan kung ano mang kanta ang tumugtog.

It's how you used to say
I love you and I miss you
It's how you pretend to love me then
When you wandered off the things we've done before
Now it's too late to turn back anymore

Napa-hum ako habang naglalakad, sinasabayan ang pagtugtog ng kanta. Ilang minuto pa ay nakarating na rin ako sa school, pagkadating 'ko sa ground ng new building ay may nakita akong maliit na stage, may microphone, speakers, player at may nagm-manage na staff doon.

Habang naglalakad patungong 3rd Floor ng New Building ay kinakabahan ako. Hindi 'ko mawari kung bakit, pakiramdam 'ko may mangyayari. Ngunit sana wala.

"YNA"

Lumingon ako sa tumawag sa akin.

"Kuha ka ngang warm water sa baba." Utos ng kagrupo 'ko sa akin, tumayo naman ako at bumaba na. Una 'kong napuntahan ay yung New Canteen kaso sarado, kaya nagpunta akong Old Canteen.

Habang naglalakad nakarinig ako ng tawanan sa loob ng canteen, bigla akong kinabahan. Hindi 'ko alam kung bakit, dahan-dahan akong naglakad, nasa-may pinto na ako, ng makita 'ko silang naglilinis. Maski si Haiden at Simon.

Papasok dapat ako ng biglang akbayan ni Haiden ang katabi niyang babae, bigla namang naghiyawan at nagtawanan ang mga kasamahan niya. Bigla itong lumuhod, hindi 'ko man masyadong marinig kung ano ang tinanong ni Haiden. Pakiramdam 'ko alam 'ko na.

Bumilis ang tibok ng puso 'ko, unti-unting nadudurog, nakatitig lang ako sa kanila ng biglang tumayo si Haiden at niyakap ang babae.

Nakatitig sa kanila, siguro nga gagawa't gagawa ng paraan ang tadhana, para lumayo kami sa isa't isa. Nabaling ang tingin 'ko kay Kuya Simon, nakita 'kong nakatingin siya sa dereksyon 'ko, sa akin. Mabilis 'kong pinahid ang luhang tumutulo mula sa mata 'ko, at tumakbo papaalis, baka makita pa niya ako at ng Girlfriend niya.

Tumatakbo na naman ako, habang pinapahid ang luha. Umakyat ulit ako papuntang 3rd Floor, may mga estudyanteng lumalabas at nakita ako. Hindi 'ko sila pinansin at nagtuloy-tuloy papunta sa room namin.

Binuksan 'ko ang pinto kaya ang ibang atensyon ng mga kaklase 'ko ay napunta sa akin, mabilis 'kong nilapag yung perang pambili sana ng tubig, at dali-daling lumabas ulit hindi pinansin kung makita man nila ako. Pumunta ako sa CR, nagtago sa isa sa mga cubicle. Umupo at doon umiyak.

Nakakapagod, nakakapagod din palang umiyak. Umiyak ng hindi niya alam, na nasaktan ka na pala niya. Na napaiyak ka na pala niya. Nakakapagod umasa na baka, baka isang araw matupad lahat ng gusto mo. Matupad kung anong gusto mo.

Nakakapagod, nakakapagod ngumiti ng panandalian. Iiyak, tatawa, at iiyak ulit.

L Y K A

PAGKAALIS ni Yna, ay tumingin ako kela Rhose at Rina. Walang sabi-sabu ay pinuntahan namin siya, sa CR. Pumunta ako sa nagiisang cubicle na sarado.

"Yna?" Sabi 'ko. Bumukas naman ang pinto. "Baki—" Naputol ang sasabihin 'ko ng bigla niya ako yapusin at humagulgol sa balikat 'ko.

"Masyadong masakit.." Sabi niya, hinimas-himas 'ko ang likuran niya. Habang patuloy pa rin siya sa pagiyak. "Na-na-nakak-kapagod din p-palang u-uma-asa.. umasa a-ako eh, u-umasa ako n-na pw-pwede. Pero, b-bakit–b-bakit gano'n?" huminto siya kaya napatingin ako kela Rina.

Years GapWhere stories live. Discover now