CHAPTER ONE

1K 15 0
                                    

MALAMIG at preskong hangin, malawak na taniman ng  mga palay ang bumungad sa paningin ng batang  si Clarence. Kararating  lamang ng buong pamilya niya rito sa probinsiya. Umuwi sila rito upang dito na manirahan sa kagustuhan na rin ng kanyang ama. May malubhang sakit kasi ang abuelo niya. Nag-iisang anak lamang nito ang kanyang Daddy. Ang Daddy niya na lamang ang inaasahan  na tanging mamahala sa nasabing mga ari-arian  at malawak na lupain na pagmamay-ari ng abuelo niya. Isa sa kilalang mayaman ang pamilya Clemente sa bayan ng Leon.

"I want Yanie," palahaw na iyak ni Clarence. Ang tinutukoy ay ang barbie doll na palaging dala-dala niya. Subalit nakaligtaan iyon at naiwan doon sa dating tirahan nila.

"Bibili na lang tayo ng bagong barbie doll, okay?" Pampalubag loob ng Ginang dito para sa ganoon ay tumahan sa kaiiyak si Clarence.

"No! I want my old Yanie," aniya naghihikbi pa rin.

"Clarence, huwag matigas ang ulo. Ipagbibili na lang kita ng bagong doll," anang Ginang. Nagtitimpi na ito sa inis naramdaman para sa anak.

"No, I don't  want the new one." Matigas na sagot ni Clarence, sabay takbo patungo sa main door ng bahay.

"Clarence! Bumalik ka rito," medyo may kalakasan boses ng Ginang, habang nakasunod ang tingin kay Clarence na tumatakbo itong palabas ng bahay.

"Anong nangyari sa anak mo Honey?" tanong ni Rodney, kararating lamang nito galing bayan. Nasalubong niya kasi ang anak  doon sa labas ngunit hindi naman siya pinansin ni Clarence.

"Hinahanap pa rin ang old barbie doll niya," saad ng Ginang.

"Hayaan na lang muna  natin si Clarence, pasasaan din at makakalimutan niya rin iyon." Sabi naman ni Mr Rodney. " Bernard, puntahan mo si Mang Agustin at pakisabi na rin may meeting mamaya." Baling nito kay Bernard na driver nila.

"Opo sir," sagot naman ni Bernard. Tumalima na ito upang puntahan si Mang Agustin, para ipaalam dito ang nasabing pagpupulong na gaganapin mamaya.

Patuloy sa ginagawang pagtakbo si Clarence. Hindi alam kung saan siya patungo. Hindi rin pinansin ang malakas na boses ng kanyang mommy na tumatawag sa kanya. Basta ang alam niya masamang-masama ang kanyang  loob sa ina.

Hanggang sa narating niya ang patag na lugar kung saan malapit na iyon sa taniman ng mga palay. Palingon-lingon siya sa kapaligiran at walang katao-tao siyang nakikita. Bigla na lamang si Clarence nakaramdam ng takot at kaba sa kanyang dibdib. Ningali-ngali naman siya kung babalik sa kanilang bahay. Subalit masama pa rin ang kanyang  loob. Sa 'di kalayuan ay natanaw niya  ang nag-iisang puno ng narra. Tila bang sinadya iyon na mag-isa lamang iyon doon. Muli niyang hinakbang ang kanyang maliliit na mga paa upang tumungo roon sa kinaroonan ng punong narra. Mabuti na lamang hindi gaano mayabong ang mga damo na dinadaanan niya. Paminsan-minsan ay hindi maiwasan napapasigaw  siya sa takot tuwing dinadapuan siya ng maliliit na mga grasshopper at paru-paru.

Nang narating ni Clarence ang punong narra ganoon na lamang ang pagkamangha sa nakikita niya. Malinis ang paligid ng puno at may duyan pa roon nakasabit. Subalit mas pinili niyang umupo sa hindi kalakihan bato naroon. Pinagsiklop ang dalawang mga binti. At saka tinukod doon ang mukha niya sa kanyang mga tuhod. Hindi pa rin maawat-awat ang kanyang pag-iiyak.

PAKANTA-kanta naman ang batang si Raymart, habang naglalakad. Tinatahak niya ang daan patungo sa puno ng narra. Kung saan palagi siya roon tumatambay. Nakasukbit sa kaliwang balikat niya ang may kalumaang gitara. Binigay pa iyon ng lolo niya. Dahil sa marunong daw siya tumipa ng strings at maganda ang boses angkin niya. Paminsan-minsan ay sumasali rin siya sa mga pa-contest sa mga kalapit Baranggay tuwing meron contest.

Habang papalapit siya sa punong narra. Kumunot ang kanyang noo sa naririnig niya. May narinig siyang umiiyak. Hindi siya  maaaring magkakamali. Boses iyon  ng batang babae ang narinig  niyang umiiyak. Binagalan ni Raymart ang paglalakad niya. Maingat ang bawat kilos niya. Malapit na siya roon natanaw niya ang batang babae nakalugay ang mahabang buhok nito. Hindi rin niya makita ang itsura nito dahil sa nakatukod ang mukha nito sa mga tuhod pinagsiklop nito.

A BROKEN PROMISETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon