YG - Special Chapter

715 17 2
                                    

This Special Chapter is dedicated for skybloomed

Y N A

Yakap-yakap 'ko si Haiden at gano'n din siya, Natapos na ang proposal niya, at nandito na kami ngayon sa loob ng eroplano. Kasama si Kuya, at—

"HOY, YNA! KANINA KA PA NAGD-DAY DREAM DYAN. TIGILAN MO NA NGA YANG, YEARS GAP YEARS GAP NA 'YAN! MAL-LATE NA NAMAN TAYO SA NEXT SUBJECT EH! KUNG GUSTO MO SIYANG MAKITA PUMUNTA KA SA BABA. DOON MAGSAWA KANG TITIGAN SIYA, AT MAGDAYDREAM SA HARAP NIYA. GIGIL MO 'KO!" Narinig 'kong sigaw ni Lyka sa akin, habang nakatitig. Inirapan 'ko lang siya at tumayo na, nagsimula na akong maglakad. Hays.

Bakit ba kasi hanggang Day Dream na lang?! Ang ganda na sana nung part na 'yun. Kaso mukhang titigilan 'ko na nga talaga dahil magbabakasyon na.

Paakyat kami at sakto ay nakasabay nin ang section namin na papaakyat, kaya sumingit na kami bago pa mahuli ng Teacher.

FLASHBACK

6:45 AM


6:45 na pero nagaayos pa rin ako. Nak ng mal-late na naman ako, jusko. Kung kailan ilang araw na lang at matatapos na ang school year ay ganito pa. Mabubungangaan na naman ako ne'to.

6:55 saktong 6:55 ay inaya 'ko na si Papa para umalis, at pumunta sa school.

Ilang minuto pa at 7:00 na. Sakto rin ay nakarating na ako sa school. Bumaba ako ng huminto ang Motor. Oo, motor ang pinanghahatid ni papa sa akin. Pumasok na 'ko sa loob at nakita 'ko si Kenneth iyong Crush 'kong Grade 10. May sasabihin na naman ako kay Lyka! HAHAHAHAHA.

Nang makapagtap na ako ay dumeretso na ako sa hagdanan at sa hindi 'ko inaasahan ay nakasalubong 'ko yung isang Crush 'ko pa na Staff ng school na 'to.. Si kuya Haiden! Omo.

END OF FLASHBACK

Kwento 'ko kay Lyka, na pinapunta 'ko ngayon sa tabi 'ko. Kanina pa ako nakangiti at kinikilig, buong-buo na naman ang araw 'ko.

Lunch na, at ibig sabihin ay bababa na kami, magd-duty sa clinic. Kasama 'ko sina Lyka at Rina, si Rhose hindi naman kasi member ng Red Cross Youth 'yun kaya hindi namin kasama.

Nang makababa kami sa Clinic ay madaming pasyente kaya tumulong na kami, ako ay dumeretso sa isang batang may sugat at nilinis ang sugat nito. Si Lyka ay doon naman sa isa, habang si Rina ay siya ang nagf-fill up ng card ng mga bata. Ganito kami ng isang taon, at kapag nagutom sila pupunta silang Old Canteen.

Katulad na lang ngayon. "Tara kain tayo." Narinig 'kong sabi ni Rina, "Tara, sa old canteen." Napangiti ako kasi alam na nila kapag Old canteen ay makikita 'ko yung crush 'ko.

Tumanggi ako at sinabing sila na lang, kaso sumama na rin ako at nung paliko na kami ay nakita 'ko si kuyang Epal siya si Simon sa YG. Nang makita niya ako ay dali-dali siyang bumalik sa loob ng Old canteen at sinigaw ang pangalan ni Haiden.

"HAIDEN!" At tinuro ako, buti na lang at 'di ako nakikita ni kuya. Hanggang sa pumasok sina Lyka at Rina, at lumabas naman si Kuyang Epal

"Bakit ayaw mong pumasok sa loob?" Nakangiti niyang sabi, nakangiti na rin ako. Ewan 'ko ba, hindi 'ko siya pinansin. Hanggang sa narinig 'ko ang sinabi niya na nagpasalita sa akin.

"Crush mo, iniiwan mo."

"Ewan 'ko sa'yo kuya!"

Papasok dapat ako sa Old Canteen kaso may Teacher na bumaba galing New, pinapaakyat ako kaya naglakad ako palayo sabay kaming naglakad ni Kuyang epal

"Isang araw paglalapitin 'ko kayong dalawa." Bigla niyang sabi, kaya napalapit ako sa kanya at kinurot siya. Napaaray naman 'to pero hindi 'ko pinansin, dumeretso na ako sa New Canteen at nakita 'ko doon si Lyka at Rina.

Tumakbo ako patungo sa kanilang dalawa at kinwento ang nangyari, habang nagk-kwento.

"HALA!" Napasigaw ako sa nakita 'ko.

Kaya napalingon na rin sina Lyka at Rina, nakita 'ko si Kuyang Epal at Si kuya Haiden na umakyat at patungo sa tubigan. Hala! Bakit?!

"Teh hinay-hinay lang. HAHAHAHAHAHA" Narinig 'kong sabi ni Lyka kaya napanguso ako at napayuko habang nakangiti.

Narinig 'ko namang nagsalita isa sa mga kaklase 'ko si Lia, "Yna, Si kuya D.O oh. HAHAHAHA" Napapikit ako habang nakangiti, kaya ayokong nagsasabi ng crush eh! Huhuhu.

Natapos ang pangyayaring 'yun, at uwian na. Dumeretso ako uwi, at humiga sa kama.

Siguro hanggang panaginip na lang talaga—no, mali. Panaginip naman talaga. Hindi rin naman ako umaasa, kasi, ewan 'ko. Mas okay na siguro yung ganito. Napapasaya niya lang ako. Tsaka mawawala rin naman siya, dadaan lang siya sa buhay 'ko para pasayahin ako at aalis din. Pagdating ng panahon.

Mananatiling panaginip ang lahat, walang Years Gap na naganap, sa totoong buhay. Hindi nage-exist ang mga pangyayaring gano'n sa totoong kwento ng kabanata 'kong ito. Mananatiling kathang-isip ang lahat, ngayon ipapaubaya 'ko na lang siguro sa tadhana lahat. Siya na ang bahala sa lahat, sa mga mangyayari sa susunod na kabanata ng buhay 'ko.

Ako si Yna Alonzo, na sinasabing sa mundong ito, walang storyang nage-exist. Lahat ay kathang-isip lamang. Ayun lamang, salamat!

—————

✨ Ayun, ito ang tunay na Plot Twist HAHAHAHAHAHAHAHA. Hanggang dito na lang talaga, Salamat sa mga sumuporta kahit wala. Joke HAHAHAHAHAHAHAHAHA.

Salamat sa inyo, hanggang sa muling panaginip! Paalam 🌈

Years GapWhere stories live. Discover now