YG 4 - Last Five Days [ t w o ]

826 21 9
                                    


Y N A

Last Five Days..

KINABUKASAN, maaga akong umalis ng bahay, at dumeretso sa may 7/11 sa tapat ng school namin. Dumeretso agad ako sa Coffee Blend, kinuha 'ko yung red cup at pinindot yung Hot Hershey nang mapuno ay dumeretso ako sa counter para bayaran.

Pagkatapos ay umupo ako sa bakanteng upuan sa loob at humarap sa labas. Habang nagpapalipas ng oras, ay may nakita akong dalawang pamilyar na pigura. Tinititgan 'ko lang ito, hanggang sa malaman 'ko kung sino sila.

Tila ayaw ng maya 'kong makita sila kaya bigla itong pumikit ng mariin at tumingin sa kawalan, huminga ako ng malalim at hinigop ulit yung Hot hershey 'ko.

Maya-maya pa, ay biglang bumuhos ang ulan, kalahati 'ko pa lang ang iniinom 'ko ng mapagdesisyunan 'kong pumasok na. Lumabas na ako habang hawak-hawak ang cup, at kinapa ang bag 'ko para sa payong.

Kapa ako ng kapa, nagtataka bakit parang wala. Binuksan 'ko ang bag 'ko at hinanap ang payong 'ko..

ANAK NG?!

Geez, wala akong dalang payong. Tinignan 'ko ang relo 'ko, at ilang minuto na lang ang natitira, kaya hinarap 'ko na ang bag 'ko at inubos ang iniinom 'ko. Tinapon 'ko iyon sa basurahan bago sumugod sa ulan at tumawid para makapasok sa loob. sa sobrang lakas ng ulan ay basang-basa ako ng makapasok ako ng tuluyan sa loob ng school.

Habang naglalakad ay napagdesisyunan 'kong magelevator na lang, basang-basa buhok 'ko at mukha 'ko nang biglang bumukas ang pinto ng elevator, pumasok ako.

May pumasok, na lalaki. Nang mamukhan 'ko kung sino ay umiwas ako ng tingin. Alam 'kong nakita na niya ako, kaya umiwas na rin ito ng tingin. Sumarado ang pinto ng elevator, at kaming dalawa lang ang Nandito.

*ACHING* *ACHING*

Bigla akong nabahing, at nakaramdam ng lamig. Pinagmasdan 'ko ang mga palad 'ko, nanginginig. Ang lamig, nilalamig ako.

*ACHINGGG* *ACHINGG*

Muli akong bumahing, bigla akong nakaramdam ng yakap. Tinignan 'ko siya, nakita 'kong pinindot niya ang button na may nakaukit na Stop. Binagkiskis niya ang kanyang palad bago ilagay sa pisnge 'ko, bumilis ang tibok ng puso 'ko naramdaman 'kong uminit ang buong mukha 'ko kaya napayuko ako ng wala sa oras.

Narinig 'ko siya tumawa ng mahina kaya, pilit 'kong kinalas ang mga braso niya at umupo sa sahig pilit pinaiinit ang katawan, nararamdaman 'ko ang mga titig niya ngunit binalewala 'ko na lamang, at pinagpatuloy ang pagiinit sa katawan 'ko.

*BLAG*

"WAAAAAAHHHHHHHHHH" Sigaw 'ko at napayakap sa kanya, mahigpit ang yakap 'ko ng dumilim ang paligid. Halos wala akong makita, sa sobrang dilim. Pero alam 'kong nakatingin siya sa akin, habang yakap-yakap 'ko siya-TF?!

Dali-dali akong umiwas, pumikit ako at sa pagdilat 'ko ay yumakap ulit ako sa kanya, "nakakarami ka na, ah." Tipid niyang sabi. Binalewala 'ko 'yun.

"T-takot kasi ako sa d-dilim" sagot 'ko, pilit pinipigilan ang pagutal ng boses 'ko. Naramdaman 'ko ang palad niyang nasaulunan 'ko pababa sa balikat 'ko.

"h'wag kang matakot, nandito naman ako." Aniya, pero hindi pa rin ako umalis sa pagkakayakap sa kanya. Hanggang sa sinabi niyang uupo lang siya, umupo na rin ako at sumiksik sa kanya. Hindi 'ko siya niyakap ulit bagkus ay niyakap 'ko ang sarili 'kong tuhod at pinatong doon ang noo 'ko.

Years GapWhere stories live. Discover now