YG 2 - Last Six Days [ t w o ]

1.5K 31 0
                                    


Y N A

Last Six Days..

TUMATAKBO ako, hindi alam kung saan pupunta. Maraming kwarto dito sa school na maaari 'kong pagtaguan. Baka ngayon hinahabol nila ako, hinahanap.

Tumakbo ako patungo sa kabilang building, at umakyat sa pangalawang palapag, nandoon ang library may isang kwarto, para sa Drum n Lyre. Nandito rin sa Floor na 'to ang CR for girls.

Pinuntahan 'ko ang kwarto na para sa Drum n Lyre, madilim sa loob. Hinawakan 'ko ang Doorknob pinihit..

BUKAS!

Pumasok ako sa loob, puno ng Drums tsaka Lyres, may board din na sobrang daming letters and numbers. May cabinet, may beaters at drum sticks. Sinarado 'ko ang pinto, at umupo sa tabi ng cabinet.

Sapat na siguro 'to para magsolo, sumandal ako sa may cabinet at inaalala ang itsura niya..

Mga mata niyang sobrang daming sinasabi, sa ngiti niya na nagpahulog sa akin. Sa ngiti niya na naging dahilan kung bakit nasasaktan ako ngayon. Dahil sa lintek na ngiti, nadali ako.

Dapat wala ako ngayon dito eh, pero hindi 'ko kaya. Makita ang mga kaklase 'ko, ang bumalik doon. Hindi, hindi 'ko magagawa. Hindi 'ko kaya.. Sana nga, sana nga hindi 'ko kaya..

Bakit nga ba nasasaktan ang isang tao? Kung ang intensyon lang naman nito ay ang magmahal at wala ng iba pa? Bakit kailangan masaktan kahit wala namang ginagawa?

Bakit mali? Kahit hindi. Bakit masakit? Kahit wala namang ginawa. Bakit ang hirap? Ang hirap gumalaw sa mundong alam kung anong kakahinatnan nito?

Sana gano'n na lang kadali lahat.

Pumikit ako at hinayaan ang luhang tumulo ng tumulo.

L Y K A

NAKAALIS na si Yna, pinilit namin siya pigilan pero tuloy-tuloy pa rin siya. Sinundan siya nina Rhose at Rina, habang nakapalibot ang iba naming kaklase sa akin.

Dapat kasi hindi 'ko na pinabigay kay kuya, bakit ba kasi pinabigay 'ko pa?! Ang tanga naman Lyka! Ang tanga-tanga! Argh!

Ginulo 'ko ang buhok 'ko sa sobrang inis sa sarili, nahalata 'kong tinitignan ako ng ibang staff ng canteen, habang ang iba nasa-loob, kinakausap ata si Kuya.

Ilang minuto pa ang lumipas wala pa rin si Yna, buti na lang at 1 hour ang Vacant namin.

"Hindi namin mahanap" may nagsalita sa likod 'ko kaya napalingon ako, si Rhose at Rina. Hingal na hingal. Inabutan 'ko naman ng bottled water si Rhose at Rina, kinuha nila 'yun at ininom.

Habang umiinom..

"YNA!" Napalingon ako sa tumawag, si Shia, nakatingin sa naglalakad na si Yna, deretso ang tingin, walang emosyon, pula ang ilong at gilid ng mata, mugto ang kanyang mata. Halatang umiyak ng sobra, dali-dali akong tumayo at sinalubing siya.

"Saan ka galing?!" sigaw 'ko naramdaman 'ko ring sumama sina Rhose at Rina.

"Alam mo bang hinanao ka namin? Ha?! Saan ka ba nagtago?!" Sigaw din ni Rhose, pero hindi niya kami pinansin naglakad lang siya kaya sinundan namin.

Years GapWhere stories live. Discover now