“MTHS?” pagbigkas ni Hilda sa pangalan niyon ay biglang kumabog ang dibdib niya dahil sa gulat. “Hindi kaya…No, hindi—hindi maaari!” Bago pa man maibalik ni Hilda ang bote sa orihinal nitong lalagyan ay may bigla nang humawak sa kanyang braso para pigilin siyang gawin iyon. Pagharap niya ay si Andrew at napansin niyang gulat ito dahil sa pinagpapawisan ito nang kumpol-kumpol.
“Akin na yan! Bakit nasa’yo yan?” mataas ang boses ni Andrew sa kanya habang hinablot nito mula sa kanya ang bote. Nagtaka naman si Hilda sa ikinilos ng kaibigan. “Ba’t mo pinapakialaman ang gamit ko!?”
“Anong laman ng boteng yan?”
“Mabuti pa, matulog ka na. Ok? Sorry about what happened to us…I apol—
“Answer my question! Anong laman ng boteng ‘yan?” seryoso ang tinig ni Hilda naghihintay ng agarang kasagutan. Isang matalim na titig ang ipinukol niya sa binata ngunit umiiwas ito sa kanya.
“Alak. Isang espesyal na alak na regal—
Isang malakas na boses ang pinakawalan ni Hilda. “Tell me the truth! Anong laman ng boteng ‘yan!” Tanging konting liwanag na lang ang nababanaag nila mula sa naghihingalo nang campfire at anumang oras ay maaari na silang balutin ng kadiliman. Gayunman, nilabanan ni Hilda ang takot na pumipigil sa kanya. Alam niyang may kakaibang nangyari, at tiyak na iyon ay masama. At tanging si Andrew ang susi para malaman iyon.
“Mukhang na-corner mo na ako, Hilda. Ok. I’ll tell you the truth…” Mahinang bulong ni Andrew. Inilapit niya ang mukha niya sa mukha ng dalaga dahilan para lalong magalit ito sa kanya. Ngunit lalong pumailanglang ang biglaang paghalakhak ni Andrew kasabay nang pagbasag niya sa bote. Tumalsik pa nga ang ibang laman niyon sa mukha ni Hilda.
Nahintakutan si Hilda sa biglaang pagbabago ng kilos ni Andrew. Ngunit hindi siya maaaring magpatinag sa takot. Kailangan niyang malaman ang totoo. “Andrew, tell me the fucking truth! What’s going on here? Anong laman ng boteng ‘yon!”
“Methanol…” binulong ni Andrew ang mga katagang iyon sa tainga ni Hilda. Nanlaki ang mga mata ng dalaga dahil sa narinig. Tila napagkit ang kanyang katawan sa kinatatayuan hanggang sa unti-unti siyang mapaluhod dahil sa hagupit ng natuklasan. “Ako ang panalo sa larong ito, Hilda.”
“Ang tanga-tanga ko! Bakit! Bakit ngayon ko pa lang natuklasan ang lahat!” bulong ni Hilda sa sarili. Nanlumo siya sa katotohanang inilapit niya ang sarili sa sariling kamatayan. Ngunit bakit hindi niya napansing lason iyon?
“Don’t worry, Hilda, the effect of the poison will be after two hours. O, baka mas matagal pa.” humalakhak muli ang binata dahil sa kanyang tagumpay. Ngunit isang malakas na sapak ang inabot niya mula kay Hilda.
“Hayop ka! Hayop ka! Ikaw ang may pakana nitong lahat!”
“Tama. I’ll set everything up. Pero in some way tinulungan n’yo rin akong matupad ang plano ko. I blackmailed Peter to kill Lyndon dahil kung hindi, ibubunyag ko ang lihim nilang relasyon. Pero di ko naman akalaing magpapakamatay ang baklang ‘yon eh. Migz, help me about this dahil akala niya, mapapasakanya si Cielo. Ang hindi niya alam, kasama rin siya sa mga papatayin ko…Ginamit ko lahat ng mga kahinaan n’yo para makaganti ako. Well, isa lang naman ang pinagsisisihan ko…”
Lumapit si Andrew kay Hilda at siniil ito ng mapusok na halik. Nagpupumiglas si Hilda ngunit itinarak sa kanya ng binata ang matalas na bubog sa kanyang leeg. “ Ang pumasok ako sa barkadang ito dahil akala ko mapapasaakin ka, pero hindi pala! Dahil ang baklang ‘yon ang mahal mo! Pero ayos lang, at least natikman muna kita bago ka mamatay…”
Isang malakas na sampiga ang pinakawalan ni Andrew sa dalaga kaya’t napahiga ito dahil sa sakit at lakas niyon. Pumutok ang mga labi ni Hilda at kumalat ang dugo sa kanyang mukha. Pinilit niyang bumangon upang maipagtanggol ang kanyang sarili. Dahil sa dilim ay hindi na niya masyado maaninag pa si Andrew. Sinikap niyang dahan-dahang humagilap ng anumang bagay na maaari niyang gamiting pandepensa kay Andrew ngunit wala siyang makapa. Gumagaralgal ang boses niyang sinigawan ang nababaliw na si Andrew. “Kahit kailan hindi kita magagawang mahalin…Dahil isa kang hamak na mamamatay tao!”
“Kung tutuusin, wala pa naman talaga akong napapatay sa inyo eh. Kayo ang gumagawa ng sarili n’yong hukay!” pumailanglang na naman sa gitna ng kadiliman ang malakas na paghalakhak ni Andrew. Sa pagkakataong iyon ay nakabawi si Hilda at nasuntok niya sa sikmura si Andrew. Namilipit sa sakit ang binata dahilan para magkaroon siya ng pagkakataon para makahanap ng kutsilyo at makalabas mula sa loob ng tent.
“Sige, Hilda, tumakas ka.Wala ka na rin namang magagawa. Hindi na importante sa akin kung alam mo na ang totoo. Tutal, ikaw na lang naman ang buhay sa kanila. Sigurado akong sa mga oras na ito, patay na rin sina Migz at Cielo dahil sa hinalo kung lason. Maya-maya…mamatay ka na rin dahil sa katangahan mo! Hinihintay at inaasahan ko na talaga ang pagkakataong ito. It’s game over, Hilda. Tapos na ang pagpapanggap ko. It’s my sweetest victory. My most happiest birthday ever!”
“Nagbago ka na, Andrew. Hindi ka na ang dating Andrew na nakilala namin. Sinayang mo lahat ng mga pagkakaibigan nating lahat dahil dito? Paano mo ito nagawa sa mga kaibigan mo?” nanginginig sa pinaghalo-halong galit, takot, at pagkabigo si Hilda. Napipinto nang pumatak ang mga luha ni Hilda ngunit hindi niya iyon hinayaang pumatak sa pamamagitan ng pagpunas. Pagkatapos ng lahat ng mga pinagsamahan nila, mauuwi lang sa isang malagim na trahedya ang kanilang pagkakaibigan.
“Fucking shut up!” itinodo ni Andrew ang kanyang pagpalahaw at halos mapatid na ang mga litid niya sa leeg. Tuluyan nang nilamon ang kanyang katinuan.
“Sinira n’yong lahat ang buhay ko! Sinira n’yo ang pag-aaral ko! Winasak n’yo ang marangyang buhay na tinatamasa ko! All my dreams are wasted just because of this fucking friendship! Dahil sa inyo, namatay ang girlfriend ko! Magiging masaya lang ako kung mamamatay kayong lahat!” may mga luhang namuo sa mga mata ni Andrew. Ngunit nangibabaw ang galit sa mukha ng binata.
“Nababaliw ka na, Andrew! Huwag mong isisi sa amin ang mga kasalanan mong ikaw naman talaga ang gumawa! Baliw ka na!”
Umalingawngaw ang mga katagang iyon sa kabuuan ni Andrew. Dahil doo’y nagdilim ang paningin ng binata at sinugod si Hilda. “Papatayin kita!” Buong lakas na dinaganan ni Andrew si Hilda. Nagpupumiglas siya at tinutulak ang binata ngunit masyado itong mabigat at malakas. Akmang sasaksakin ni Hilda si Andrew sa balikat gamit ang kutsilyo ngunit naagaw nito sa kanya ang kutsilyo. Sinakal siya nito sa leeg habang dinadaganan ang buo niyang katawan. Hindi na niya magawang makakilos at nanghihina na siya. Hindi na siya makahinga at titigkal-tigkal na ang kanyang lalamunan. Napapikit na lang siya nang itarak ni Andrew sa kanya ang kutsilyo. Naramdaman na lamang niyang may mga dugong umagos sa kanyang mukha. At maya-maya’y bumulagta sa kanya si Andrew at walang malay!
Daglian siyang napabangon at nasilayan ang isang taong may hawak na bakal. Kahit na madilim ay siguradong sigurado siya kung sino ang kanyang nasa harapan.
“Lyndon!” mabilis na nakuyumos at nayakap ni Hilda ang binata. Hindi niya mapigilang mapahagulhol sa dibdib nito dahil muntikan na siyang mamatay kung hindi ito dumating. “Lyndon, buhay ka! Pero paanong--”
May mga sugat at galos sa buong katawan si Lyndon. Gula-gulanit ang suot nitong damit. Malaki ang sugat nito sa ulo bagama’t tumigil na iyon sa pagdurugo. “Mamaya na ako magpapaliwanag. Kailangan na nating umalis dito! Nasaan si Cielo?”
“Lyndon nasa gitna siya ng gubat ngayon! Kailangan natin siyang mailigtas! Nanganganib ang buhay niya sa kamay ni Migz!”
BINABASA MO ANG
Night
Mystery / Thriller(Unedited) Anim na kabataang pinagbuklod ng pagkakaibigan. Isang pagkakaibigang wawasakin ng mga nakatagong lihim. Lihim na pasisiklabin ng poot at paghihiganti. Mabubunyag sa loob ng isang gabi. Isang gabing babalutin ng misteryo, dugo, at kamataya...