Chapter Seven

384 9 0
                                    

"Kailan ka pa natutong makipagbugbugan?" mahina ngunit mariin na tanong ni Clarence. Habang mataman itong nakatingin sa mukha ni Raymart, malaki ang mga pasa nito.

Nasa  quadratiral sila Clarence at Raymart nang mga sandaling iyon nakaupo sa damuhan. Parehas na walang klase at hinihintay na lamang ang susunod na klase nila. Magkaiba man ang kanilang kurso ay may oras pa rin nilalaan para sa isa't isa upang sila ay magkasama kahit sa maikling oras na lamang.

Ngumiti si Raymart, "kahapon lang." Baliwalang sagot niya.

"May gana ka pang ngumiti?" nakabusangot na sabi ni Clarence. "Tingnan mo nga iyang labi mo. Halos pumutok na 'yan sa pasa."

"Kiss mo na lang,"ani Raymart, sabay nguso ng labi niya.

"Raymart, hindi ako nagbibiro. Sino ang nakaaway mo kahapon? Kilala kita hindi ka basta-basta nakikipag-away at nakipagbugbugan kung walang matinding dahilan."

"Huwag mo nang pansinin 'to. Kunting pasa lang naman." Hay, babae nga naman. Hindi makuntento sa isang paliwanag lang. Tinalo pa ang soco sa pag-iimbistiga. Kahapon sa Nanay Nelly, siya nahirapan sa pagpapaliwanag. Ngayon naman ay kay Clarence. Subalit hindi niya puweding sabihin dito ang totoong dahilan at kung sino ang may pakana na nagkaroon siya ng pasa sa mukha. Kapag sinabi niya ay walang duda susugurin nito si Greg. Alam niya ang ugali meron ang dalaga may pagka-amasona pa naman ito.

"Sino nga ang nakaaway mo?" pangungulit pa rin ni Clarence.

"Bhabe, kiss mo na lang ako," si Raymart, may pilyong ngiti nakapaskil sa mga labi niya.

"Kiskisin mo mukha mo!"nakasimangot na sabi ni Clarence, tumayo ito mula sa damuhan inuupuan nila. Sabay tingin sa pambisig niyang relo. "Mauna na ako sa'yo, may klase na ako." paalam nito. Tuluyan ng hinakbang ang mga paa upang umalis na sa lugar.

"Baby ko talaga, hindi na mabiro." Turan ni Raymart, hindi pa rin mapuknit-puknit ang ngiti sa mga labi niya. "Mamaya sabay tayo kakain ng lunch," tumango na lamang ang kasintahan saka tuluyan na itong umalis.

NAGISING si Clarence  sa ingay na naririnig mula sa labas ng bintana. Halos hindi niya maidilat ang mga mata dahil namimigat pa ang mga talukap niyon. Ngunit nang maulit ang tunog ay bumangon na siya. Nang maulit muli iyon ay na-realize    niyang may bumabato sa bintana ng kanyang kuwarto.

Mula sa kanang mata ay sinilip niya ang alarm clock sa bedside table. Alas-kuwatro pa lamang  ng madaling-araw. Pabagsak siyang nahiga uli. Hindi talaga siya morning person. Matibay siya sa puyatan ngunit kapag paggising nang maaaga ang pag-uusapan ay hindi niya kaya. Lalo na kapag ni wala pa man lamang kahit kaunting sikat ng araw.

Maya't maya ay naririnig niya uli ang ingay na mula sa labas ng bintana. She's  realize  na may bumabato roon. Bumangon uli siya mula sa pagkahiga. At saka hinakbang ang kanyang mga paa patungo sa bintana ng kuwarto. Nang tuluyan na siyang nakalapit ay hinawi niya ang makapal na kurtina upang sumilip doon sa labas.

Nakita niya si Raymart. Kumaway ito sa kanya. Umiling siya. Babalik na sana siya sa pagtulog subalit tinawag nito ang kanyang pangalan. Sa takot na baka magising ang mga magulang niya. Lumabas siya sa balkonahe ng kuwarto niya. Lumapit nang husto si Raymart at tumingala.

"Bakit?" Mahinang tanong ni Clarence.

Sa halip na sumagot ay itinaas ni Raymart ang dalang papel. Binasa niya ang nakasulat doon.

Bumaba ka sandali, may sasabihin ako.

Umiling siya. Muli na namang pumikit ang isa niyang mata. Talagang inaantok pa siya. Iniharap naman ni Raymart ang kabila ng papel.

May ipapakita ako sa'yo. Siguradong matutuwa ka. Please  sandali lang tayo.

Humugot siya ng malalim na hininga at tumango. Tila zombie na lumabas siya ng kuwarto at lumabas ng bahay. Sinalubong siya ni Raymart.

A BROKEN PROMISETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon