Chapter Thirteen

444 11 0
                                    

"HOY, Raymart, halika na doon," yaya ni Andy sa kanya sa gitna kung saan naroon na ang mga binatang gustong makasalo sa garter na hawak ni Benjie.

"Go, Andy! Go, Raymart! Nuwag kayong papayag na may ibang makakuha ng garter!" pagtsi-cheer sa kanila ni Lalaine nang madaanan nila ito.

Hindi makapaniwala sinRaymart na si Clarence  nga ang makakakuga ng bouquet. Napailing siya. Wala naman siyang pakialam doon. Prente lang siyang nakasunod kay Andy na excited na lumalakad papunta sa harap ng stage.

Nakipaggitgitan si Andy sa gitna ng grupo samantalang mas pinili niyang sa likuran na lang pumuwesto.  Hindi naman siyan makikipag-agawan, kaya okay lang na naroon lang siya.

Bumuntong-hininga siya habang nakatingin kay Clarence. Kitang-kita niya ang pamumula ng mga pisngi nito habang inililibot ang paningin sa mga lalaki. He knew that these guys could see how pretty she was.

Mabilis na iginala niya ang mga mata para sipating mabuti ang mga naroroong kalalakihan.   Ibinalik niya an tingin kay Clarence. Nakita niya nang huminto ang mga mata ni Clarence kay Jordan.  Nakaramdam siya nang sobrang pagseselos. Mabigat ang pakiramdam niya sa isiping iyon.

"Okay, here's  the countdown. Three..." pagbibilang ng emcee.

Napagtanto rin niyang hindi niya matanggap sa sarili na may makakasama nang lalaki sa buhay ni Clarence. Na may katabi itong iba sa pagtulog sa kama nito.  Na may kayakap at...No!

"One!" final countdown ng emcee.

Then the garter came floating in the air. Hindi niya alam kung anong puwersa ang sumanib sa kanya nang sa pagtalon niya ay mapunta sa kamay niya ang garter na iyon. The moment he held it, he  knew there was no turning back now. He would be the one to get this girl.

PILIT na ngumiti si Clarence para pagtakpan ang pagkagulat niya. Paano ba naman, kitang-kita niya kung paano mag-a la Superman si Raymart sa pagsalo ng garter. Ang lakas ng kabog ng dibdib niya nang mga sandaling iyon.

Bakit nito ginawa iyon?

Impit na tumili ang emcee. "Ladies and gentlemen, nakita n'yo ba 'yon? Isang napakaguwapo at makisig na binata ang nakakuha  ng mahiwagang garter. Papa Raymart, halika na dito!" tawag nito kay Raymart. Nagpakuha ng upuan ang emcee sa isang waiter at inilagay sa tabi niya.

Naitapat niya sa dibdib niya ang hawak na bouquet habang papalapit sa kanya si Raymart. She thought she could heat drum rolks in her head as he approached her. Napahawak siya sa sandalan  ng upuang nasa tabi niya dahil pakiramdam niya ay nanlalambot ang mga tuhod niya.

Bakit ba biglang-bigla ay naging ganito ang epekto ng mg titig ni Raymart sa kanya? Ibang-iba ang ipinahihiwatig ng mga mara nito nang mga oras na iyon, waring nanunuot sa kanyang kaluluwa at para siyang napapaso sa ginagawa nitong pagtitig sa kanya.

Napalunok siya nang huminto ito sa harap niya. Tumaas ang sulok ng mga labi nito. "Got it," sabi nito sa kanya. Iniangat pa nito ang kamay nitong may hawak sa garter.

Itinutok ni Clarence ang tingin sa hawak na bulaklak  dahil hindi niya matagalang tumingin sa mga mata ni Raymart kahit nang alalayan siya nito sa pag-upo. Ano ba ang gustong palabasin ng lalaking ito at wagas kung makatitig?

He bent forward a little, sapat upang marinig niya ang pagbulong nito. "Why that look? Are you afraid  of me?"

"At bakit ako matata..."Ibinalik niya ang tingin dito, wrong move, dahil malapit na malapit ang mukha nito sa kanya. "...kot sa'yo?" Lihim napinagalitan niya ang sarili sa saglit na pagkatigagal.

He grinned evilly before kneeling in front of her.

"All right, sinimulan na!" sabi ng emcee bilang hudyat ng pagsusuot ng garter sa kanya.

A BROKEN PROMISETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon