YG 6 - Last Three Days [ o n e ]

670 21 0
                                    


Y N A


Last Three Days..

ISANG normal na umaga para sa iba, isang mahinahong umaga para sa lahat. Ngunit, ibahin mo ako. Ngayong umaga, siguro'y ang pinakamasaya ngunit nangingibabaw ang lungkot.

Isang umagang walang gana.

"Yna, okay ka lang?" Narinig 'kong may nagtanong, kaya napalingon ako sa gilid kung nasaan ang pintuan. Nakatayo doon ang kapatid 'ko si kuya Mio.

"H-ha?" Ang tanging nasagot 'ko. Aamin ako, ng marinig 'ko iyong sinabi ni kuya sa akin kahapon ay buong gabi na ako walang gana, wala sa sarili.

Sumasabay pa ang unti-unting pagbalik ng mga alaala 'ko. Mga alaala namin, na ikinagugulat 'ko minsan.

"Ang sabi 'ko kung okay ka lang? Kanina pa kita tinatawag." Huminga muna ako, bago tumayo. "Handa ka na ba mamaya? Yung gamit mo. Maayos na ba?"

Tumango ako bilang sagot. Ni isang salita walang lumalabas sa bibig 'ko, ayokong magsalita. Wala akong gana, bakit pa ako magsasalita kung huli na?

Mukhang nahalata naman niya iyon, kaya bumuntong hinga na lang siya at isinara ang pinto, at tuluyan ng bumaba. Hinablot 'ko ang bag 'ko, at sumunod sa kanya. Pababa ako sa hagdan ng makita 'ko silang napatigil sa pagkain nila ng makita ako.

Kahit hindi 'ko naman sabihin. Parang alam na rin nila, ngunit ang pagbabalik ng alaala 'ko ay tila hindi pa nila alam.

"Ija, umupo ka na't kumain." Malambing ang tono ni Mama ng sabihin niya iyon. Sumunod ako sa kanya, hindi ako komportable sa nakapalibot na enerhiya sa amin. Tila ito ang tamang panahon para sa lahat. Ngunit natatakot ako.

Kumuha ako ng pagkain, ngunit hindi 'ko ito kinain o ginalaw man lang ng matapos 'ko itong isalin sa aking pinggan.

"Ma, Pa, Mio.." sa pagtawag 'ko sa kanila, alam 'kong mahahalata na nila. Iba ang tono at ang pagtawag 'ko sa kanila. Ang dating Yna'ng nawala ng isang taon, ay gano'n ang pagtawag sa kanila. Kaya alam 'kong pamilyar sila doon.

Nakita 'ko silang nagkatinginan, may pagtataka, takot, saya, pagkagulo. Sa kanilang ekspresyon. Pinasadahan 'ko sila ng isang ngiti.

"Mama, papa, Mio. Pwede bang tigilan niyo 'yang ganyan. Tama kayo ng iniisip niyo, nagbalik na ang Yna'ng nawala."

Tila isang bala ang sinabi 'ko, dahilan para sila'y mapatigil at malinawan. Nakangiti sila, sobrang lawak. Ngumiti ako, ngunit hindi kasing lawak ng sa kanila. Hindi 'ko makakayang ngumiti ng ganyan ka lawak. Lalo na't may iiwan ako ngayon.

Lagi na lang akong nangiiwan. Sana kapag bumalik ako tanggap at gano'n pa rin sila.

Nakarating ako sa tapat ng school, ayoko pang pumasok. Pakiramdam 'ko kapag pumasok ako, hindi 'ko na kayang gawin ang mga gagawin 'ko mamaya.

Pero kailangan, dahan-dahan pumasok ako sa loob ng school.

Every single details, lahat nakatatak sa utak 'ko. Naglakad ako papunta sa room namin sa 3rd floor.

Ang tamlay ng paligid, bakit parang alam na ng enerhiya? Sobrang tamlay, at ayoko ng ganito. Buntong hininga. Inhale, exhale, inhale, exhale. Hays.

Tuluyan akong pumasok ng makarating ako, wala akong pinansin. Pakiramdam 'ko kapag pinansin 'ko sila mahihirapan akong umalis, at ayokong malaman nila. Na mamaya, na ang alis 'ko. Nakakalungkot na naglilihim ako, pero okay lang din.

Para akong yelong naglalakad, hays. Narinig 'ko ang pagring ng phone ni Lyka. Kaya lumakad siya papaalis, sa loob ng room. Natatakot ako, natatakot akong iwan silang lahat.

Years GapWhere stories live. Discover now