A Broken Promise

1.7K 27 0
                                    

A BROKEN PROMISE

A BROKEN PROMISE
Written by: Ashlie Dreamer

Synopsis

Magkababata at magkaibigan sina Raymart at Clarence. At ang pagkakaibigan iyon ay nauwi sa pagmamahalan. Because they fall inlove with each other. Sila ay nag-promise na kahit anong mangyari  sa kanilang relasyon ay walang bibitaw at susuko. Ang tanging saksi ng sumpaang walang hanggang pagmamahalan nila Raymart at Clarence  ay ang puno ng narra kung saan inukit ni Raymart doon ang dalawang puso na magkatabi at sa loob niyon ay nakaukit din ang kanilang mga pangalan.

Ang pagmamahalan iyon ay hinadlangan ng mga magulang  ni Clarence. Sa dahilan hindi raw karapat-dapat si Raymart dito. Dahil sa antas ng pamumuhay ng binata. Sapilitang pinaghihiwalay sina Raymart at Clarence. Pinapunta  ng siyudad si Clarence upang doon ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral at para na rin mapalayo kay Raymart. Labag man sa kanyang kalooban, subalit wala pa siyang sapat na kakayahan  upang suwayin ang kagustuhan ng kanyang mga magulang.

Naiwan naman si  Raymart sa bayan dito pinagpatuloy ang kanyang pag-aaral. Umaasa na balang araw ay muli silang magkikita ni Clarence upang tuparin ang pangakong binitawan sa isa't isa.

Babalikan pa kaya siya ni Clarence o tuluyan na siyang kalimutan ng dalaga kasabay sa paglimot ng pangako nito?

Paano babaguhin ng panahon ang pagmamahalan nila Clarence at Raymart? Gayong against all odds ang kanilang relasyon. Matutupad pa kaya ang pangako sa isa't isa? Or else magiging isang alaala na lamang ang lahat at maiwan na lamang ang bakas ng pagmamahalan nilang iyon sa punong kahoy kung saan nakaukit pa rin ang dalawang puso.

A BROKEN PROMISETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon