YG 8 - Last Three Days [ t h r e e ]

710 20 0
                                    


Y N A

Last Three Days..

"Dahil, kasama na niya si Alexa. Pumunta silang San Fransisco, at doon na sila titira. Kaya, kuya wanted me to look after you. He wanted me to check on you, because he loves you. That much.."

Ang saya, talaga naman palang hindi 'ko siya makikita dahil sa wala na siya dito. Kailan pa?

"Kailan siya umalis?"

Napatingin siya ulit sa akin, "Nung araw na sinugod ka ni Alexa"

Sinunod niya ang gusto 'ko.. Pero ayun ba talaga ang gusto 'ko? Hindi ba pwedeng kabaliktaran lang nu'n? Hindi niya ba naisip na ang gusto 'ko akin siya? Bakit ba nagkaganito? Dahil sa kasalanan 'ko..

"Sabihin mo sa kanya, salamat. Sa ilang taon naming magkasama, sabihin mo ring namimiss 'ko na siya. Yung mga ngiti niya, na noon 'ko pa kinaadikan. Simula nung bata pa kami. Tayo. Sabihin mong mahal 'ko rin siya. Pero hindi 'ko magagawang palitan siya, sa buhay 'ko."

Yumuko ako, bago tumayo. Wala akong narinig na kahit anong ingay mula kay Ron, mukhang nahalata na niya.

*KRIIIINGGG*

Tumunog ang phone 'ko kaya napahinto ako, sa paglalakad.

Kuya Dino Calling..

Accept | Decline

I answer the call.

"Ma'am, nandito na kami sa tapat ng locker room ninyo. Pinapakuha na ho kasi ni sir Mio."

Eto na siguro 'yun. Ang dami na rin palang naipon na alaala sa lugar na 'to. Ang daming mga alaalang gusto 'kong balik-balikan. Alaalang mananatiling alaala na lang, tapos na talaga siguro lahat.

"Ma'am?"

Nabalik ako sa reyalidad ng magsalita si Kuya Dino sa kabilang linya. Kausap 'ko pa pala siya.

"A-ahh, sige kuya. Kunin niyo na po."

"Sige, ho ma'am."

Binaba 'ko ang tawag bago bumuga ng hangin. Hindi man ako umiyak, pero alam 'ko sa sarili 'kong nasasaktan ako. Lalo na't aalis pa ako.

Ito na siguro yung pinakamalungkot na araw na nangyari sa buong buhay 'ko. Ang umalis ng hindi nila alam na hindi na ako babalik, at ang malamang ang taong mahal mo ay mas pinili ang iba.

"tinulak mo kasi, palayo.."

Napatingin ako sa nagsalita. Mio.

"Ayan ikaw tuloy ang nagdudusa. Remember what I've said to you two years ago? Don't made a decision if you think you'll regret it after." bumuga siya nang malakas na paghinga, "but, you didn't listen to me. I guess."

"Sorry. I've been careless these past few days. I don't know, I just want him to be with me. Pero mukhang hin—"

Naputol ang sasabihin 'ko ng may biglang tumugtog.

"Hanggang kailan ako maghihintay na parang bang wala nang papalit sayo"

Lumingon-lingon ako hanggang sa mahanap 'ko ang speaker. Doon nanggagaling ang tunog, someone is singing.

Inabangan 'ko ang susunod na kanta, ngunit nanatili itong instrumental.

R I N A

Years GapWhere stories live. Discover now