YG 7 - Last Three Days [ t w o ]

661 21 9
                                    


Y N A

Last Three Days..

FLASHBACK


Kuya Mio Calling..

Accept | Decline

Pinindot 'ko ang Accept at sinagot ang tawag niya.

"Kuya?"

Panimula 'ko, pigil ang luha.

"Yna, ayos na ba ang gamit mo?"

Kinabahan ako, hindi 'ko alam kung bakit. Kinagat 'ko ang pangibabang labi 'ko at sumagot.

"Opo, kuya"

Natahimik ako sa huli niyang sinabi, bago niya ibaba ang tawag. Nakatulala habang nagp-proseso pa rin sa utak 'ko ang mga sinabi niya.

"Umuwi ka ng maaga, dahil mapapaaga ang alis na'tin patungong New York, exactly 7:00 PM. Tomorrow, ang flight na'tin."

Napapikit ako.. Bakit napaaga?

END OF FLASHBACK

"Hoy! Yna, okay ka lang?" Nabalik ako sa reyalidad nang bigla akong tapikin ni Rina. Itong mga 'to ang hihilig manapik, manggulat. Pag ako nanggigil, nako!

Inirapan 'ko siya, yung irap na pangbata. Kapag may kaaway ka sa kanto tapos iirapan mo siya, na halos mawala na yung itim ng mata mo.

"HAHAHA-"

*RIIIIIIIIIIIIIIIINNNNNGGGGGGG*

Abay bastos. Tumatawa biglang pinutol, nako. Gigil ako, pigilan niyo 'ko sasaksakin 'ko yang bell na 'yan. ╮(─▽─)╭

Nagsilabasan na kami at sabay-sabay na pumunta sa New Canteen. Hindi 'ko alam kung bakit pero parang nagiba ang atmosphere, biglang bumigat. Kinakabahan ako.

Inhale. Exhale. Inhale. Exhale. Ohhhh.

R I N A

Nakita 'kong naginhale-exhale si Yna, umiling na lang ako at dumeretso ng tingin, nakapasok na kami sa Canteen at dumeretso sa may tindahan.

Si Lyka ay pumila sa bilihan ng ulam, si Yna at si Rhose sa tubigan. Ako dito sa may Biscuits. Nang makuha 'ko ang sukli sa bayad 'ko, tumalikod na ako ngunit sa pagtakod 'ko ay may nabangga akong isang lalaki.

Nahulog yung mga binili 'ko, kaya bigla itong napatingin sa mga iyonna nasa-sahig.

"Sorry, mi-wait. You look familiar, ahhh.." Napakunot ako ng noo, sa sinabi niya. Umasta naman siya na parang nagiisip, ako naman ay heto naghihintay sa sasabihin niya. Ang tagal naman niyang alalahanin, jusko.

"Hoy, Rina. Tara n-Ron?" Nabaling ang atensyon 'ko kay Yna at Rhose na bigla akong nilapitan. Ngunit ang mas nakapagpakuha ng atensyon 'ko ay iyong, sinabi niyang pangalan.

"Oh-Yna? You're Yna right? Kuya's you know. Kuya's first love since childhood." ngumiti ito nang malawak, "how are you? I bet you're okay."

Napakunot ako ng noo habang naguusap sila. Magkakilala sila?

Oo, Rina. Hindi ba halata? ( ̄^ ̄)

"Ahh, Ron naaalala mo pa ba si Rina? Yung kaibigan 'kong palagi 'kong kasama, yung mahaba ang buhok?" nabalik ako sa reyalidad, nakatingin sa akin si Ron habang sinusuri ang mukha 'ko. Yung tingin niya, nakakatunaw..

Years GapWhere stories live. Discover now