Napakalakas na pagdaing ang pinakawalan ni Andrew dahil sa matinding sakit na naidulot sa kanya ng pagsaksak ni Hilda sa kanyang kamay. Magkahalong takot at gulat dahil kita niya ang pagpatak ng dugo. Gamit ang kanyang kaliwang kamay ay pinisil niya ang kabilang braso na may sugat upang kahit papaano’y maampat niya ang pagtulo niyon at maibsan ang kirot na nararamdaman.
“Fuck, Hilda, anong ibig sabihin nito?” gagatul-gatol pa rin ang tinig ni Andrew dahil sa pagkabigla. Nakita niya na biglang ngumiti si Hilda sa kanya na tila inaasar pa siya. “Ano bang nangyayari sa’yo?”
“Bakit, Andrew, natakot ka ba? Huwag kang mag-alala, kung tutuusin mababaw lang iyan. Kulang pang kabayaran yan sa lahat ng mga ginawa mo!”
“Ano bang pinagsasasabi mo? Hindi kita maintindihan! Ano ba kasing nangyayari rito? Ano bang nangyayari sa inyo? Anong problema n’yo?” sunod-sunod ang tanong ni Andrew. Narinig niya ang pagpalakpak ni Hilda at ang mahina nitong pagtawa. Dahil doo’y napikon siya kaya’t sinigawan niya ito. “Stop it, Hilda!”
“Ang galing mo talagang umarte at magpanggap, Andrew. Kaya nga napaniwala mo kaming lahat, eh. Napaniwala mo kaming lahat na mabuting tao ka. Napaniwala mo kaming lahat na mabuti kang kaibigan! Pinagkatiwalaan ka namin but in the end, ganito pa pala ang igaganti mo sa aming lahat?You’re such a bitch pretender…mamamatay-tao!” dinuro-duro siya ni Hilda.
“What are you talking about? Wala akong itinatago sa inyo. At higit sa lahat, hindi ako nagpapanggap. Kaya stop accusing me all this things!”
“Huwag ka nang magmaang-maangan pa, Andrew. Alam ko na ang lahat! Naiintindihan ko na ang lahat! Kaya..please…umamin ka na! Pinatay mo si Peter! At balak mo pa kaming patayin lahat!” nagngangalit ang mga bagang ni Hilda dahil sa sobrang galit. “Hayop ka!”
“Ano ba? Tumahimik ka! Tumahimik ka!” sumagapak ang isang malakas na sampal sa pisngi ni Hilda. Sa tindi niyon ay napabaling siya sa likuran at nahilo. Nag-init ang kanyang pisngi kaya’t napahawak siya rito. Samantalang si Andrew naman ay gulat din sa kanyang nagawa. Sa unang pagkakataon ay nasaktan niya si Hilda. “Sorry…sorry…nabigla lang ako…”
Ngunit bigla na lang humalakhak si Hilda na animo’y nababaliw. Parang hindi siya nasaktan sa ginawa ng binata at nakukuha pa nitong tumawa. Sa pagharap nito kay Andrew ay seryoso na ang mukha nito. Tumigil na ito sa pagtawa at isang nagpupuyos na titig ang ibinato niya kay Andrew. Para siyang naging isang leon na anumang oras ay susugurin na ang mga kalaban.
Nahintakutan si Andrew at napahakbang siya patalikod. “Nababaliw ka na, Hilda…”
“Bakit Andrew? Natatakot ka na ba? Natatakot ka na bang alam ko na ang totoo? Na ikaw ang pumatay kay Peter? Gusto mo bang ipaalam ko na sa iba pa nating kasama ang krimeng ginawa mo sa araw ng birthday mo?”
“Bakit ba pinagpipilitan mong ako ang pumatay kay Peter? Nakalimutan mo na bang magkakasama tayo dito so how could that happen? I’m innocent. At kahit kailan, hindi ko kayang pumatay ng isang kaibigan. Hindi ko kayang pumatay ng tao, Hilda.” Giit ni Andrew.
“Hindi mo ba alam kung gaano ako nasasaktan sa mga ginagawa n’yo? I can’t take that all these things happened on my birthday! Buong akala ko, magiging masaya ang araw na ito. Kasama ang mga kaibigan ko! Pero…nagkamali pala ako…” nagsimulang mangilid ang mga luha ni Andrew ngunit wala kahit anumang bakas ng awa ang nadama ni Hilda. “Dahil kayo pa pala ang sisira nito…Tapos, ngayon, ako pa ang pagbibintangan n’yo?”
Pagkatapos ng paglilitanyang iyon ni Andrew ay isang mapang-asar na ngiti pa ang isinukli ni Hilda. Talagang hindi ito tinalaban sa mga sinabi ng binata.
“Hey, Andrew, hindi mo ako mapapaniwala sa mga drama effect mong ‘yan. Sa tingin mo ba maniniwala ako nang basta-basta sa mga sinabi mo? You have all the motives to kill Peter dahil siya ang nagpahirap sa’yo…Siya ang naging dahilan kung bakit napahiya ka sa school at nasira ang recor—
“Si Lyndon ang pumatay sa kanya!” pakli sa kanya ni Andrew dahilan para maputol ang kanyang pagsasalita. Ikinabigla ni Hilda kung sino ang binanggit ni Andrew. Si Lyndon? Aminado si Hilda na nalimutan na niya ito ngunit napansin niyang kanina pa nga ito nawawala noong kumakain pa sila. Ni hindi na nga niya namalayan kung saan na ito nagpunta o kung ano na ang nangyari rito.
Posible kayang—
“Oo, may motibo nga ako. Pero si Lyndon talaga ang pumatay sa kanya. Natagpuan namin ang flashlight niya kung saan rin namin natagpuan ang katawan ni Peter.” Pagpapatuloy ni Andrew. “Posibleng naiwan niya ang flashlight niya nang nagmadali siyang tumakas dahil alam niyang maririnig natin ang putok ng baril. Pinagmukha lang niya iyong suicide sa pamamagitan ng paglalagay ng baril sa kamay ni Peter…”
Habang pinakikinggan ni Hilda ang paliwanag ng binata ay hindi niya maiwasan ang magulat at magtaka. Kilala niya si Lyndon. Kilalang-kilala. Naniniwala siyang hindi iyon magagawa ni Lyndon lalo na kay Peter dahil ito ang pinakamatagal na niyang kaibigan higit pa sa kanilang lahat. Isa pa, wala siyang alam na motibo para gawin iyon ni Lyndon. Pero, kung hindi si Lyndon ang pumatay, bakit bigla na lang ito nawala?
Naalala niya si Cielo. Paano kung nagkamali siya sa ginawang pagtataboy rito? Paano kung si Lyndon nga ang totoong salarin? Paano kung sa halip na ilayo niya si Cielo sa kapahamakan, ay lalo lang niya itong inilapit doon?
O…itinaboy lang din niya ang tunay na may kasalanan?
“Kaya, Hilda, itigil mo na ang paninisi sa akin ng mga bagay na hindi ko naman magagawa.” Hindi na nakapagsalita si Hilda dahil sa lalim ng kanyang iniisip. Tulala lamang siya nang magpaalam si Andrew. “Bukas na bukas rin ay uuwi na tayo. Ako na ang bahalang magreport sa pulis tungkol sa mga nangyari at para mahuli na rin agad nila si Lyndon. Iiwan na muna kita at kailangan ko pang gamutin itong sugat ko.”
Napansin ni Andrew na wala na pala roon si Migz na marahil ay umalis sa gitna ng komprontasyon nila. Baka kung saan na naman nagpunta gaya ng madalas nitong gawin. Si Cielo naman ay nakita niyang nagtatakbo patungo sa gitna ng gubat. Sa paghakbang niya papasok sa kanyang tent ay nasagi ng kanyang tingin ang bangkay ni Peter. May mga dugong kumalat sa mukha nito at pati sa suot nitong damit. Sa tantya niya’y nahupyak pa ang sintido nito dahil sa lakas ng balang tumama doon. Kung gayon pala’y sila na lamang ni Hilda ang naiwan roon.
Kaya isang ngiti ang lihim niyang pinakawalan.
Isang ngiting kahina-hinala.
BINABASA MO ANG
Night
Misteri / Thriller(Unedited) Anim na kabataang pinagbuklod ng pagkakaibigan. Isang pagkakaibigang wawasakin ng mga nakatagong lihim. Lihim na pasisiklabin ng poot at paghihiganti. Mabubunyag sa loob ng isang gabi. Isang gabing babalutin ng misteryo, dugo, at kamataya...