Chapter Twelve-The Revenge

128 6 7
                                    

“Pakawalan mo ako dito, Migz, pakawalan mo ako!” nagpupumiglas si Cielo mula sa pagkakagapos nito ng lubid sa isang malaking puno malapit sa bangin. Halos mapaos na siya sa kasisigaw ngunit hindi man lang siya pinakikinggan nito at wala itong pakialam sa kanya habang pinapanood siyang nagsisisigaw.

“Hindi kita pakakawalan hangga’t di mo sinasabing mahal mo rin ako!” inararo ng halik ni Migz ang leeg ni Cielo. Naririnig niya ang mga impit nitong ungol sa kanyang tenga. Hindi siya makapalag bagkus ay tanging mga mahihinang iyak lamang ang kanyang nauusal. Diring-diri na siya sa ginagawang pambababoy sa kanya ni Migz. “Cielo, mahalin mo rin ako…”

“Please, Migz, nagmamakaawa ako sa’yo…pakawalan mo na ako rito dahil hindi ko magagawa ang sinasabi mo…”

“Puwes mabubulok ka dito!” nanlaki ang mga mata ni Migz kaya napatili sa gulat si Cielo. Kinain na nga ng obsesyon si Migz at parang naging isang mabagsik na halimaw ito. Ngunit kahit na nauubusan na ng pag-asa, hindi pa rin sumusuko si Cielo. Hindi pa rin siya sumusukong darating pa si Lyndon para iligtas siya sa gitna ng impyernong ‘yon. Kahit pa ang lahat ay wala nang kasiguraduhan.

“Darating si Lyndon dito at ililigtas niya ako sa’yo!”

Dahil nagpanting ang pandinig ni Migz ay nahambalos niya sa pisngi si Cielo at halos humiwalay na ang kaluluwa nito sa katawan dahil sa lakas. Lumikha iyon ng napakalaking sugat sa mukha ni Cielo at tumabon doon ang kalahati niyang buhok. Ngunit hindi niya ininda ang sakit at isang matapang na Cielo ang ipinamukha niya sa binata. Nanlilisik na mga mata ang kanyang iginanti rito.

“Huwag ka nang umasang darating pa si Lyndon dahil patay na nga siya ‘di ba?”

“Huwag ka na ring umasang mapapasa’yo ako!” sinuplahan ni Cielo ng laway si Migz. Tumalsik at kumalat iyon sa mukha ng binata. Akmang sasampalin muli siya ni Migz ngunit napansin niya ang liwanag na nagmumula sa di kalayuan. Dahil doo’y nagsisigaw siya para mapukaw niya ang atensyon niyon.

“Tulong! Tulunga—                               

Tinakpan ni Migz ang bibig niya gamit ang mga palad nito upang pigilan siya. Pinipisil pa rin iyon ng binata kaya’t napapadagis siya sa naidudulot no’ng sakit. Nagpupumiglas siya at patuloy pa rin siya sa pagtili kahit na mahinang ingay lamang ang nagagawa niya.

“Tumahimik ka!”

“Tul—Tul—

“Tumahimik ka sabi!”

Dinildil ni Migz si Cielo sa katawan ng puno para mapatigil ito. Ngunit huli na ang lahat para sa kanya dahil tumambad na sa kanila ang taong nagdadala ng liwanag.

“Pakawalan mo siya, Miguel!” halos sakupin ng sigaw na iyon ang buong kagubatan. Kapwa natigilan sina Migz at Cielo sa narinig. Pamilyar na pamilyar ang tinig na iyon sa kanila, lalo na kay Cielo. Halos hindi siya makapaniwalang dininig nga ang kanyang mga panalangin! Buhay nga si Lyndon! At dumating ito para iligtas siya.

“Buhay ka pa? Buong akal— nanlaki ang mga mata ni Migz habang papalapit sa kanya si Lyndon dahil para siyang nakakita ng multong bumangon mula sa libingan. Ang buong akala niya’y nasa kanya na ang tagumpay kay Cielo.

“Lyndon, tulungan mo ako!” patuloy na nagsisigaw si Cielo habang nagpupumiglas. Ngunit isang sapak muli ang inabot niya mula kay Migz. Pero hindi na niya ininda pa ang sakit at talagang nagdire-diretso lang siya sa paghingi ng tulong.

“Huwag mo siyang sasaktan!” nanggagalaiti si Lyndon at itinutok niya kay Migz ang baril na muntikan na ring ipampatay sa kanya ng matalik na kaibigan. Nanginginig ang kanyang mga daliri at hindi imposibleng mapiga na niya ang gatilyo anumang oras dahil sa galit. Bumaling siya kay Hilda. “Hilda, ikaw na ang bahala kay Cielo. Kalagan mo na siya at umalis na kayo rito!”

NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon