Chapter Fourteen

528 8 0
                                    

PINASADAHAN ng mga daliri niya ang dalawang puso na nakaguhit sa punong narra. Parang kailan lang dito sila nagkakilala ni Raymart, dito rin nabuo ang pagkakaibigan at pagmamahalan nila ng binata. Ang punong ito mismo ang naging saksi sa sumpaan nilang pagmamahalan na walang hangganan.

Sa mga panahon iyon ay sobrang saya ang naramdaman niya sa tuwing magkakasama sila ni Raymart.  Pero ngayon kabaliktaran na ang nangyari at alam niyang ang pagmamahal ng binata ay napalitan ng galit para sa kanya.

Maraming taon na rin ang nakalipas buhat  nang iniwan niya noon si Raymart. Marami na rin ang nangyayari sa loob ng mga panahong iyon.  May kanya-kanyang buhay na sila ng binata.

Subalit hindi ni Clarence, maitatanggi na hanggang ngayon ay mahal pa rin niya si Raymart. Kahit kailan man ay hindi nawala ang pagmamahal niya sa nag-iisang lalaking nagmamay-ari ng kanyang puso.  Sa kabila nangyari ay umaasa pa rin siya na magkikita sila uli at makahingi ng forgiveness. Nangyari na nga iyon subalit tila kagaya sila ng istranghero at istranghera sa isa't isa.

Napaigtad siya nang marinig ang boses ni Raymart. "Buti naman at na-aalaala mong bumalik dito?"

Agad niyang nilingon ito kasabay ng pagpatak ng mga luha niya. "Raymart, anong ibig sabihin na nandito karin? Kung bumalik ka rin dito, ibig sabihin ay m-mahal mo pa ba ako?"

Ngumiti ito habang naglalakad palapit sa kanya. "Oo, Clarence. Kahit kailan ay hindi nawala ang pagmamahal ko sa'yo."

Nilunok niya ang nakabara sa kanyang lalamunan. "B-but I've hurt you..." Nang makalapit ito sa kanya ay nanatili itong nakatayo sa harap niya habang nakapamulsa ito. His adorable eyes were smiling. "Yes, I was hurt but that wasn't enough to make me forget you. I'm sorry, Clarence."

"For what?" Nagtatakang tanong ni Clarence.

There was a serious expression on his face but he sounded calm. "Dahil isinara ko ang isip ko noon para intindihin ka. Aaminin ko, all these years. I've been trying to hate you. I was so hurt when you left me. I refused to understand you because I was being consumed by anger and pain. Hindi mo lang alam kung ilang balde ang iniiyak ko noong umalis ka. Akala ko, sa sobrang sakit ay magagawa kong kamuhian ka. Pero  nagkamali ako. Habang pinipilit ko ang sarili ko na kamuhian ka, lalo lang kita minahal. I realized  I couldn't stay mad at you because  I love you so much. Napatunayan ko iyon nang makita kita sa wedding party nila Benjie. Sobrang selos ko no'n habang tinitingnan ko kayo ni Andy, habang magkatabi sa upuan. At kung paano ka rin titingnan ni Greg."

"Raymart," tanging nasambit niya. Wala siyang maapuhap na salita. Speachless na siya.

Inilipat nito ang hintuturo nito sa mga labi niya para patahimikin siya. "Pasensiya na kung hindi agad ako nakabalik sa'yo, Clarence. I missed you so much when I was in Australia. But I said to my self. 'Hey, this is your dream. Kailangan mo itong ipagpatuloy kahit wala na siya dahil para din ito sa kanya. Sa paglipas ng panahon tuluyan nang nawala ang lahat ng sama ng loob ko at napalitan na iyon ng pangulila sa'yo." Inilabas nito mula sa bulsa nito ang isang kamay nito at ikinulong doon ang mukha niya. His face softened and his eyes  gentle. "Patawarin mo ako kung naging makasarili ako at ang sakit na naramdaman ko lang ang inintindi ko. Hindi ko man lang naisip na ikaw ang lalong nasasaktan sa desisyon na napilitan kang gawin. Siguro nilamon na rin ako ng matinding sakit na naramdaman ko noon. Kung tutuusin ako pa nga ang nang-iwan sa'yo dahil hindi man lang kita pinakinggan sa paliwanag mo. Umalis ka noon na sinaktan ko pa ang kalooban mo dahil sa hindi kita inintindi.Clarence, I'm sorry for everything. I'm sorry it took me seven years to come back to you." Mahabang litanya ni Raymart.

Sunod-sunod na umiling siya para pabulaanan ang mga sinabi nito. "What are you saying, Raymart? Ako ang dapat na huminga ng tawad sa'yo dahil kahit ano pa ang dahilan ko noon. Iniwan pa rin kita. Nasaktan pa rin kita. Naging duwag pa ako sa pagharap sa'yo."

A BROKEN PROMISETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon